Huwag Basahin

8 1 4
                                    

Gusto ko lang isulat kung pano ba ako kapasaway nung college ako. Madalas mahirap mabuhay bilang estudyante. Meron yung malulungkot ka, meron yung tatawa ka ng wagas, pero madalas iisipin mo yung quiz niyo sa next subject. Dahil sa kagustuhan ko maging mabuting anak madalas bahay at eskwela lang ako at take note walang boyfriend kaxe yun ang request ng tatay ko. Oo naman daw si ako kaxe Nursing yung gusto niya.  Wala masyadong masaya sa buhay ko. Ang interesting lang siguro dream kong maging Egyptologist kaso hindi kami sobrang yaman so waley. Fascinated ako sa Ancient Egypt lahat ng documentaries sa National Geographic about dun inaabangan ko. May second dream ko na course which is Foreign Service hindi ako pinayagan kaxe sa Manila pa ako magaaral. Gusto ko kaxe pumunta sa ibat ibang bansa or maging ambasador. Kaya ayun Papasok. Uuwe na lang ako. Masaya na ako kung maaga akong uuwe kaxe wala nang pasok the next hours. During weekends, masaya na ako kaxe manunuod ako ng CSI or crime scene investigation basta lahat mapa New York, Las Vegas or Miami pa yan. Masaya siya at maraming twist. May patayan, may drama at pinakagusto ko madalas ung autopsy scenes nakakamangha kaxe. Morbid right! I know pero dun ako masaya impluwensya kaxe ni ate leigh na Pol Sci student. Naalala ko yung instructor ko sa Psychology 101 sabi niya you should watch spongebob instead of CSI and try to relax during weekends. Bakit ko to nasabi kaxe marelate lang sa CSI at sorry siya mas enjoy ako sa CSI. Fast forward, higher years madalas na ako gabihin kaxe may pasok gang 7 ng gabi. May iniiyakan nga ako nun sa sobrang frustration kaxe hindi ko maiguhit yung assignments ko. Average student lang ako magaaral kung kailangan buti pumapasa naman hindi ko kaxe gusto masyado yung course ko.

Eto na. Nakilala ko si ate Tala Pol sci student din siya at kaboardmate ko. Dahil sa kanya natuto ako ng online games. Naadik ako ng slight sa Grand Chase at fave character cu si Amy and I named her jerjer08. Ewan pero yun ang pinangalan ko. Naku nasasarhan pa nga kami ng gate sa boarding house dahil gabi na kami uuwe at naiinis na yung land lady namin kaxe aakyatin namin yung napakalaking gate hahaha. Epic kaya yun. Masaya rin makiseat in pala sa ibang klase buti hindi nahalata ng instructor yun and about sa international law yung topic nila. Sa kanya ko rin natutunan panu maging kikay. Paano magplantsa ng buhok or paano magmakeup. Ang easy ng buhay niya. Pag april hindi required magsummer. Naisip ko magiba kaya ako ng course parang mas madali yung course nila. Walang hassle. Hindi mo kailangan gising gang 5 am kaxe andameng irereview or ituring na major ang minor. At higit sa lahat, natutulog ako sa kama ko during weekdays. Pero dahil sa dakilang anak ako hindi ko tinuloy.

Third year na. This is it pansit. Magduduty na sa hospital and malamang mas madaming responsibilities. Ato na ang moment of truth pinnacle of a nursing student life. Magduduty na sa ospital. For the first time I saw how a baby is born. Literally, napanganga ako buti na lang nakamask ako so hindi nakakahiya. Kahit may duty days may lecture days pa rin. Mahirap malate sa klase kase magiging suki ka ng SAO o Student Affairs Office. Nalate lang ako once ng 5 minutes lang naman. Ayun pinapapunta sa SAO para lang humingi ng slip kung bakit ako nalate.   At ang galing hindi rin hinanap ng instructor ko yun peo before magend ang sem. May IR o incedental report at may 1 hour na maglilinis sa lab. High school lang di ba. Nagabsent din minsan pero dahil hindi ako ininform na may klase kaxe smart ako at globe sila heyop di ba. Nasubukan ko na rin malate nuong nagduduty ako kaxe late ako nagising para sa 11-7 shift. Naku ambilis ko magbihis nung time na yun. Plinantsa ko pa uniform ko. Pagdating sa ospital mga less than 15 mins lang naman ako late which is better  IR lang at demerit sa grades mo. Buti wala ako extra 8 hours na duty at irerender sa off days mo.Yes. May days na walang pasok at walang klase. Pero huwag ka magsaya madalas may ginagawa na group project o thesis. All nighter pa as in walang tulugan. Madalas hayop yang mga instructor na yan. May erasures ka lang sa charting IR agad at may 8 hours extra duty meron ding 16 hours gang 72 hours depende sa gravity ng kasalanan mo. Toxic na buhay di ba. Speaking of toxic, nung nasa Kalinga kami for completion of cases grabe 12 hours n byahe to at uminit ng bonga yung puwet ko. Kaswerte namin inabutan namin bumabagyo, yung hangin harsh ang hampas at yung mga puno. Pero after ng bagyo baet naman yung instructor namin pinasyal nya kami at sobrang saya. At sa sobrang swerte ko pagdating sa Baguio aba busy may duty ako sa Delivery Room in BGH at dahil nahuli ako yung turn ko is panghuli. Malapit na magend ang shift la pa ako case pero ahem dininig yung dasal ko may nanganak at turn ko na. Aba heyop na skin to skin contact ng mother and baby nagextend pa ko kailangan 90 minutes bago magcord care and the whole kaekekan. Sabi nila sa haba haba man din ng prusissyon natatapos din. Naabutan na ako ng next shift at hindi pa po tapos ang paghihirap ko. Kailangan pa ng charting at kailangan kunin yung case details sa head nurse. Grabe ok na sa instructor ko yung charting ayaw pa rin iapprove ng Head Nurse so revise ulit o rejected at eto pa walang sinasabi kung anu ang mali na naman hanggang sa ilang beses na ganun. Sa sobrang pagod ko and frustration umatungal na ako ng iyak hindi ko na hindi ko na kinaya. Naawa na sa kin yung instructor at siya na ang nagconfront sa Head Nurse at sobrang thankful ko naapprove na yung charting ko. May mga slight na kalokohan din naman. Pag 11-7 shift magtatago sa lounge para lang makaidlip or magnakaw ng tulog. Meron ding maghahanap ng cap ng Hydrocortisone IV kaxe maraming kulay yun na iba iba pag nakaipon ka at ilalagay m sa steth. Eto pa hihingiin yung ubos ng insulin pen sa ref at ipagmamayabang sa kaklase mo kasi meron kang ganun. Malalaman yun ng instructor mo dahil kami ang school na namumukod tangi sa group. O subukan bumili sa tindahan ng nakauniform at bawal mahuli ng instructor kase kami lang ang eskwelahan sa  Baguio na pink ang uniform parang uniform langvsa 50s Diner. Opo pink girly nu. Kaya simula nun hindi ko masyadong gusto ang pink traumatic. Aba nanigarilyo din ako second hand nga lang haha madalas kaxe magpasama manigarilyo so ako naman si good friend sinamahan naman. I tried to warn her to stop pero wala na high school pa lang nagsmoke na siya so efforts are futile.
Masaya naman ang nursing student life ko kahit papano kaxe may mga pasyente na nagiging attach ka dalawang beses nangyare sa kin to. Naiiyak ako nung dinischarge na siya or pagbalik m the next day same ward wala na yung pasyente kase pinauwe na iyak na naman si ako. Bawal yun actually. So much stress and so much to do. Natapos din ang thesis namin. So one time need ng group na magunwind dapat lahat daw kasama at pupunta kami sa bar. Malamang ayaw ng magulang ko na magbar ako I have to tell a white lie na may grou p project at may sleep over. Ang attire is ready to party at nagpasundo pa ako s kagroupmate ko para convincing. Hehehehe. Pagdating sa bar sayaw inom ang ginawa. The next day hang over na eto. Nagkatime din naman magkacrush pero hindi nagprogress. Sad. Madalas siya yung kasama ko pupunta sa next class at siyempre seatmate ko siya. Friend lang naman kaxe kami ang responsible naman kaxe niya. Masipag magaral at bonus na lang yung itsura hehe. Ayun hinayupak na kaklase ko sinabi ko sa kanya at pinagsigawan sa buong klase na crush ko si John Ray. Naku sobrang pahiya ako. Hindi ko na siya kasama sa pagpunta sa next class until we drifted apart at naging busy na rin.

4th Year. Wala masyado happening thesis dessimination at integrated seminar or review for Board exam ang benatahe dito. Madalas lang ako inaantok sa klase buti hindi ako nahuhuli. Kaya yung seatmate ko kinuntsba ko na magdala kami salitan ng candy para hindi ako antukin. Tagagising ko na rin. Cool guy nga ehhh buti pumapayag. Moving forward, natapos kompletuhinbang cases at natapos lahat ng projects and commitments. Kahit hindi naman ako outstanding Im proud to say na wala akong failed subject pero I had failed grades at babawe na lang the next term ganern. Hanggang sa nakagraduate at nakuha ang diploma. Wait hindi pa tapos may review at board exam pa. Hindi na ako nagreview sa review center ng school or yung masyadong prestigious na review center dahil may mas mura at may discount kaxe alumni ng school yung mayari so dagdag money sa kaban ng bayan.Nagsimula ang review mabait naman ako madalas nga lang absent pag hindi trip yung instructor at magbabasa na lang s boarding house. Pagdating ng "the day" walang hiya nagkadiarrhea pa napataxi ako tuloy ng wala sa oras. Nakakaloka. Tulad ng mga fairy tale may happy ending naman. After few months, ayun pumasa naman. I cried a river kasi after those painstaking years in college nagbunga rin yung paghihirap ko yung time na exam at may fever ka and those sleepless nights talaga. It is worth it. Even though hindi ko ginusto yung sinimulan ko natapos ko siyang masaya.

Words of a Discouraged HeartWhere stories live. Discover now