Chapter 1

1.7K 46 4
                                    

From: Alex baby ♥

Luan, magkita tayo rito sa café malapit sa school.

Nangiti naman ako habang binabasa ko 'yung text niya. Bakit kaya ako pinapapunta ni Alex doon? Siguro... nandoon 'yung surprise niya sa akin. Birthday ko kasi ngayon. April 2.

6:30pm na pero hindi niya pa rin ako binabati. Siguro nga ay nandoon 'yung surprise niya sa akin. Ano kaya iyon? Magugulat kaya ako? Maluluha kaya ako sa saya? Gano'n kasi iyung napapanood ko sa mga K-dramas e. Or... masiyado lang akong naadik sa mga palabas?

Pero 100percent sure naman ako na may ginawa siyang something sa birthday ko. Excited na ako.

Nagbihis agad ako ng jeans at simpleng T-shirt lang. Nagred nga ako e. Birthday ko naman kaya tama lang ito. Paglabas ko ng bahay, pumara ako ng tricycle at pumunta sa café na sinasabi ni Alex.

Pagpasok ko sa loob, hinanap agad siya ng mata ko. Nakita ko naman agad siya— iyung likod niya pala pero sure ako na siya iyon! Pati likod niya ay kabisado ko na. Mahal ko kasi si Alex. Sobra.

Paglapit ko sa kanila— tama, sa kanila kasi may kasama siyang babae na green ang kulay ng buhok, nakaholding hands din sila. Bahagya pa akong natulala pero hindi ko na lang pinansin at umarteng normal lang.

"Hi. Ba't mo ako pinapunta rito?" Nakangiti ko pa ring tanong. Tumingin saglit sa akin si Alex at tumingin doon sa babae.

"Gusto kong makilala mo siya." Ngumiti sa akin iyung babae. Nginitian ko na lang din siya. Ayoko namang maging rude, sabi kasi ni Nanay dati sa akin, masama raw iyon. "Luan, si Iza, girlfriend ko. Iza, si Luan, kaibigan ko..."

Parang dinikdik ang puso ko. Kaibigan lang pala ako.

"Hi, I am Iza. Girlfriend ni Alex. Nice to meet you." Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Girlfriend siya ni Alex. Inabot ko 'yung kamay niya at pinanatili ang ngiti ko. Bawal maging rude.

"Uhm... nice to meet you, too." Pinipilit ko pa ring ngumiti. Tiningnan ko si Alex. "Uh... may sasabihin ka pa ba? Aalis na kasi ako, may project pa akong gagawin bago matapos itong school year." Hindi ko na siya hinintay na sumagot, tumayo na agad ako at dire-diretsong naglakad. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko gustong maging rude pero kasi... masakit, e.

Masakit palang magpanggap na okay ka lang, 'no?

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napahinto ako, pinunasan ko nang mabilis 'yung luha ko at tumingin sa kanya.

"Oh Alex, may kailangan ka pa ba?" Ngumiti ako. Huminga siya ng malalim.

"Sorry." Mahina niyang sabi pero rinig ko.

"Para saan naman? Anong ginawa mong kasalanan?" I tried to laugh. Pero mukhang fake.

"Break na... tayo. Sorry... pero sana maging magkaibigan pa rin tayo." Pahina nang pahina na sabi niya. Ayoko sanang sabihin 'to pero may mga tao talagang ang kapal ng mukha.

"Oo naman. Friends pa rin naman tayo, diyan tayo nagsimula e, diyan din pala tayo magtatapos. Nakakatawa, 'no?" Tumingin siya sa akin.

"Sige. Pupuntahan ko na si Iza. Ingat ka pauwi." Tumango ako.

"Ingat din kayo..." Tumalikod ako pero hinila niya na naman ako paharap.

'Wag ka namang ganiyan... Marupok ako e.

"H-Happy birthday." Tuluyan na siyang nawala sa harap ko. Habang ako, natulala na lang at tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Happy birthday daw. Ang gandang regalo naman nito.

The Two Weeks Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon