"Someones always sayin' Goodbye"
Why do people fall inlove
And then end up crying
Why do lovers walk away from themselves
When their hearts are breaking.Bakit nga ba ganun? Napakahirap na tanong. Bakit nga ba magmamahal pa tayo, kung sa huli masasaktan din naman? Yung tipong walang wala sa isip mo na hindi siya mawawala sayo, kase umaasa ka na kayo hanggang dulo. Pero sa isang iglap lang maglalahong parang bula ang lahat ng yun. Yung mapapaiyak ka nalang at mapapatanong na. Bakit? Mahirap, kase wala namang tao na nakakaalam ng pwedeng mangyari. Yun bang, kung alam naman natin masasaktan tayo, pipiliin pa ba nating mahulog don sa tao? Diba syempre hindi na. Nagmamahal pa rin tayo kahit hindi natin alam ang kahahantungan ng isang relasyon, binibigay pa rin natin ang lahat. Lahat ng makakaya natin. Mahal mo eh! Oo, pagnagmahal tayo handa nating isuko ang lahat, kase yun yung iniisip nating paraan para manatili satin ang isang tao at para maging masaya rin tayo. At hindi natin masisisi ang sarili natin. Kase tao lang naman tayo, nagmamahal ng totoo. Yun nga lang. Medyo malas sa pagibig, kase kung sino pa yung totoo magmahal ay siya pa yung madalas maiwan at masaktan! At yung pagmamahal mong wagas, sa maling tao mo nailalaan. Kung pinili nilang iwan ka, wala ka ng magagawa pa. Siguro isa yun sa patakaran pag nagmahal ka sa maling tao. HAHA.
Why does lovin' never stay long
Why does kissing this time mean you'll be gone.Oh eto pa! Bakit nga kaya? Yung relasyon ngayon parang china phone, mabilis masira. HAHA. Mapapaisip ka talaga, pero sobrang hirap hanapan ng kasagutan. Bakit? Dahil ba hindi tayo kamahal mahal? O siguro nabobored sila sa atin, kase sobra tayong magmahal sa kanila? O di lang talaga sila marunong makuntento?
Ganyan naman sila eh.
Siguro, nagsawa na sila? Yung tipong okay pa naman kayo ngayon, tapos kinabukasan iiwan ka nalang ng walang dahilan. Bakit nga kaya ganun kadaling i-give up para sa kanila yung lahat ng pinagsamahan niyo. Dahil ba mabilis sila mapagod? Kaya bumitaw na agad sila at sa isang iglap iiwan ka nalang basta sa ere. Tangina ano? Hindi ba nila iniisip yung mararamdaman natin.O siguro hindi lang talaga nila kaya masaktan, kaya sila na agad ang bumibitaw at nangiiwan? Pero lecheplan naman! Parang ang labo naman non. Ano? Mahal ka ngayon, tapos bukas hindi na?
Ang hirap ang daming tanong sa isipan mo na hindi mo alam ang kasagutan. At minsan ang masaklap pa. Makukuha mo yung sagot. Don pa sa taong naging dahilan kung bat nasasaktan ka. Ang hirap pre diba! Lalo na kung nagawa mo na ang lahat! At alam mo sa sarili mo na hindi ka naman talaga nagkulang sa kanya, sa relasyon niyong dalawa. Kaya kayo! Kung alam niyong nasayo na. Yung taong bubuo ng pagkatao mo, yung magpapasaya ng bawat segundo ng buhay mo. Wag mo na bitawan pre! Sa ngayon mahirap na makahanap ng matinong relasyon. Dahil dito sa mundo, maraming tukso. Napakaswerte mo na kung nasayo na yung magmamahal at tatanggap sa pagkatao mo. Kaya matuto ka makuntento.
Why does gladness become sadness
Things that i dont get.Nagsimula ng masaya ang istorya, yung akala mo wala ng wakas yung pagmamahalan niyong dalawa. Pero wala, natapos lang din sa wala ang lahat. Yung tipong akala mo wala ka ng kalungkutang mararamdaman, kase kasama mo siya. Pero akala mo lang pala. Sa isang iglap wala lahat ng yun. Sa isang paalam, kapalit ay ang pagguho ng mundo mo. Totoo nga pala, na sa simula lang masaya. At masasabi mo nalang sa sarili mo. Na sana umpisa palang hindi na sinimulan kung magwawakas din lang.
Someone's always sayin' goodbye
I believe it hurts when we cry
Dont we know partings never so easy
And with all the achings inside
I beliece some hearts will survive
Trying hard to pretend that were gonna be fine.Pinaka hardest part ng song!
Bakit nga ba kailangan pang maiwan?
Bakit dapat laging may magpaalam?
Hindi ba nila alam kung gaano kasakit yun?
Kung anong mararamdaman nung tao kapag naiwan?
Hindi ba manlang nila inisip na, halos ibigay na natin yung buong mundo natin sa kanila.
Hindi ba nila naisip na sobrang minahal natin sila, tapos babalewalain lang nila yun? Binigay na nating lahat kanila, pero mas pinili pa rin nilang bumitaw at kalimutan lahat ng pangarap na magkasabay niyong sinimulan.Kaya naman don sa mga taong kayang ihandle yung nararamdaman nila, kahit sobrang sakit na. Saludo po ako senyo! Yung tipong parang wala silang dinadalang bigat sa dibdib at normal lang sa kanila ang nangyayari. Na para bang hindi sila naiwan. Mas okay na rin siguro yun. Na hindi ipakitang apektado ka sa nangyari, na di nila alam na down na down ka na. At kakayanin mo ang lahat kahit wala na yung taong dahilan kung bakit masaya ka. Pipilitin mong ngumiti at tumawa, kahit gaano pa kabigat yung pinagdaraanan mo. Kaya mo pa rin isigaw sa mundo na MASAYA KA kahit wala na siya.
I could never really love
Someone else but you
I have never wanted anything else
But a love so true.Hindi ko si sinasabing tanga yung taong , nagmamahal pa rin kahit paulit ulit ng nasasaktan, pero parang ganun na nga.
Minsan kase, kung alin pa yung nakakasakit sila pa yung nagpapasaya sa atin. Gaya ng mga usbaw na kaibigan natin. Yung pagnakita yung crush nila, may panghahampas pang nalalaman sa tuwa. Masakit pero tumatawa tayo. HAHA. Muntanga lang. At isa pa! Kahit masakit na, pinipilit pa rin natin magpakamartir kahit paulit ulit pa tayong iwan nung tao at kahit magmukha pa tayong tanga sa mata ng ibang tao. Hindi mo magawang sumuko at bumitaw kase pag mahal mo, mahal mo talaga. At minsan nga, kahit may iba na yung tao, dimo pa rin maiwasang umasa. At yun yung pinakamasakit sa lahat. Kahit alam nating wala na talaga, umaasa pa rin tayo na sana pwede pa. Wala man tayong kasiguraduhan kung magwowork ang isang relasyon. Lumalaban pa rin tayo. Kase ganyan tayo katatapang mga pinoy! (Kow robin ang datingan) Laban lang kahit nasasaktan na. Pero ngayong wala na ang ating ipinaglalaban. Move on!
But just like a dreams that come in the night
In the morning you were out of my sight
Turned away from me, sadly as i see
Away from where I stand.Wag kase magmahal ng sobra! Payo ng mga tropang usbaw, na kahit gaano pa kagagago ang samahan ay hindi nagiiwanan. HAHA. Pero maiiwasan ba yun? Lalo na kung mahal na mahal mo naman talaga yung tao? Hays! Ang hirap tanggapin no? Na yung taong nakasama mo sa pagbuo ng pangarap mo ay mawawala nalang sa tabi mo ng biglaan. Yung sa pagtulog mo siya ang huling kausap mo at sa paggising mo mensahe pa rin niya yung mababasa mo, ang sarap sa feeling. Pero, letseng pero. HAHA. Pero ngayon, ang sakit isipin na ang lahat ng yun ay panaginip nalang. Pero okay lang yun! Ang mahalaga nagigising ka pa! Yun nga lang wala na siya.
Sa umasa, nasaktan at iniwan. Okay lang yan! Laban lang! Habang kasama natin si God, lahat ng bagay ay malalampasan natin kahit gaano pa kahirap ng bagay na yan.
Wag kang mapagod magmahal, kase ang pagmamahal hindi naman nakakapagod yan. Ang nakakapagod ay ang umiyak, malungkot, magmukmok at masaktan. Kaya simula ngayon! Salubungin na masaya ang 2019! Kalimutan ang nagdaang taon na nagpasakit sa atin. Magsimula ulit at kalimutan ang mga bagay na dapat ng matagal na kinalimutan. Kung nakaya niya, mas kayanin mo!Peace of Mind
Welcome 2019!
Taon natin to!-Net ❤