"One Caramel Frappuccino for Ms. Doreen, one banana frappuccino for Ms. Celestyn and one strawberry frappucino for Ms. Amissa"
"Girl, huy! Kunin mo na yung order mo. Ano? Ako pa kukuha para sayo?" narinig kong sabi ni Doreen pero hindi ko siya pinansin
"Reen, she's spacing out. Can't you see? Ayan oh tulala!" dagdag naman ni Celeestyn habang umiiling.
"Well, hindi naman natin siya masisisi kasi kung ako din naman 1 week ng di nagpaparamdan yung boyfriend ko malamang nabaliw na ako." narinig ko pa silang nagtawanan pero di ko nalang sila pinapansin.
"Ms. Amissa yung frappuccino niyo po." pagkaulit ng pangalan ko wala na akong nagawa kundi ang kunin na yung order ko.
"Lutang ka talaga noh?" napatingin ako sa nagsalitang si Doreen.
"That's not your order. Tingnan mo, lagyanan ng straw yang kinuha mo" napatingin naman ako bigla sa hawak ko at tama si Doreen, lalagyanan nga naman ng straw 'tong nakuha ko.
"Gosh, this is so embarrassing!" -Celestyn
"Halika na nga dito" hinila nila ako pabalik sa table ko at sila na yung kumuha nung frappe ko.
"Ano na naman ba kasing pinagtalunan niyo nung boyfriend mo?" paumpisang tanong ni Doreen kaya naman napatingin na ako sa kanila.
"O my gosh, O my gosh wag kang iiyak dito Amissa! I'm warning you wag kang iiyak." pagbabanta sakin ni Celestyn nung napansin niyang medyo teary eyes na ako.
"Eh kasi naman eh, 1 week na siyang hindi nagpaparamdam sakin tapos kaninang umaga nag'text siyang itigil na namin 'to" kwento ko habang nagpipigil ng iyak.
"Itigil ang ano?" sabay na tanong nung dalawa.
"Yung relationship namin" sagot ko.
"WHAT?" sabay na naman sila.
Hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko dahil sa reaksyon nilang yon.
"Ayan na! Ayan na umiiyak na siya. Pano na 'to Doreen?" natatarantang si Celestyn habang hindi alam kung ano bang uunahing gawin, kung uubusin ba muna yung frappe niya o bibigyan ako ng tissue.
"Tumigil ka nga nakakahiya ka!" hinampas ako sa balikat ni Doreen para patigilin ako.
BINABASA MO ANG
Message from the Beast
Teen FictionOne mistake, one regret. Hindi akalain ni Amissa na sa pagiging sobrang desperada niya ay magkakamali siya sa pag'send ng isang text message sa ibang tao, and worse, sa taong kinakatakutan pa ng lahat sa school nila. Anong gagawin niya kapag nalaman...