Chapter 6: Who cares?

0 1 0
                                    

Pagkakuha nung lalaki sa inorder niya, agad na siya umalis. Buti naman. Sa wakas ako na ang oorder. Masyado kase ako mabaet kaya kahit sino pinapasingit ko na lang.

"One piece chicken with rice. Paki palitan na lang ng catsup yung gravy. Coffee float. Dine in."

Pagkasabe ko ng order ko, napansin kong ngumiti yung cashier. Problema ne to? Pangitingiti magisa.

Pagkabigay ng inorder ko, naghanap na ako ng seat. Pahirapan makahanap ng upuan kase puno ang fast food chain na to.

*hanap hanap hanap*

Okay may bakanteng isang seat sa bandang dulo. Kaso may nakaupo na sa kasama netong upuan. It's a free country, pwede ako umupo dun kahit may nakaupo ng iba but same table.

"May nakaupo b-- what the." Ugh.

"Wala."

"Wag na lang." Ayoko nga kumain kaharap yung lalaking yun. Walang manners, basta sumisingit sa pila. Tss

Nagtingin tingin ako, pero wala paring bakanteng upuan. Ugh, bwisit no choice. Bumalik ako sa table nung lalaki kanina at umupo sa bakanteng upuan kaharap niya. Kung hindi niya ko inunahan sa pila kanina, ako una nakakita ng table na to.

Nakakairita lang, parehong pareho kinakain namin. Bwisit gaya gaya kase.

"Look, miss. I'm sorry kung inunahan kita sa pila. Don't give me your death glare."

"I don't talk to stragers so shut up."

At ngumisi siya. Nabwibwisit ako sa mukha niya!! Ang sarap sabuyan ng asido. Ugh!!

"So, quit staring."

"ABA ABA. Hindi kita tinititigan. Tinitignan ko lang kung anong magiging itsura mo kung sinabuyan kita ng asido kase napaka antipatiko mo."

He smirked. Again.

"Gwapo parin."

Napaka antipatiko! Bwisit. Bibilisan ko na lang pagkain ko. Hindi ko na siya papatulan.

"I'm Zyrus."

"And I'm gorgeous." Magpapakilala pa. Who cares if he's Zyrus. Para namang magpapakilala rin ako. Kainis. Sirang sira na talaga araw ko.

And for the third time, he smirked. Sana mapunit na nguso niya kakasmirk. Kainis.

"Just don't talk to me. Wala ako sa mood makipagaway o makipagusap."

"In no time, I will no longer be just a stranger to you."

"Aba, baket? Fyi, eto na ang una at huli nating pagkikita."

"Hahahaha!"

"Bakit ka tumatawa?" And I arched an eyebrow. Wala kaseng nakakatawa.

"You're funny. Don't you know? We're freaking blockmates."

Muntik ko na mabuga sa mukha niyang nakakainis yung pagkain na nasa bibig ko. Blockmates kame?! Haist. Bwisit! Sarap pumatay.

"Ano naman ngayon kung blockmates tayo? Like who cares."

"Yeah. Who cares if we see each other everyday? Who cares."

I'm doomed. Nakakainis. Nakakawalang gana kumain. Naaasar na talaga ako.

Hindi na ako nagsalita. Tinapos ko yung kinakain ko. Yung coffee float dadalhin ko na lang. Aalis na ako nang bigla siya magsalita.

"Sabay na tayo pumasok."

"Layuan mo ko. Hindi kita kilala. Ano naman ngayon kung kaklase kita buong term? Hindi ko ikamamatay yun." By then, umalis na ko. Wala na akong pakialam kung masyadong harsh mga sinabe ko.

Possible pa lang sobra kang maasar sa isang tao na ngayon mo lang nakita at nakausap? Tss.

-

May isa pa akong subject but I decided to go home. Nawala na talaga ako sa mood.

Dumaan muna ako sa tindahan ng tita ko para manghiram ng susi ng bahay.

Haaay. I miss our home.

Buti na lang may wifi dito. Di ako mabobored.

I called Jem, number busy. Tinawagan ko si Yumi, cannot be reached naman. Tinawagan ko si Roe, nakapatay yung phone. At tinawagan ko si Gwenn, atlast sinagot niya!

"Girl. Sorry, I'll call you later. Nasa church ako. Bye."

Ano ba yan, busy sila lahat. Makikipagskype pa naman sana ako.

Ayoko naman kausapin si Kyle. Pinapagsubcide ko pa inis ko sakanya.

Ahh. Si Andi! Wala pa namang pasok yun, sa July pa. Hindi siya busy. At sabi rin niya kanina may sasabihin siya?

dialing Adrina...

Adrina: Hello?

Ako: Oy ano yung sasabihin mo dapat kanina?

Adrina: Ahh ehh hehehe wala ate wala hehehe

Ako: say it or say it?!

Adrina: okay fine. Dumating kanina dito sa bahay si ano si, si, si..

Ako: oy Andi, sasabihin mo ba o hinde?!

Adrina: si Fia!!!

Tsk 1000000 times!

Ako: Ano naman ginawa niya sa bahay?!

Andi: Hinahanap ka, makikipagbato daw.

Ako: What? Ang lakas ng loob nun ah. Kainis!!! Oh no sabe mo?

Andi: Sabe ko nasa Manila ka na at hinatid ka ni kuya Kyle. Wahaha

Ako: Good answer, for sure inggit yun kase hinatid ako ni Kyle. Wahaha. Pareho talaga tayo magisip. Magkapatid talaga tayo.

Andi: Osige na buhbye I'm busy!!

Ako: Okay bye whatever.

End of conversation...

Psh. Busy naman lahat. Makatulog na nga lang.

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lay Me your HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon