Chapter 3

6 0 0
                                    

Umuna kami sa parlor dito sa mall, magpapagupit ako ng buhok na hanggang sa balikat, hanggang sa pwet ko na kasi ang haba nito. Magpapakulay din ako, may pag ka abo ang kulay nito.

Madali lang natapos kasi maganda naman daw buhok ko.

After sa parlor dumiretso kami sa forever 21 para bumili ng mga damit.

"Girl may kilala ka bang pwedeng pag bigyan ng mga damit?" tanong ko ay Ayla. Kasi gusto ko nang ipamigay mga damit ko.

Hindi na kasi kasya sakin ang mga yun. Haist.

"Yes sa bahay ampunan nalang. Bakit ipamimigay mo mga damit mo?" tanong niya. Tumango naman ako bago nagsalita.

"Sige. Mali-liit na kasi " sagot ko.Nag kibit-balikat lang siya at tinuloy namin ang pamimili ng damit.

Medyo madami na rin ang nabili ko . Si Ayla ang nagtutulak sa isa, habang ako naman sa isang cart.Mga simple lang naman mga pinamili ko. Naghanap na rin ko ng damit na sosoutin para sa enrollment.

Ikot kami ng ikot, hanap doon, hanap dito. Biglang kumislap ang mga mata ko nang makakita ako ng isang puting long sleeve na polo, with skirt na above the knee, pero hindi gaano ka iksi.

Bigat na bigat kami sa mga dinadala namin, at the same time nagugutom, 3 hours din kaming namili ng mga damit ko. Pumunta muna kami sa labas ng mall at nakita namin si manong beloy na naghihintay na, agad naming pinasok mga pinamili at nagpasalamat, bago bumalik sa loob.

It's almost 9pm in the night nang matapos kami sa gala, sobrang pagod na ng katawan namin. Nasa labas na kami, ng mall nang may nakita akong grupo ng kalalakihan na ang aangas kaso di makita itsura nila kasi naka mask at naka eyeglasses na bilog. Weird.

Salamat at maaga dumating si manong para sunduin kami. Doon muna ako magpapalipas ng gabi kina Ayla, tutal kilala na ako ng pamilya niya.

"Hija! Ang ganda mo na! I'm glad to see you here. Parang himala ata hija? bigla bigla ka atang naparito? "gulat na tanong ng mommy ni Ayla.

Nakipag beso muna ako bago sumagot.

"Actually I just realized something tita" ngumiti ako, ng napakatamis sa kanya, Niyakap naman niya ako ng mahigpit, I know she's happy for me.

"Sige pasok na kayo, I'll bake some cookies, and cook for some dinner." ngiting sabi niya.

Nandito kami, ngayon sa sala ang for pete's sake horror ang movie!. Well, hindi naman ako matakotin sa mga ganito. Pero ang ingay ingay nang katabi ko. Kaya wala akong magawa kundi kumain ng cookies habang nanood.

"Ayoko na! baka mapanaginipan ko yan!" sabi niya sabay puntang C.R.

Bakit siya pumunta sa banyo?, di niya naisip na baka may multo don.

"Ok guys, dinner is ready" sambit ng mommy niya kaya agad kong pinatay ang remote at pumunta sa table.

"Kamusta sa loob ng siyam na taon hija? " Matabang sabi ng daddy ni Ayla

"Hindi po ok noon, but I'm better now. " ngising sabi ko sa kanila kaya tumango nalang sila.

"Nalaman na ba to ng magulang mo hija? " bahala sila sasabihin ko nalang bukas.

"Not yet tita. Maybe bukas nalang po." sabi ko. Siguro bukas nalang nga.

"That's good, siguradong matutuwa parents mo sa balita hija" natutuwang sambit ng mommy ng Ayla.

Siguro matutuwa talaga sila. Ito kasi yung gusto nila.

But surely mas matutuwa si lola. Awww. How I missed her.

Because Of Him (On going) Where stories live. Discover now