Hindi malaman kung bakit nagkakaganito
Gusto ko lamang namang makasamyo
Ng pagmamahal mula sa kahit kanino
Mapa-pamilya, kaibigan, o kalaguyoHindi ako perpekto, alam ko
Ngunit bakit pilit ipinapaalala sa akin ng pamilya ko?
Na pagkakamali lamang ang naidudulot ko
Hindi naman ako pagkakamali, pero bakit ganito?Marahil nga, pagkakamali lamang ako
Pagkakamali lamang na ako'y nabuo
Bagaman ako'y hindi sigurado,
Alam ko, ramdam ko, na ako'y walang kuwentang taoAlam nila na hindi ako perpekto
Pero bakit nag-aabang sila ng perpektong mga akto?
Tao lang din ako na may paniniwala at prinsipyo,
Ngunit sa paningin nila, ako'y walang kuwenta at boboMatataas naman ang aking mga grado,
Nag-aaral naman ako hanggang sa abot ng makakaya ko,
Pinipilit ang sarili na pataasin pa ang grado,
Pero bakit kulang pa rin ang pag-abot ng kagustuhan nyo?Hindi ko alam na ako pala'y bobo
Bobo pa rin pala kahit matataas ang grado
Marami mang nagsasabi na ako'y matalino,
Malamang, ang aking pamilya ang paniniwalaan koMarami akong kayang gawin ngunit di nila gusto
Gumuhit, mag-aral nang mabuti, at tumulong sa mga kapwa ko
Tanging hangad nila ang pagiging masipag ko
Ibang masipag yata ang gusto nilang maging akoOo, napakamaramdamin ko
Ngunit kailangan bang ipagduldulan sa akin na ako ay hindi perpekto?
Oo, hindi ako palaaayos sa sarili ko
Pero tama ba namang sabihan akong mukhang impakto?Nakakapagod ang buhay na ito
Nakakapagod mabuhay sa mundong ginagalawan ko
Marami akong gusto,
Ngunit hindi ko pa rin makamit ang nais koHanggang kailan ba magtatagal ang paghihinagpis kong ito?
Siguro, hanggang sa kamatayan ko
Hanggang kailan ba ako kailangang matuto?
Siguro, hanggang sa malagot ang hininga koPaalam sa mundong nagturo
Kung paanong pandirihan ang mga nagpapakatotoo
Paalam sa mundong ito
Na humuhusga sa bawat pagkakamali ng taoMaaaring hanggang dito na lamang ang hangganan ko,
Ngunit magsisimula pa lamang, ang kuwento ng buhay ko.-Klara
BINABASA MO ANG
Anguish
Poetryan·guish /ˈaNGɡwiSH/ noun severe mental or physical pain or suffering. "she shut her eyes in anguish" synonyms: agony, pain, torment, torture, suffering, distress, angst, misery, sorrow, grief, heartache, heartbreak, wretchedness, unhappiness, woe...