MONTAGUE SERIES 2:
THE FATAL DAMAGEA/N: This story is the series two of Sold to the Montague.
Just a reminder that I am not a professional writer. You may read some grammatical errors and wrong spelling.All rights reserved © 2019
RUXALMOSIMULA
Isang malakas na pag sabog ang nagpagising sa natutulog na si Matias. Kaagad na itong napalingon sa kanyang tabi at wala ang asawa. Makapal na usok ang bumungad dito at mainit na paligid. Nasusunog ang kanyang mansion!
Kaagad niyang kinuha ang baril sa kabilang banda at tinakpan ang ilong. Nauubo man ito dahil sa kapal ng usok ay hindi 'yon naging hadlang. Sinipa niya ang pintuan upang makapalabas.
"Olive!"
"Olive!"
Buong lakas nitong isinigaw ang pangalan ng asawa. Walang sumasagot kaya't mas lalo siyang naalarma.
"Dammit!" Pagmumura pa nito. Kaagad siyang nag tungo sa kabilang silid upang tignan ang asawa ngunit bigo ito.
"Matias!" Isang malakas na pag sigaw ang bumuhay sa kanyang dugo. Kaagad itong napatakbo palabas ng silid nang makita ang asawa na nasa ibaba ng malaking salas at hawak hawak ng dalawang armadong lalaki.
"Wag niyong sasaktan ang asawa ko!" Galit nitong sabi. Buong akala niya'y matatapos na ang gulo dahil sa kanilang pananahimik ng kinakasama na mas piniling manirahan sa gubat. Isang malaking mansion na tinutupok na ngayon ng apoy ang pangarap ng kanyang mahal na si Olive.
"Matias wag kang bababa!" Umiiyak si Olive. Nanlaki naman ang mata ni Matias nang makitang pinag babaril mismo sa harapan niya ang asawa.
"Olive!" Malakas nitong sigaw nang ilabas ang dalawang baril at pinaulanan ng bala ang dalawang armadong lalaki. Kaagad itong kumaripas ng baba nang mapatay niya ang mga salarin.
"M-Matias." Sumusuka na ng dugo ang kanyang asawa na nakaluhod. Hawak hawak ang tagilirang puno ng mga tama.
"No no no! Baby please!" Namutla ito sa takot. Pumatak ang mga luha sa pisngi sa nasaksihan.
"Mahal na mahal k-kita." Hirap ng magsalita ang asawa nito na naliligo sa sariling dugo. Umiiling lamang si Matias na tila ayaw tanggapin ang katotohanan.
Iniangat ni Olive ang duguang kamay at hinawakan ang pisngi ng asawa sa huling pagkakataon. Palalim ng palalim ang pag hinga.
Hindi makapag salita si Matias sa nasaksihan. Bakit? Bakit ang asawa pa niya na walang kaalam alam at inosente ang nadamay sa gulo?
"Olive please dadalhin kita sa hospital!" Kahit alam pa nitong napaka imposible ng kanyang desisyon dahil ilang milya ang layo ng hospital sa tirahan nila. Hindi aabot ang asawa nito.
Ngumiti si Olive. "Hindi na. H-hindi na ako aabot." Matapos ng salitang 'yon ay naputol ang lahat. Binawian na nga ng tuluyan ang kanyang asawa sa harapan nito mismo.
Sumigaw siya ng malakas. Malakas na malakas dahil sa galit at sakit. Mag babayad kung sino man ang may sala. Iyon ang itinatak niya sa isip nang tumayo ito at nag tungo sa patay na katawan ng mga armadong kalalakihan.
Nag igting ang kanyang panga nang makita ang tattoo na nakatinta sa kamay ng dalawa. Simbolo ng Black Estate. Ang pinagmulan ng magulo niyang buhay.
At ngayon, binuhay ng kung sinomang may pakana ang demonyo sa loob ng katauhan ni Matias.
Si Matias Montague.
Binuhay nila ang dugong demonyo na nananalaytay sa dugo ng mga....
Montague.
©RUXALMO
BINABASA MO ANG
Montague Series 2: The Fatal Damage
General FictionWarning: Mature Content. Hindi naging madali kay Matias ang pagkapaslang ng kanyang asawa. Nabuhay ang galit at puot sa kanyang puso nang gabing bawian ito ng buhay. Halos masira ang kanyang ulo sa paulit-ulit na pagbabalik ng masamang ala-ala. Sa i...