Naglalakad si Alding na masayang humihimig sa kanyang sarili. Bigla siyang hihinto nang sasakit ang kanyang bibig.
" Owww...!"
" Huuu.. Mmm..."
Tutubo ang isang munting ngipin sa bibig ni Alding. Nagiisa ito sa bandang likod ng panga niyang balo noon ng ngipin.
" Huhu," tutulo ang luha at pipikit ang bata.
Uupo siya hawak-hawak ang kanyang pisngi at magsasapatuloy sa pagiyak, manginginig sa kaba at lamig ng sahig.
Agad dadating si Mama na nakarinig ng sakit niya. Pupulutin niya ang batang maliit mula sa lapag. Halos kasya sa kanyang mga palad ang dibdib niya.
" Ahh, tsk tsk tsk... Anong ginagawa mo diyan?"
Iaangat niya si Alding hanggang sa magkaharapan na sila ng mukha.
" Nasaktan ka nanaman ba," tanong ng Mama. Tatango ang batang lalaki, at iuupo siya muli sa lapag ng babae.
Luluhod ang Mama at titignan niya siya ng maigi. Mapapansin niyang hawak-hawak ni Alding ang kanyang pisngi kaya ibubukas niya ang kanyang bunganga para makita kung ano ang problema.
" Ahh... Madali lang yan," sabi ng babae.
Ilalabas ni Mama ang pliers niya mula sa kanyang bulsa. Tatanggi si Alding.
" Ma, ayaw ko po," ungot-ungot ni Alding habang ang mga luha niya ay patuloy lang umagos ng parang mga maninipis na ilog sa mukha niya. "Gusto ko pong magka ngipin..."
Pipilitin ng Mama na lumapit ang bata para kanyang bunutan. Pipisilin niya ang dalawang pisngi ni Alding gamit ang hintuturo at hinlalaki ng kanyang kaliwang kamay para ibuka ang kanyang bibig, at saka niya ipapasok ang pliers sa bibig niya.
Maglalaban si Alding ng kaunti, ngunit susuko siya agad at wala ito laban sa malaking kamay ng Mama na mahigpit na humahawak sa kanyang panga.
Sa isang hila matatanggal ang ngipin ni Alding. Dadating ang mas matinding sakit sa bibig niya at lalala ang kanyang pagiyak. Mapapaihi ang bata sa kanyang saluwal, at mababasa narin ang paldang suot ng Mama.
" Okay lang yan baby," bulong ng Mama.
Ngingiti siya at saka hahalikan ang bata sa labi, saka isusuklay ang kanyang buhok na matagal nang magulo.
" Mahal ka ni Mama."
Lalabas nanaman ang Mama sa bahay.
Ikakandado uli niya ang mga gate na pumapalibot sa tahanan ni Alding.Kailangan niyang maglampaso sobrang lagkit na pala ng lapag.
BINABASA MO ANG
Tutubong Ngipin
Short StoryOne day, isang araw, sumakit ang ngipin ni Alding. Well, hindi naman yung mismong ngiping ang masakit pero yung ugat.. ugat? Yun ba tagalog ng root ng ngipin? Lahat ng pananakit, kung anumang uri ng pananakit yan, ay kayang pagalingin ng pagmamahal...