Truth

311 11 9
                                    

Yam: Huy Jackie gising na!

Biglang napatayo si Jackie. Nakita naman niyang nagtatawa si Yam. Kinutusan niya ito.

Jackie: Ikaw naman, manggigising ka na nga lang kailangan talaga pagulat?

Yam: Kanina pa kaya kita ginigising. Ikaw diyan yung tulog mantika e.

Jackie: Balakajan!

Yam: Tingnan mo to. Buti nga ginising pa kita e.

Biglang naalala ni Jackie na magpapasalamat pa nga pala siya uli kay Vice ng mapansin niya na sila na lang ni Yam ang natitira na nakasakay sa bus. Dali-dali siyang bumaba.

Jackie: Yam, asan sina Sir Tye, si Ms. Vice?

Yam: Naku nauna na umuwi. So ano? Mag grab na lang ako. Ikaw ba?

Jackie: Oo mag grab na rin ako.

Yam: Sige antayin na muna kita makasakay.

Jackie: Ay sus, okay lang wag mo na ko antayin.

Yam: Antayin na nga kita. Paka-gentlemen na nga ko dito o. Panira ka naman ng trip e.

Jackie: Naku di bagay. Wag mo na tuloy yan Yam. (sabay ngisi)

Yam: Baliw ka talaga. Sige na mag book ka na!

Nagbook na rin si Jackie. Habang nag bu-book siya ay nag-iisip siya kung ittext ba o tatawagan niya si Vice.

Tatawagan ko siya. Calling Vice is much better. Para mas ramdam yung sincerity. Tama. Tama. I’ll call him.

Nakasakay na si Jackie ng Grab Car.

Calling Vice….

Walang sagot. Tinry uli ni Jackie tumawag pero wala paring sagot. Naisip niya na itext na lang muna.

Jackie:

Hi, Ms. Vice.

Tumatawag po ako kaso baka busy ka. Salamat ng sobra sa pagsave mo sakin kanina. Thank you for finding me. <3

Kinabahan si Jackie sa matatanggap niyang reply. Hindi niya alam kung bakit. Sa loob ng 3 months na pagtry niya na mag move on, sa loob lang ng dalawang araw bumalik lahat ng feelings na meron siya para kay Vice.

*TING*

Napatingin siya sa kanyang phone. Message from Vice. Pinikit muna ni Jackie ang kanyang mga mata then nag inhale-exhale. Ni-unlock niya ang kanyang phone at binasa ang reply:

Vice:

Sure. Jackie please don’t text me anymore. I’m busy.

Biglang sumikip ang kanyang dibdib. 

Mukhang ako nga lang ang umaasa dito. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. 

Tumulo ang kanyang mga luha. Yung sakit na nararamdaman niya ngayon, mas masakit pa kesa dun sa naramdaman niya nung siya ay mawala at masugatan.

-        VICE’S CONDO –

Tye: Babe, I’ll be going now!

Sigaw ni Tye since nasa shower si Vice.

Vice: Sure babe, ingat!

Palabas na sana siya ng room ng,

*RING*

Si Jackie.

Hinayaan lang ni Tye ito na magring. Di rin niya sinabi kay Vice. Nagring uli. Di parin niya sinagot.

*TING*

Muling sinilip ni Tye ang phone ni Vice at nakitang may message from Jackie. Nacurious siya sa text ni Jackie. Alam naman niya ang password ni Vice kaya binuksan niya ito.

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now