Chapter 2

15 1 0
                                    

Chapter 2

3rd POV

He checked his watched and looked around the classroom. Walang Faye sa loob ng room nila. Kagabi pa nya iniisip kung anong dahilan ng pag iyak ni Faye, hindi naman nyang magawang magtanong kay JB. Once in a blue moon lang mag open up yun sa kanya tungkol kay Faye. JB understands his sister's privacy pagdating sa love life nya. Si Mark na ang dapat mag effort pa kung gusto nya pang makilala ang kapatid nya. He erased the negative thoughts in his mind and focus his mind in class discussion. 

Ugh! Mark groaned. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa at patagong nagtext sa ilalim ng desk nya.

To: JB

JB, nasaan si Ate mo? 

After a minute or two, may nareceived syang text mula kay JB. He hurriedly reads it na parang sobrang emergency ng tinanong nya. 

JB:

Idk, bro. Nasa puso mo, diba? :Dv

Baliw talaga 'tong si JB. Ang ayos ng tanong ko. Mark thought of. He ignored the playful text from him and typed his message again.

To: JB

Tss. Nasaan nga, JB?!!! 

He never thought that his cellphone will play a huge role now in his life. Hindi naman sya madalas gumamit ng phone tapos iniinsist pa sya ng parents nya na palitan ng bago ang phone nya. Mark declined the offer form his parents. Wala naman raw sira ang phone nya. Ngayon lang ata masisira dahil sa daming arte ng kapatid ni Faye ayaw na lang sagutin ng maayos ang tanong nya. Mababato nya 'to sa sobrang frustrated nya.

JB:

Kalma, bro. :) Hindi ko alam talaga. Hindi ako natulog sa bahay kagabi. Text na lang kita kapag nakita ko si Ate. May klase na ko. 

He let out a deep sigh. Naalala na naman ni Mark ang itsura ni Faye kagabi habang umiiyak. It really breaks his heart. Feeling nya emotionally stressed si Faye. And that scene keeps on replaying in his mind. Parang sirang plaka. Pati sya nasstressed na rin kung anong gagawin nya. He never seen Faye act like that before, minura pa sya after telling him that statement.

May pinanghuhugutan 'tong si Faye. He thought of again.

Mark sees her as a cheerful and sweet girl. Natutuwa si Mark sakanya na kahit ultimong maliit na bagay nagagawang iappreciate ni Faye. Lalo na yung mga letters nila nung childhood days nila. Sulatan mo lang sya ng thank you sa tissue paper, tuwang tuwa na. At until now, buhay pa yung tissue paper na yun. Mark adores her for being a sentimental person. Lahat ng bagay kay Faye ay napakahalaga. She keeps a lot of stuffs from his childhood days. JB proves it before, he barged inside her room at nakita nya ang isang box sa ibabaw ng kama ni Faye. Puro letters at pictures ang nakatago doon. At dali dali nyang kinuhaan ng picture ang gamit ng kapatid nya at pinakita sakanya. That's why Mark really loves her. Hindi na sya mahihirapang dagdagan ang romantic DNA nya sa katawan para mapakita nya kay Faye kung gaano nya ito kagusto. I mean, kamahal. It's not that he can't act or do something romantic for her but everything she sees is special for her. 

Minabuti muna ni Mark na lumabas ng room without being caught by his professor. 

Minsan lang naman tumakas eh. Lulubusin ko na. He whispered as he successfully went outside the room. 

 Naglakad lakad si Mark sa loob ng campus. Halos lahat na lang ng classroom pati comfort room eh tiningnan nya para makita si Faye. He was about to text JB again ng mahagip ng paningin nya si Faye na naglalakad papunta sa garden ng school. Tulala at malayo ang paningin. He looked at her and a sad smile spread across his face. Sinundan ni Mark si Faye, malalim ang iniisip ni Faye kaya hindi nya napapansin na may sumusunod sa kanya. 

Fate's Tricky MethodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon