FFMS45

84 2 0
                                    





Ej POV

Nandito na kami sa bahay ko o maige bang sabihin na hindi ako nag-iisa dahil may kasama ako
"Yule mamaya kita ihahatid sa bahay" sabi ko
"Ako na maghahatid sa kanya" sabi ni Alexia. Talagang tong babaeng to oh!
"Oo nga kuya si ate lexia na lang ang maghahatid sakin para may time ka kay baby efeinne" nakangising sabi ni yule





May plano ang dalawang ugok
"Ok sige pero hon bumalik ka agad huh" sabi ko
"Sure don't worry I'll be back" sabi nya sabay humalik sa pisnge ko hindi na naman bago dahil ganito kaming magkakapatid
Nakaalis na sila yule
"Tatay laro tayo!" Yaya ni efeinne
"Ano bang gusto mong laro?" Tanong ko



"Gusto ko sasakay ako sa likod mo tapos aandar ka katulad pagnaglalaro kami ni nanay" sabi nya. Madami na nga akong namiss ng ilang taon. Nagsimula na kaming maglaro ni Efeinne tawa siya nang tawa kahit si Mj tawa na rin nang tawa. Pinagmamasdan ko si Mj lalo syang gumaganda sa paningin ko. Nang magtagpo ang aming mata umiwas ako sya naman na tigil sa pagtawa



"Nak lilinisan ka na ni nanay pagod na din ang tatay" malambing na sabi ni mj sana laging ganito. Shocks! Ano bang iniisip ko di pa nga nagsisimula ang paghihiganti ko sumusuko na agad ako
"Eh nanay gusto ko pa maglaro" sabi ni efeinne
"Efeinne anak makinig sa nanay wag matigas ang ulo" sabi ni mj
"Oh sige po" nalulungkot na sabi ni efeinne pero nakinig pa rin



"Nak wag nang malungkot bukas na lang ulit tayo maglaro" sabi ko
"Pero tatay gusto ko katabi kita matutulog" sabi ng bata
"Sige" nasabi ko na lang
"Sige na efeinne pumunta kana sa taas" sabi ni mj
"Wag kang mangangako kung hindi mo tutuparin" sabi ni mj
"Gagawin ko mj hindi ako katulad mo" sabi ko saktong tumawag si Alexia



'Kuya sorry dito ako pinapatulog ni mommy kaya goodnight!'
'Pero Alexia!' Hindi ko na naituloy balik na naman sya sa dating gawi ang lagi akong patayan

Falling for Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon