Chapter 1: The Riot 1

10 1 0
                                        

Narrator's Point of View

Sa isang abandonadong bahay sa tabi ng police station, sa gitna ng syudad, ay isang grupo ng kabataan ang nakatakdang magtagpo, dahil sa hindi inaasahang away na babago sa buhay nila.

"Hoy, hawakan niyo yan ha!?" sigaw ng isang lalake sa kanyang mga kasamahang may hawak sa isang estudyanteng bubog sarado na,

"Chickboy ka! Pati kapatid ko tinalo mo ha?" sabi ng lalake at sinuntok muli ang binubugbog na estudyante,

"Kasalanan ko bang hinabol-habol ako ng kapatid mo kahit hindi ko siya trip ha!?" palaban na sagot naman ng binata na tila hindi takot sa angas, laki at dami ng mga bumubugbog sa kanya.

"Palaban kang bata ka ha! sabay suntok Hindi ka talaga hihingi ng sorry? Ha?" sabay muling suntok sa lalakeng hindi na makatayo sa sakit,

Natigil lang ang lahat nang may isa pang binatang pumasok sa abandonadong bahay, maliit lamang siya, may maputing balat at balinkinitang katawan.

"Seth? Ikaw yun diba? Yung lalakeng crush ng lahat ng babae sa school?" inosenteng tanong ng lalake,

"Hoy bata, hindi ka pwede rito, kita mo namang kausap namin itong idol mo kaya alis! Shupi!" pagtataboy ng isa sa mga tauhan ng sigang bumubugbog kay Seth, ang kaawa-awang binatilyo.

"Kausap kita? Tsaka isa pa, hindi ko idol yan," sagot ni Clint sa sigang humarang sa kanya, "Hiniram sakin ng kaibigan mong si Tony yung sci-cal ko dahil kailangan mo raw, kukunin ko na sana." baling niya kay Seth na ngayon ay nakaluhod sa sahig, puno ng sugat at pasa.

"Talaga lang ha!? Ikaw yung Clint? P*ta naman! Nandon sa bag ko, kung basag na, sorry, binalibag nila yan kanina sa dingding, peste." sagot ni Seth na tila nainis sa inakto ni Clint.

"Sige, Salamat" sagot ni Clint at kinuha ang bag ni Seth na nakakalat sa sahig.

"Dalhin ko nalang sa labas, nakakaabala ata ako sa pag-uusap niyo." sabi ni Clint at akmang lalabas na ng bahay, nang may humawak sakanya.

"Hindi ka pwedeng lumabas boi, baka magsumbong ka pa, samahan mo nalang dito ang tropa mong si Seth." sabi ng leader nila at sinuntok si Clint sa sikmura, napaluhod ang binata sa sahig dahil sa sakit, hinawakan naman siya ng iba pang tauhan ng at pinaluhod sa tabi ni Seth.

"Sabi ngang hindi ko siya tropa, hihina niyo naman umintindi." maikling sagot ni Clint sa lalake habang iniinda ang sakit ng suntok sa kanya, napamura naman si Seth sa tabi niya dahil sa pagkadamay ni Clint.

"Aba sumasagot ka pa!" akmang susuntok na ang lalake sa mukha ni Clint nang makayuko siya, at dahil maliit lang ang binata ay naiwasan niya ang suntok at tumama ito sa mukha ni Seth,

"P*ta! Bakit ka umiwas!?" sigaw nito kay Clint "Malamang kasi masakit masuntok, bobo mo," pagsagot naman ni Clint, at dahil sa pag-iwas niya sa suntok at tila saglit na nawala ang focus ng mga ito sakanya at napaluwag ang hawak sa kanyang braso, sinamantala ito ng binata at tumakbo papunta sa pinto.

"Aba ang tatanga niyo naman! Nabitawan niyo pa yon!?" Sigaw ng leader, naharangan nila si Clint, ngunit gumpang lang ito sa pagitan ng mga binti nila, at dahil sa liit niya ay nakalabas siya.

"Habulin niyo!" sigaw ng leader "Pero boss, yung mga pulis?" tanong ng isa sa mga tauhan niya, "Ako na ang bahala kay hepe! Bilisan niyo!" at hinabol ng lahat si Clint, sinamantala naman ni Seth ang pagkakataon na makatakas, dahil iisa na lamang ang naiwan sa abandonadong bahay at yun ay ang leader ng mga sigang bumugbog sa kanya.

Tumayo si Seth at inikot ang mata sa kanyang paligid, sinisiguradong wala nang tao sa bahay maliban sa kanya at sa leader.

"Buhay ka pa pala? Ano kulang pa ba ha? Chickboy?" salubong sakanya ng leader nang manggaling ito sa presinto sa tabi ng bahay. Tinitigan lang siya ni Seth sa mata, hindi kumukurap habang naka-bola ang mga kamay at nanggigigil sa galit.

"Aba palaban ka ha? Mukhang galit ka na hahahaha!" pamimikon ng lalake.

"Maghubad ka." utos ni Seth sa lalake.

"Kaya ba hindi mo trip ang kapatid ko kasi bakla ka?"

Tinitigan lang siya ni Seth sa mata at muling sinambit ang kanyang utos "Maghubad ka." at tila isang puppet ay sumunod naman ang lalake sakanya.

"Sumayaw ka." sinunod naman ito ng lalake, "Lumabas ka habang nasayaw at nakahubad." at muling ginawa ng lalake ang utos ni Seth na tila wala itong sariling utak.

Nang tuluyan nang nakalabas ang lalake ay nagsigawan ang mga babae't batang nadaanan nito, dahil dalawang kanto mula doon ay puro karenderiya na at maraming tao ang nakain, tila natuwa si Seth sakanyang ginawa at pangisi-ngisi pang pinulot ang kanyang bag.

"Galing mo naman lodi." bakas sa mukha ni Seth ang gulat nang may pumuri sa kanya, nilingon niyo ito, isang binata galing sa school niya.

"Seth, tama? Frank nga pala, lodi na talaga kita, crush ka na ng bayan, mind controller ka pa!" pagpapakilala nito sa kanya na tila maliit lang na bagay ang kumontrol ng utak ng ibang tao.

"Pake ko? Subukan mong ipagkalat yan, uutusan kitang maghubad sa gitna ng buong school habang may general assembly." pagbabanta ni Seth kay Frank.

"Wooah chill pre! Hindi ka ba nakukunsenya? Hinahabol nila ngayon si Clint tapos ikaw tatakas ka lang ng hindi siya tinutulungan?" pangongonsensya ni Frank kay Seth, habang tinuturo ang bag na naiwanan ni Clint.

"Kilala mo yon?" tanong ni Seth "Tsk, di ko kasalanan kung bakit siya hinahabol ngayon, siya ang kusang pumasok dito, hindi naman ako humingi ng tulong sa kanya, aalis na ako." sabi niya at akmang aalis na.

"Ayaw mong gamutin yang mga sugat mo?" tanong ni Frank kay Seth. "Bakit kaya mo ba?" balik na tanong naman sakanya ni Seth. "Ha! Syempre naman ako pa, pero bago kita gamutin, tulungan muna natin yung batang hinahabol, okay ba?" pangungubinsi ni Frank.

"Bahala ka sa buhay mo." sagot ni Seth na tila wala talagang balak tulungan si Clint. Ngunit napatigil ang dalawang binata nang makarinig siya ng mga yabag ng paa na papalapit sa kanila, nilabas nila yon at nakita si Clint pabalik habang hinahabol ng mga siga, hinablot ni Frank ang bag ni Clint, nang mapansin sila na hindi lang siya nag-iisa, may nadamay na dalawa pang estudyante na galing din sa school nila, may mga pasa na din ang dalawa at tila pagod na katatakbo, wala naman nagawa si Seth at Frank kundi tumakbo din at sumabay kay Clint at sa dalawa pang binata.

Mukhang isang mahabang araw ng takbuhan ito.

LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon