Chapter 2: The Riot 2

8 1 0
                                    

Clints Point of View

Isang normal na araw lang talaga ang lahat kung hindi lang dahil kay Tony na nagturo sakin kung saan madalas tumatambay si Seth, dahil kailangan ko na ang sci-cal kong halos dalawang linggo nang nasa kanya, kung hindi ko lang binago ang routine ko sa araw-araw edi sana hindi ako hinahabol ng isang batalyon ng mga sigang bumugbog sakanya, kung hindi lang- AAAHH! Kung hindi lang talaga edi sana hindi ako pagod ngayon katatakbo!

Halos ilang minuto palang ang tinatakbo ko pero sobra na ang pagod na nararamdaman ko, hingal na hingal na ako, lumiko ako sa isang eskinita sa tabi ng isang building, at kung swerte nga naman talaga, dead end na yon. Hay buhay!

"Totoy! Hindi ka pa ba pagod? Wag ka nang tumakbo! Tutal wala ka naman nang dadaanan e." sabi sakin ng isa sa mga maskuladong siga na humahabol sakin.

"E ayaw ko may magagawa ka? Tsaka isa pa syudad to maraming tao, hindi ba kayo natatakot na may tumawag ng pulis para hulihin kayo?" speaking of, may katabing police station yung bahay na pinanggalingan namin, pero hanggang ngayon walang nadating na pulis o tanod man lang, ano ba tong lugar na to!?

"Bespren ng leader namin yung hepe ng pulis totoy! Talagang walang dadating na pulis at lalong lalo nang hindi kami makukulong! HAHAHAHAHA" sagot sakin ng isa pang siga at nagtawanan sila sa sinambit ng kasamahan nila. Kaya ba nakakapambugbog sila nang hindi nakukulong kasi tropapips ng leader nila yung mga pulis dito!? jusko ubod ng swerte talaga ang araw ko ngayon!

"AAAHHH!!! TULONG BINUBUGBOG AKO!" wala na akong nagawa kundi ang sumigaw ng malakas para humingi ng tulong at makakuha ng atensyon, may mga tao akong nakikitang naglalakad, pero parang wala silang narirnig.

"Hindi ka nila tutulungan totoy! Ayaw din nilang madamay sa gulong pinasok mo, kaya wag ka nang mandamay ng iba pa HAHAHAHA" hindi ko alam kung anong nakakatawa at kanina pa sila tawa ng tawa pero napipikon na talaga ako, tsaka tama naman sila, kung hindi ko lang talaga kailangan yung sci-cal ko ay hindi ko naman hahanapin si Seth, at hindi ako mapapasok sa gulo niya, kaya si Seth ang may kasalanan nito! Tama!

"Tahimik nga! Ang ingay niyo ang lapit niyo lang naman sakin pero kung makapag-taas kayo ng boses sakin parang isang kilometro ang layo ko sainyo!" bakit ko nga ba sila sinasagot? Siguro gusto ng subconscious ko na mamatay na ako kaya lalo ko silang inaasar.

"Aba talaga namang!" susuntukin na ako ng isasa mga siga pero wala akong naramdaman, parang nalaglag lang mula sa kung saan.

"Hoy! Talagang bata pa yung pinapatulan niyo? Parang ang liliit niyo sa dami niyong humabol sa kanya, duwag ba kayo?" kalmadong sabi ng isang lalake, sinilip ko sa likod ng mga siga, baka nandon siya, wala, likod ko, dingding lang.

"Dito sa taas bata." sabi ulit nung lalake, tumingala ako at nakitang dalawa sila, nakasuot din ng uniform ko, pero iba yung kulang ng ID lace, upperclassmen sila.

"Ay hello" sabi ko, ano bang dapat kong sabihin? Thank you? Hindi pa nga ako ligtas kasi kahit anong oras, minuto at segundo, baka suntukin at bugbugin ako ng sigang nasa harapan ko.

"Sino ka naman ha? Tropa mo tong si Totoy liit!?" nakaka-insulto sila, porket maliit ako sa average na height ng isang binata sa bansang to totoy liit na agad ako? Tsk!, "Baba diyan! Nang makapag-practice kami, binato mo pa kami ng lata, matapang ka boi." panghahamon ng mga siga.

"Sige sabi niyo e," sagot ng isa sa mga lalake na kanina pa tahimik, tumalon siya mula sa bintana at lumanding sa isa sa mga sigang nakatingala sa kanya, sumunod naman ang lalakeng kanina pa nakikipagsagutan sa mga siga at sinipa naman ang dalawang siga sa dibdib habang siya ay palapag.

LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon