Chapter 2

6 1 0
                                    

Chapter 2

Halos maiyak na ako dahil dumating na ung araw na palalayasin na ako sa dorm. I mean kailangan ko na umalis. Pero sa kasamaang palad hindi padin ako nakahanap ng matutuluyan

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng gate kasama ng dalawang maleta ko.

Gusto ko na mainis bakit ngayon pa! May pasok ako, patay nanaman ako kay Jacob

Simula nang sunduin ako ni Jacob dito hindi na iti masyadong namansin, parang walang nangyaring panunundo. Siguro ganon lang talaga siya dahil nga boss namin siya at wala talagang ibang dahilan ang pagsundo niya. Baka iniisip niya lang kalagayan ng kompanyang iniwan ng daddy niya sakanya kaya maalaga siya sa empleyado

Akma na sana akong maglalakad nang tumigil sa harap ko ang kotse ni Jacob

Ano ginagawa niya dito? Sesermunan nanaman ba niya ako?

"The hell Laura bakit dala mo lahat ng gamit mo? Pinalayas kaba? Pinapasahod ka naman ng kompanya namin bakit di ka manlang makabayad ng upa mo?" nangunot ang noo ko sa sinabi nito maging siya ganon din

"Anong 'di nagbabayad ng upa! Sadyang ibebenta na itong lupa at apartment" natahimik ako at narealize ang paraan ko sa pagsagot sakanya. Mukhang nagulat din ito

"Sorry Sir" nagpeace sign ako pero inirapan lang ako nito.

"Damn it di ka nanaman nakapasok ng matino Laura. Get in my car. "

"Sir hindi na kailangan ko pa maghanap ng matutuluyan hindi na muna ako papasok Sir" tinignan lang ako nito saka inagaw saakin ang dalawang maletang hawak ko.

"No get in my car. Tanghali na at gutom na ako wag mo painitin ulo ko" dahil nagsungit nanaman ito tumakbo na ako papasok sa kotse niya na kinagulat nito at napailing nalang saakin.

Nilagay niya ang mga maleta ko sa trank niya at sumakay na sa kotse.

"Okay let's eat first. Tutulungan na kitang maghanap ng matutuluyan mo." hindi nalang ako sumagot sakanya. Bakit ba siya nagiging mabait pag wala kami sa opisina? Dapat ko ba bigyan ng meaning ang lahat ng ito? Kasi nagsisimula na akong umasa. Lalo na never pa akong napasok sa isang relasyon. Pero may mga nanliligaw naman saakin kasi hindi nila ako natitiis. Parang mabilis sila sumuko dahil nga hard to get daw ako. Bakit ba ? Maganda naman ako ah may mahabang wavy hair tama lang naman height ko para sa isang babae hindi naman ako maitim o maputi nasa average lang basta maganda ako yon na yon.

Tumigil na ang kotse at bumaba kami sa harap ng isang mamahaling restuarant. Okay hindi ako papasok dito dahil hindi ko afford ang mga yan kailangan ko pa mag padala sa magulang ko kailangan ko pa maghanap ng matutuluyan kailangan ko pa mag bili ng makakain ko. Hindi bahala na si Jacob dito

"Laura ano pa tinatanga tanga mo dyan halika na hindi ka naman magbabayad. It's my treat" sandali pa akong natulala bago sumunod sakanya

Nang makapasok kami agad kami nakahanap ng mauupuan

"What do you want to eat?"

"Ikaw na bahala wala naman akong alam dito eh" tinignan lang ako nito saka na siya ang nagsabi ng order sa waiter.

Dumating din naman agad ang order niya at nakakain din kami agad. Mukhang masarap nga naman ang pagkain dito

"Bill please" sabi ni Jacob at nilabas na ang wallet. Lumapit ang isang waiter na may hawak na resibo at inabot ito

"3,050 po sir" ano?! Ginto ba pagkain nila dito?!

"Seryuso kuya?" medyo nagtaka saakin si Jacob at umiling saka inabot ang pera at tumayo na ako saka sumunod sakanya

"Sir bakit dito pa kasi andami daming fast food dyan masarap naman mura pa tapos dito dalawang order lang aabot ng ganon?!" hindi ako sinagot nito kaya nanahimik nalang ako

Minsan ang daldal ko at dahil sa kadaldalan ko nakakalimutan kong boss ko nga pala ang kasama ko kailangan proffesional act din ako.

Maghapon kami naghanao ng mga bakanteng dorim pero mas malas ako ngayon dahil halos lahat ay punuan na at ang iba ay may nakaserve nang papalit sa aalis.

Hindi ko na alam gagawin ko halos maiyak na ako. Ayoko naman matulog sa daan noh.

Sa sobrang pagod napaupo nalang ako bigla sa isang bench na nadaanan namin. Napatingin saakin si Jacob pero hindi ito nagsalita.

"Sir okay naman na ako pwede na kayo umuwi baka hinahanap na kayo eh. Kunin ko nalang po gamit ko tapos ako nalang magtutuloy sa paghahanap" kinunutan ako nito ng noo at nag salita

"You are crazy? Of course you are. I won't leave you alone. Gabi na at delikadi sa daan. Come on. Alam ko na saan ka makakatuloy habang wala kapa mahanap." hinila na ako nito at nagtungo na kami pabalik sa kotse niya

Sa sobrang pagod ko nakatulog nalang ako sa biyahe hanggang sa may tumapik sa pisngi ko

"Wake up sleepy head" bungad ni Jacob at pag mulat ng mga mata ko naka-park na ang kotse niya sa isang garahe. Kaya naman bumaba na ako at pansin kong hawak na nito ang mga maleta ko. Sumunod lang ako sakanya hanggang sa makalabas kami sa garahe at nakita ko ang buong kabuuan ng lugar. Isang napakalaking bahay na may kulay na gray.

"Nasaan tayo Sir?"

"Sa bahay ko" nanlaki ang mata ko at agad nakahawak sa braso nito

"Hala Sir! Hindi na po I swear kaya ko pa maghanap ng matutuluyan ngayon" kumunot nanaman ang mga noo nito saakin at hindi ako sinagot kundi nagpatuloy lang sa paglalakad

"Laura come on gabi na pagod na din ako, you can stay her for weeks, habang wala ka pang nahanapang apartment" hindi nalang ako umimik at sumunod nalang sakanya.

Habang sa idala ako nito sa isabg kuwartong plain at sinabi lahat ng kung ano meron doon. Halata na din ang pagod nito kaya hindi ko na siya masyadong kinausap

"Thank you Sir, promise hahanap ako agad ng matutuluyan, pasensya na sa abala sir" tumango lang ito saakin at nang akma na siyang tatalikod muli itong humarap

"And by the way, pag wala tayo sa opisina please just call me Jacob. Take some rest now. Good night Laura"

Miss Royal Demise

Living with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon