" 'And the boy gets the girl' tsk! Wala na bang iba? Di ba pwedeng 'And the boy didn't get the girl or the girl has been abducted by an alien? "
"Ang bitter mo talaga!" sabay hampas sa balikat ko.
"Mas maganda yung ending ko at nakakaumay na yung puro ganun na lang, dapat may twist. At hindi ako bitter ok?" pagirap ko sa kanya.
"Whatevah! Tiboli Alexa!" sigaw at pagirap nya akin.
"Please! Nakikita nyo bang library toh? Kung magiingay kayo dun kayo sa labas!"
"Whatevah! Makaalis na nga!"
"Sorry po! *le whisper* Ang ingay mo kasi Arnold! Sorry po ulit"
Ay! Sorry guys! Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala ang inyong Bida, Kontrabida, Weirdo, Baliw etc. na si Alexa Quiazon. You can call me Lexa, Alex, Lela. 18 years old. Panganay sa 5 magkakapatid. 3rd year college sa kursong Information Technology.
(One word that describes you?)
"*le insert pageant girl voice* Thank you for that wonderful question. Well, they describe me as a *le insert bigger voice* Tiboom, Tomboy, Butch etc. *le insert pageant girl voice again* Thank you" pageant girl wave.
(Teka! Andami naman nun. Isa lang tinanong ko, andami mong sinagot.)
"*le insert Steffi Cheon voice* Sarreh okey, sarreh. Ahmm. Hindi naman kasi ako ganun noh! Iba ang Tiboom at Boyish. Ang Tiboom by definition is 'A female who experience romantic love or sexual attraction to other female' at ang boyish naman by definition is 'Of, like, or characteristic of a male child or young man.' OO Boyish Ako! Paki Mo!?"