Scribbled Letters: First Glance

190 17 2
                                    

"Young Master!" sigaw ng Mayordoma ng palasyo mula sa bukana ng unang palapag. I smirked and leaned on the side of the window. She couldn't see me from where I'm sitting. Mataas ang kinauupuan kong bintana at kitang-kita mula rito ang malawak na kagubatan mula sa hindi kalayuan.

"Lagot nanaman tayo nito sa hari kapag hindi pa natin siya nahanap," untag ng isa sa katulong. Ang isa naman ay nagrereklamo na dahil sa inis sa akin.

"Magbebente na ang prinsipe, pero ni hindi pa rin responsable. Ang layo nila ng Ama niya." Natigilan ako nang marinig ko 'yon mula sa isang katulong na naghahanap sa akin.

I heaved a deep sigh and jumped on the other side to avoid them. Papunta na sana ako sa gubat nang humarang si Ama sa dinaraanan ko. His menacing gaze dropped on my dirty clothes. I could tell he's going to scold me again.

"How irresponsible of you, Elijah." His composure didn't change. He's still intimidating as always wearing his gray tailored suit. Everyone here fears him, and he expects me to be feared as well, but I'm not like him. I just want to be free.

"Dad--"

"Fix yourself, You Imbecile. Darating ang Pinuno ng Magical University kasama ang anak niya. Mahiya ka sa hitsura mo." Tinalikuran ako nito at sumunod sa kaniya ang Mayordoma at mga katulong na kanina ay hinahanap ako.

I messed my hair. He thinks I'm a disappointment, huh? Then, I'll pissed him more. Kahit ano namang gawin ko, kahit kailan ay hindi magiging tama para sa kaniya. What's the point of reaching his expectation?

Imbis magpalit ng damit ay mas lalo ko pang dinumihan ang suot kong puting long sleeves. I thorn my hair with my hand and smirked.

Nakarinig ako ng sasakyang papalapit kaya tumakbo ako papunta sa bukana ng palasyo para salubungin ang bisita. Nakita ko roon si Daddy na ayos na ayos at handa nang salubungin ang mga bisita. Napalingon siya sa akin at bumakas ang galit sa mukha niya.

"Elijah--"

"Elysia..." Nabaling ang atensiyon niya sa babaeng lumabas mula sa sasakyan. May edad na ito pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan. Napalingon ito sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Just by the looks of her eyes, halatang ayaw na niya sa akin. Well, the pleasure is mine.

Hinalikan ni Daddy ang kamay nito. "Pagpasensyahan mo na ang anak kong iresponsable. Hindi na talaga 'yan magbabago." Umiling naman ang babae at ngumiti.

"Naiintindihan ko, Elysia. Kulang siya sa gabay ng isang ina." Natahimik din si Daddy at hindi na nakaimik. "Kasama ko ang anak ko. Si Katherine. Anak!"

Mula sa sasakyan ay lumabas ang babaeng nakasuot ng bistidang asul at tuluyan na akong natigilan. My gaze locked on her angelic face. Kung kanina ay hindi ako nahihiya sa hitsura ko, ngayon ay halos takluban ko na ang sarili ko sa hiya.

Papalapit na sana ang babae nang tumalikod ako at nagtatakbo papasok sa palasyo. For a moment, I was confused. Sa unang pagkakataon, gusto kong maging maayos sa paningin ng isang tao. Sa unang pagkakataon, ginusto kong makita ako ng babaeng 'yon bilang isang matinong lalaki. I was confused, because I'm not like this.

Nagpalit ako ng maayos na damit, pero hindi ko magawang lumabas ng silid ko. Nakatingin lang ako sa door knob, nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ba at hahanapin ko ang babaeng 'yon o mananatili na lang ako rito dahil alam kong walang dahilan para tingnan o kilalanin niya ako. I'm just me.

Ilang oras na ang lumipas nang mapagpasyahan kong gawin ang nauna. Nagtatakbo ako pababa sa unang palapag, pero huli na. Naabutan kong paalis na ang sasakyan nila. Tila tumigil ang mundo ko. Ito na ba ang huling pagkakataon para magkita kami?

I was about to go back when I heard the car stopped. Bumalik ang tingin ko roon at nakita ko ang babaeng 'yon na naglalakad pabalik sa palasyo. Lumabas din ang kaniyang Ina na tila naguguluhan sa ginawa ng anak.

Lumapit si Daddy sa kaniya. "Ano'ng problema, Katherine?" nag-aalalang tanong nito. Sana ganiyan niya rin ako kausapin. Pero sa ibang tao lang siya ganoon. Sa sarili niyang anak, hindi.

"Nakalimutan ko po ang libro ko," magalang na sabi ng babae at nagtatakbo papasok pero tumigil siya nang magtagpo ang mga mata namin. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong tumibok nang napakabilis ang puso kong walang nararamdaman sa loob ng halos dalawampung taon. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng saya.

"Sa wakas, nakita na kita. Ako si Katherine Ferrer," pakilala niya. Inilahad niya ang kamay niya, pero tinitigan ko lang 'yon. I was afraid. Natakot ako sa kadahilanang sadyang malayo talaga kami. Nang mapansin niyang hindi ko 'yon pinansin ay nawala ang ngiti niya. "Sige, mauna na ako."

Kinuha niya ang libro at umalis na sila. Lumipas ang ilang araw at nagkukulong lang ako sa silid ko. Sabi sa akin ni Daddy, kasalanan ko raw kung bakit nasasaktan ang mga tao sa paligid ko. Isa na roon ang pagkamatay ng aking Ina pagkapanganak sa akin. Siguro nga kasalanan ko, kaya mali na ring maramdaman ko 'to.

Dahil ang babaeng 'yon, sa huli ay masasaktan ko rin siya. Gaya ng kung paano ko nasaktan si Daddy at si Mommy. Wala akong karapatang makaramdam ng kahit anong emosyon. Pero gusto ko itong ilabas, naninikip ang dibdib ko at gusto ko ulit makita ang babaeng 'yon.

That's why I took a paper and wrote a letter. A letter for the girl named Katherine Ferrer who made me feel something I thought I could never feel.


To that girl with blue dress,

I saw how your eyes glimmered as you smiled at me. For the first time, someone stared at me and never avoided their gaze. I guess, you do not know who I truly am.

I'm Elijah Saavedra. A troublemaker, a rebel, a devil they say, and I hurt people around me. You probably don't care about me, but I care about you. I could see the strands of your eyes that has a hope in it. What did you do to me, huh?

It's been almost a week, yet my heart keeps on hurting. I want to ask you of why do I feel like this every time I'm thinking about you. But I guess, I will never have a chance to ask that.

I have never been this conscious about myself. I wanted to explain everything to you. I ran away when you came, all because I didn't want you to see me as I see myself. I didn't accept your handshake, all because I didn't want your hand to be dirty by holding mine. You're too precious, too delicate, and too fragile for me to hold.

If only I'm not Elijah Saavedra, I'd be glad to see and hold you with my arms all day. Maybe, I was afraid. That if you get to know me, you would ran away.

This letter won't come to you, and I don't even want you to read this. I'm a coward, right? Yeah, maybe I am. And funny to think that, I want you to see me beyond what meets the eye.


The confused guy,
Elijah          

Letters from Elijah SaavedraWhere stories live. Discover now