Chapter 3

7 0 2
                                    

Chapter 3

Tahimik akong nagising at napalinga linga sa paligid at naalala ko na sabado pala ngayon. At okay lang malate dahil wala na masyadong dapat gawin sa araw ng sabado

Parang mini-day off namin.

Bumangon na ako at naligo

Matapos non nag-ayos na ako ng sarili saka lumabas na ako ng kuwarto.

Natigil ako sa paglalakad dahil ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng loob ng bahay ni Jacob. Ang theme nito ay black and white samantalang ang labas ay gray naman. Pero sobrang makalalaki ang style ng bahay at sobrang linis nito.

Bumaba na ako ng hagdan at tinignan kung may tao ba.

"Laura" natigil ako sa paglalakad at tumingala sa itaas kung  saan ako nanggaling kanina at doon ko nakita si Jacob na nakasuot ng corporate attire niya. Bakit ang gwapo gwapo niya ngayon?

Medyo gulo pa ang necktie nito kaya medyo naging hot ang style niya.

"Done staring at me?" natauhan ako nang muli itong magsalita.

"Ah ano, Good morning Sir!"

"I told you call me Jacob when we're out" oo nga pala sinabi niya iyon kagabi. Pero nakakailang naman kasi kung Jacob lang samantalang boss ko siya. Ano nalang kaya masasabi sakin ni Sir John pag nalaman niya na nasa bahay ako ng anak niya. Grabe nakakahiya ito.

"Ay oo nga" bumaba na ito ng hagdan at nagtungo sa kusina

"Kumain kana muna bago tayo umalis. Nagluto ako ng pancake" umupo nalang ako at sinunod ang gusto niya.

Nang matapos ako kumain umalis na kami ng bahay at tahimik nakarating ng opisina.

Wala pa masyadong empleyado kaya nakatulog pa ulit ako sa desk ko

Sobrang kulang na ako sa tulog na halos araw araw nalang ako napupuyat at kailangan ko pa magising ng sobrang aga para lang pumasok sa trabaho dahil kung hindi wala na akong maipapadala kila Mama sa probinsya ayaw ko naman sila madismaya saakin lalo na ako lang inaasahan nila nagiisa lang akong anak eh.

Hindi naman kasi kami mayaman hindi rin naman kami mahirap sapat lang kung tawagin.

Tinapos ko lahat ng dapat gawin saka nagpahinga at nag ayos na ng sarili. Wala masyadong ganap sa buhay ko.

At dito ko lang ulit naalala na sa bahay nga pala ako ng boss ko nakatira. Paano ako magaadjust ngayon?

Nang tatayo na ako lumapit saakin si Vivianne

"Laura! Sabay na tayo" tumango ako sakanya at sabay na kami lumabas ng opisina.

"Mauna na ako Viv ha? Malayo pa tatahakin ko eh"

"Sige ingat ka" ngumiti nalang ako at nagpara na ng taxi.

"Manong sa Clarkson Subdivision po"

Pagkarating ko nagbayad na ako at pumasok sa gate.

Dahil binigyan ako ni Jacob ng susi nakapasok ako at nakapaglinis ng sarili. Saka nag save ng mga files at bumaba na ng kusina

Tinignan ko nalang kung anong pwedeng mailuto, kaso naisip ko hindi ko naman ito bahay.

Pero kakain din naman siya eh.

Kaya nagluto nalang ako ng adobong manok at kanin.

Matapos ko magluto hinanda ko nalang iyon sa mesa at naghintay ng ilang minuto.

Dahil medyo boring ako aakyat nalanag muna ako sa kuwarto pero nang makatatlong hakbang na ako nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Jacob dahilan kung bakit nadulas ako sa hagdan. Napatili ako at hinihintay nalang bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Pero pagmulat ng mga mata ko mukha ni Jacob ang sumalubomg saakin

Nakapulupot ang mga braso nito sa bewang ko

"I got you" sabi nito kaya agad akong napaayos ng tayo at nahihiyang tumingin sakanya

"Thank you Si- Jacob"

"Magugulatin ka pala" hindi ko ito sinagot at nanatiling tahimik

"So you cooked for dinner?" tinanguan ko lang ito. Hinila na ako nito patungo sa kusina

Sabay kaming kumain kahit naka uniporme pa ito

Nang matapos kami kumain naghubad ito ng coat at tinupi ang polo niya hangang siko saka niluwangan ang necktie

Shit bakit ang hot niya? Bakit ba kasi boss ko pa siya. Pwede bang wag nalang umalis dito?

Hindi pwede itong nararamdaman ko ha. Hindi na tama ito.

Nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan namin saka naghugas ng kamay.

Umakyat na muna ako para magbrush at kunin ang laptop ko

Tatapusin ko nalang lahat ng mga reports na pinagagawa ni Jacob.

At bumaba na ako at umupo nalang muna sa sofa. Ayoko naman magkulong sa kuwarto.

Umakyat na din si Jacob at matapos ang isang oras nakita ko itong bumaba na nakaayos. May pupuntahan ba siya?

Tinignan ko ito habang bumababa ng hagdan

Dahil ang sofa na inuupuan ko ay tapat lang nito ang hagdanan kaya kitang kita ko ang pagbaba niya.

"I'll be coming home late so make sure to lock the doors and don't turn off the lights here." sabi nito bago lumabas ng bahay. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtype

Nang matapos ako binuksan ko nalang ang TV

Habang nanunuod umiinom ako ng kape para hindi ako makatulog agad. I love watching historical movies.

Dalawang oras na akong nakaupo dito sa sofa pero wala pang Jacob na dumarating .

10:05 na bakit hindi pa siya dumarating? Saan kaya nag punta iyon. Pinatay ko na ang TV at kinuha na ang laptop ko habang naglalakad ako patungo sa hagdan nakarinig ako tunog ng makina ng sasakyan na papasok sa garahe. Hindi ko na inabala ang sarili kong salubungin siya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagakyat.

Pagdating ko sa taas narinig ko ang malakas na balibag ng pinto kaya napatingin ako at nagmamadaling bumaba ng hagdan, at dito ko nakita si Jacob na nakasandal sa pinto at minamasahe ang ulo.

"Jacob? Okay ka lang ba?" tumingin ito saakin ng may mga mapupungay na mata. Mukhang lasing siya.

Nilapag ko na muna ang laptop ko sa center table ng sala at lumapit sakanya

Lasing nga ito dahil sa amoy niyang alak.

"Why are you still awake? Damn kaya nga ako umalis para pagbalik ko tulog kana" hindi ko siya sinagot at inalalayan nalang sa sofa.

"Saan ka ba galing?" sinandal nito ang ulo niya sa sofa habang nakaupo

"Don't need to ask Laura, go get some rest now. Kaya ko na sarili ko" dahil sa kainisan ko kinuha ko nalang laptop ko. Siya na nga tinutulungan aarte pa. Madapa ka sana letche ka

Buwisit akong naglakad patungo sa hagdan pero natigil din ako nang tawagin niya ang pangalan ko

"Laura, you're damn making me fucking crazy."

Miss Royal Demise

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon