Untitled Story Part

20 3 1
                                    

Booniegie: Okay, isa lamang po ito sa mga kathang-isip na naiisip ko. Haha. Please support :( Salamat! :*

--------

Sabi sakin ng doktor, hindi na daw magtatagal ang buhay ko. Kulang-kulang isang buwan na lamang daw.

Bakit? Paano?

Ako walang sakit, pero ang buhay ko, ang kaisa-isahang taong minahal ko buong buhay ko... Mahirap man tanggapin, yun ang sabi ng doktor.

*****

"Sir? kaanu-ano niyo po ang pasyente?", tanong ng doktor sakin.

"Boyfriend niya po", sagot ko. "Pero papunta na din po mga mgulang niya", dugtong ko pa.

"Ahh. Ganun ba? Nagpapahinga na sa loob si Ms. Dela Cruz, pero hindi pa po siya pwedeng storbohin sa loob. Umm, pakisabi nalang sa parents niya, iho. Salamat"

Aalis na sana ang doktor pero pinigilan ko.

"Doc, ano po ba talaga ang sakit niya? Doc, gagaling pa naman po siya diba?"

"Hindi pa din namin alam, iho eh. Pasensya na. Sabi niyo nga, ilang ospital na din ang pinuntahan niyo pero hindi pa din matukoy ang karamdaman niya. She's still under observations, we'll do our best for yor girl. Sige iho", tapos tinapik niya ko sa balikat at tuluyan ng umalis.

A big shit, right? Ang dami na naming napuntahang ospital pero hindi padin alam ang sakit ng girlfriend ko? Tsk! Bat ganun? Bat ganun? Nakakainis pa eh yung last na osopital na pinuntahan namin bago dito, sabi ng doktor eh 1 month nalang ang itatagal niya.

Anong karapatan nila sabihin yun diba?! Hindi nga nila matukoy yung sakit niya! Tsh! -___________-

Si Claudine Dela Cruz, girlfriend ko, fiancee ko, asawa ko, buhay ko!

15 years na kami. 10 years old palang kami, we promised each other na hindi kami magkakaroon ng karelasyong iba. And I must say, nagawa naman namin yun dahil nga 15 years na kami.

Hindi ko alam kung anong nangyare, pero 3 months ago, bigla siyang nagbago. I mean, eto nga. 3 months na siyang nag-susufffer sa hindi matukoy niyang sakit. At, Oo, 3 months pero malubha na talaga siya.

I can't explain, ang hirap, masakit kasi sakin na makita siyang ganun. Lord, sana ibalik mo na siya sa dati.

*****

Andito na pala sila tita. Kasama na din pala ang mommy at daddy ko.

"Mom, dad.... Tita, tito", sabi ko.

"Kamusta na daw ang anak ko?", tanong ni tita na halatang mugto na ang mata sa kakaiyak. Unica hija kasi si Claudine kaya iba nalang kung pahalagahan.

"Ta, ganun padin. Di nila alam. Pero, they are still trying to figure it out po", yumuko ako pagkasabi kasi alam kong ma-didisappoint na naman si tita sa balita.

Nilapitan ako ng mama ko at inakay paupo.

"Magpahinga ka muna, nak. Kagabi ka pa nandito. Umuwi ka na muna"

Pero umiling lang ako kasi ayoko. Ayokong mawala sa tabi ng mahal ko. Paano nalang kung mawala siya bigla? Hindi ko kaya!

"Ayoko, ma. Dito lang ako! Tita, pwede na kaya natin siya bisitahin sa loob? Ay! Teka! Ako nalang po magtatanong", tumayo na ako pero pinigilan ako ni tito.

"Ako na, iho"

Tumango nalang ako.

*****

"Claudine, mahal na mahal kita! Wag mo kong iiwan mag-isa. Di ko kaya. I love you!"

November 29, 12am.

Tulog na sila, ako nalang gising. Andito kami sa room ni Claudine at kinakausap ko siya. Sana naririnig niya ko.

Pagkasabi ko ng mga salitang yun, tumulo na naman pala ang mga luha ko. Shet! Ang bakla na ng pinagagawa ko. Pero di na mahalaga yun! Buhay ko din ang nakakasalalay dito!

*Teeenk. Teeeeeenk. Teeeeenk*

Shit! Yung... Yung... Tsk!

"Doooooooc! Nuuuuuuurse!", nagsisigaw nako sa loob kasi bigla nalang ata may nangyayari sakanya.

Nagising na din sila mama at si papa na ang tumakbo para tumawag ng doktor.

"Naaak. Naaaak", Umiiyak na din si tita.

Lahat kami nakahawak lang kay Claudine at umiiyak.

Dumating na ang doktor. Lumayo muna kami ng konti para bigyan siya ng daan para gawin na ang dapat gawin kay Claudine.

Pero, ilang saglit lang...

"Sorry"

Agad akong tumakbo kay Claudine at niyakap. Niyakap ng mahigpit!

Hinaplos-haplos lang nila ang likod ko dahil humahagulgol ako ng iyak. Sinisigaw ko na din ang pangalan ng babaeng mahal ko. Pinapakalma nila ako, at unti-unting inilalayo kay Claudine.

Nang makakalma nako at nakahiga nalang siya doon, ng walang buhay. Umuwi na ang parents ko, sila tita naman ay kinakausap ang doktor Tsh! Para na din akong unti-unting pinapatay! Sh*t!

"Claudine... Sabi ko, wag mo ko iiwan eh", Umiiyak pa din ako. "Bakit ang bilis? Claudine, marami pa tayong gagawin diba? Shit naman! Mahal na mahal na mahal kita! Kung nasan ka man, sana masaya kana"

At bilang huling paalam nalang sakanya, hinalikan ko siya sa labi.

Pero nagulat nalang ako sa naging tugon niya. Gumalaw ang mga daliri niya..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love will keep us aliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon