Kinabukasan
Hay, late ako ng gising. Pano ba naman kasi, 4am na ako nakatulog dahil sa mga iniisip ko. Ni hindi na nga ako nakaiyak kasi kung ano-anong pumapasok sa isip ko.
Chineck ko ang phone ko na merong 6 messages.
"Girl asan ka na? 5 mins nalang dadating na si sir bilisan mo." -Doreen-
"Dad and I will go to Europe today for our business. Sorry hindi namin nasabi sayo kagabi kasi mukhang pagod ka. 1 month kaming mawawala kaya magpakabait ka okay? I love you baby." -mommy-
Well sanay naman na ako. Oo mamimiss ko sila ni Dad pero para din naman yun sa akin eh. Handa silang gawin lahat para sa ikabubuti ko. Syempre, nag-iisang anak lang kaya ako.
"We have a group meeting para sa club natin next week kaya inaasahan kong a-attend lahat next week okay? God bless" -Special Program in the Arts President-
At yung dalawa ay GM lang nung classmates ko. At yung huli.....
"Hey you. Sino ka?" -JustinBabe ♥-
Agad akong napabangon pagkabasa ko nun. Aba't ang kapal naman ng lalaking 'to! Siya pa talaga may ganang magtanong kung sino ako.
"You jerk. Ikaw pa talaga may ganang magtanong kung sino ako huh? Ang kapal ng mukha mong magpanggap na boyfriend kita. Ang kapal kapal mo! At para sagutin yung tanong mo, my name is Amissa, Ami for short! Wag ka ng magtitext dito kung ayaw mong ipa'trace ko yung number mo!Tsss. Sana karmahin ka! Sana iwan ka ng girlfriend mo. F*ck you!" -message sent-
Hindi naman ako masamang tao! Hindi din ako madalas magmura. Minsan nasasabi ko lang yung mga ganun dahil sa inis at galit ko, tulad nalang ngayon. Hindi pa nag'reply yung lalaki kaya tinext ko nalang muna si Doreen at sinabing hindi ako makakapasok ng 1st subject kasi na'late ako ng gising.
Nagreply naman siya at sinabing bilisan ko kasi may sasabihin silang importante. Kaya eto wala pang 10 minutes tapos na akong maligo.
Habang nagbibihis narinig kong nag'beep yung phone ko kaya binasa ko yung text.
"You b*tch! Iniwan na ako ng girlfriend ko because of you. If I found out who you are, you will be dead!" -message received-
Agad akong nakaramdam ng takot sa nabasa ko. Di kaya mamamatay tao 'tong lalaking 'to? O di kaya multo tulad ng sinabi ni Justin. Omg hindi naman siguro.
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para magreply pa sa text na yun.
BINABASA MO ANG
Message from the Beast
TienerfictieOne mistake, one regret. Hindi akalain ni Amissa na sa pagiging sobrang desperada niya ay magkakamali siya sa pag'send ng isang text message sa ibang tao, and worse, sa taong kinakatakutan pa ng lahat sa school nila. Anong gagawin niya kapag nalaman...