FFMS53

82 2 0
                                    

Mj POV

Tumagal pa ang pagtratrabaho ko sa bahay na to nararamdaman ko na ang pagod sa tuwing matatapos ako sa ginagawa ko.

medyo nawawalan na rin ako ng time kay efeinne dahil sa sobrang pagod na nakakatulog na agad ako. Pinapahirapan na pati ako ej masyado syang cold


"Baka gabihin kami nila efeinne baka mag-kwekwentuhan pa kami nila mommy" paalam nya

"Sige" sagot ko. Nakaalis na si Ej sinimulan ko na din ang trabaho ko. Nagdidilig na ko ng mga halaman


"Oh! Hi Mj right" may bumati sakin mula sa labas nagulat din ako

"Oh! Kaizer? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"I live in this village too. Bahay ko yung katapat nang inyo" sabi nya

"Ahh. Salamat pala dun sa ice cream nung nakaraan" sabi ko

"Sure basta ipakilala mo ako sa chicks na nakatira jan" biro nya



"Wala namang ibang babaeng nakatira dito" nagtatakang sabi ko

"Just forget it. By the way I must going na" nakangiting sabi nya

"Sige batian nalang tayo" sabi ko.

Pumasok na ko sa loob dahil hindi pa ako tapos. Inaabot ko yung pamipi ng damit sa ibabaw nang malalag ito nang hindi ko inaasahan.


Sobrang sakit nang pagkakalaglag sa balikat ko dahil gawa ito sa matigas na kahoy.

Halos maiyak na ako sa sakit pero pinawalang bahala ko nalang ito kahit sobrang sakit pa. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalaba




Inabot ako nang maghapon sa gawaing bahay.

Hindi na ko nagluto dahil hindi rin naman makakain sila ej sa bahay kaya naghanda nalang ako para sa sarili ko.





Ang lungkot kapag magisa Kaya kahit anong gusto ko na magkaayos kami ni Ej walang nangyayari dahil din kay lexia mamaya makasira pa ako nang relasyon.

Hahayaan ko nang naging bunga si efeinne, maigi na yung siya nalang ang mahalin ni Ej, kahit ako nalang magmahal sa kanya kahit alam kong hanggang tingin nalang




May narinig na akong sasakyan na padating siguradong sila na yon.

Pinagbuksan ko sila nang pinto

"Oh kumusta?" Bati ko

"Eto nakatulog na si efeinne" sabi ni ej

"Wala ata si lexia?" Tanong ko

"Dun muna sya kela mommy"

"Ahh" may halong inggit sakin dahil mukhang pag-inayawan na ko ni efeinne wala na kong magiging puwang sa kanya sa kanila




Nadanggil ni Ej yung braso ko kaya tiniis ko lang ang sakit baka sabihin nitong nagiinarte lang ako. Ang init-init pa man din nang ulo sakin

"Ako nang magbubuhat kay efeinne" sabi ko

"Ako na" mataray na sabi nya

"Oh Edi ikaw na" sabi ko

"Nang iinsulto ka?" Seryosong tanong nya

"Hindi, tutulog na nga ako" sabi ko sabay alis

Falling for Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon