Boy Without A Heart *One Shot*

1.7K 45 14
                                    

Third year high school pa lang ako ay crush ko na si Rafael.

Section A sya, samantalang ako ay nasa section B.

Oo, nasa section A siya pero hindi ito matalino. Kaya lang naman ito nasa pilot section ay sa kadahilanang ang mga magulang nya ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko.

Isa syang laki sa layaw na laging ipinagmamalaki ang yaman na meron ang pamilya nya. Laging nasa latest ang mga gadget nya, kahit pa ang mga sinusuot nyang damit na pawang mga branded. Lagi nyang nakukuha ang gusto nya. Mas gugustuhin pa nya ang maglakwatsa kesa mag-aral. Habang ako araw araw ay gusto kong pumasok sa eskwela para masilayan sya. Kahit hindi naman kasi sya pumasok ay makikita ko pa din siya dahil walking distance lang ang bahay nila sa school namin.

Basketball ang buhay nya at parang tambutso ng sasakyan ang bibig nya kung manigarilyo. Hindi ko nga alam kung ano ang nakita ko sa kanya kung bakit naging crush ko sya. Basta ang alam ko lang ay pinapalukso nya ang puso ko kapag nariyan sya sa paligid.

Naging stalker nya ako. Akala tuloy ng mga kaklase at guro ko ay sadyang mahilig ako mapag-isa. Hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Mas gusto kong makita si Rafael kesa makipagkaibigan.

Kahit hindi ako kumakain ng fishball ay sinanay ko na kumain nito. Lagi ko kasi silang nakikitang tumatambay sa fishball stand sa labas ng school. Masarap naman pala ito lalo na ang kwek kwek. Nahilig din ako manuod ng basketball para mapanuod syang maglaro. Tumatambay din ako sa may dulo ng bleacher sa open field na kunwari ay nagbabasa pero ang hindi nya alam ay tiningnan ko sila na nakatambay doon at nagkakasiyahan ng mga barkada nya.

Sa buong araw ng class period ay dalawang beses akong nag-eexcuse sa mga teachers ko para magbanyo. Na ang totoo ay ginawa ko lang itong excuse para makadaan ako sa classroom nya para matingnan kung ano ang ginagawa niya sa oras ng klase. Sya ang kumukumpleto ng araw ko. At tuwing sasapit ang araw ng sabado at linggo ay walang kasing lungkot ang araw ko dahil hindi ko sya nakikita.

Isang araw . . .

Bigla na lamang na hindi ko sya nakita sa mga tambayan nya. Hinanap ko sya sa buong school. Nag-aalala ako na baka nagkasakit sya. Hindi kasi sya kasama ng barkada nya. Napagod ako sa paghanap kung nasaan sya. Hindi ko na din pa inisip na nasa loob sya ng campus. Malamang ay umabsent ito. Ganun naman sya lagi eh.

Napatingin ako sa relo ko, 4:30pm na. Naalala ko na may kailangan pala akong iresearch sa project namin sa Filipino. Kaya agad akong nagtungo sa library. Habang naglalakad ako patungong library ay may nadinig akong tumutugtog ng gitara sa may music room. Nacurious ako kung sino man yung tumutugtog na yun. Kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto upang silipin ang taong naroon.

At sa pagsilip ko sa pinto ay hindi ko mapaniwalaan ang taong nakita ko.

Si Rafael.

Tumutugtog sya ng gitara. At ang tinutugtog nya ay When You Say Nothing At All. Nagsimula na din syang kumanta. Ngayon ko lang nalaman na marunong syang maggitara at kumanta. Bakit nakalagpas ito sa akin? Umalis ako sa harap ng pinto. Umupo ako sa gilid. Baka kasi mapansin nya ako at magalit ito sa akin. Sayang naman ang pagkakataon na madinig ko syang kumanta. Kinuha ko ang math notebook ko sa bag at ginawa ko ang assignment habang pinapakinggan ang ginagawa nya.

*clap clap clap* may biglang pumalakpak sa loob ng Music Room.

Napahinto ako sa ginagawa ko. May kasama pala si Rafael sa loob?

"Ma, kanina ka pa dyan?" iritadong tanong ni Rafael sa kausap na si Mrs. Garcia.

"Hindi mo lang ako napansin anak. Hindi pa din kumukupas ang galing mo sa paggitara. Matagal na kitang hindi nadidinig na tumugtog." si Mrs. Garcia.

Boy Without A Heart *One Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon