KABANATA 1.

3.6K 161 78
                                    


ISANG ordinaryong umaga, nagising ito dahil sa init ng araw na siyang dumampi sa kanyang pisngi. Nangunot ang noong ani mo'y yamot na hindi maintindihan. Nang bumangon mula sa pagkakasandal sa sariling swivel chair ay siya namang pagkalansing ng mga boteng nagkalat sa sahig. Lango nanaman ito sa alak tulad ng nakagawian.

Tumunog ang kanyang phone ngunit wala ito sa huwisyo. Matapos ang ilang tawag ay nag-iwan na lamang ng voice message ang contact nito. Huminga ng malalim saka pinindot ang cellphone para marinig ang mensahe.


"Where the hell are you?" Mula sa kapatid
nitong si Fabio ang tawag na iyon. Saglit na napatigil ito at napatingin sa bintana, ngayon nga pala ang mahalagang araw para sa pamangkin nitong si Ezerhim.
Nang matauhan ay dali-dali itong naligo at nagbihis. Pinaandar nang mabilis ang sasakyan para makapunta agad sa okasyon.


"Matias over here!" Kaway ng isang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Sino nanaman ito? Hindi na niya pinansin pa at hinanap ng mga mata nito ang kinaroroonan ng pamangkin. Nagsimula na ang laro nang siya ay makarating. Magaling na football player si Ezerhim ng kanyang skwelahan. Proud naman ang ama nitong si Fabio habang nanonood ng laro.


Si Ezerhim ay sampung taong gulang pa lamang ngunit aktibo na sa mga sports. Malaki ang pinagkaiba sa kakambal nitong si Elijah na ang hilig naman ay ang mag aral.
Nang marinig muli ni Matias ang pagtawag sa kanya ng babae ay doon lamang nito napagtanto na ang kanina pang tumatawag sa kanya ay walang iba kundi ang adviser ni Ezerhim na si Ms. Lakandula na malakas ang tama sa kanya.

tumango na lamang si Matias dito. Walang balak ang binatang lumapit dahil talagang mailap siya sa kababaihan. Nahuli rin nito ang kapatid na nanonood ng football tsaka siya nag pasyang lumapit.

Napailing na lamang si Fabio nang makita ito. Alam naman niyang nagpaka lasing nanaman si Matias at wala ng bago roon.
"Did you see that? I won! I'm the mvp!" Masayang salubong ni Ezerhim sa ama at sa paboritong tito nito na si Matias.

"Lets celebrate." Masayang pag anyaya ni Matias dito. Kumain ang tatlo sa isang sikat na restaurant sa Alabang. Masayahing bata si Ezerhim kahit na suplado paminsan, ang gusto lamang nito ay ang paglalaro ng football na siyang palagi niyang binibida sa ama at maging sa tiyuhin.

SAMANTALA, Nag aayos ng sarili si Alena na susunod sa nasabing restaurant ni Fabio. Kagagaling lang ng dalaga sa sariling florist shop dahil may malaking project ang team nito. Maganda ang tinakbo ng negosyo ni Alena ang ina ni Ezerhim at Elijah. Matapos makapag tapos ng kolehiyo ay tinutukan nito ang pag nenegosyo at ngayon na nga ay may sarili na itong boutique ng mga bulaklak. Isang tanyag na florist shop na tinatangkilik ngayon. Katulong nito ang kinuha niyang event planner na si Dia. Si Dia ang kapatid na mahilig sa arts. Nagtatrabaho sa isang sikat na Art Gallery at isa ring event planner ng kasal.

"Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Alena rito.
"May mga tatapusin pa ako ate para sa gallery. Alam mo naman ang boss ko napaka sungit no'n." Ani ng kapatid.

Si Hennesy Devonscott ang tinutukoy nito na nagmamay-ari ng Art Gallery. Si Hennesy ang batang Devonscott na siya namang tiyuhin nina Fabio at Matias Montague.

"Kung si Hennesy ang pinoproblema mo wag ka ng mag alala. Napagpaalam na kita. Kaya mag ayos kana at naghihintay na ang kuya Fabio mo." Wika ni Alena sa kapatid.

Matapos mag suklay ni Alena ay nakapag bihis na rin ang kapatid nitong si Dia. Isang simpleng white dress lamang na longsleeves ito at inilugay ang buhok na hanggang baywang.
"Sorry na-late kami." Humalik si Alena sa asawang si Fabio at hinalikan din sa noo ang anak.

"Ang galing mo talaga anak." Masayang wika nito bago naupo. Si Dia naman ay may maliit na kahong hawak hawak. Lumapit ito kay Ezerhim at ibinigay ang maliit na surpresa.
"Ayan regalo ko sa 'yo."

Ngumiti naman si Ezerhim na siyang tugon niya rito.

"Maupo ka na Dia." Ani ni Alena. Doon na nag tama ang mata ni Matias at Dia. Hindi napansin ng dalaga ito dahil napaka tahimik at aminado siyang naiilang siya kay Matias mula pa noon.

"Dito ka na maupo." Alok ni Fabio rito na ang tinutukoy ay ang bakanteng silya na katabi ng kapatid nitong si Matias.

Kaagad din namang sumunod ang dalaga at tahimik na naupo. Kapansin pansin ang pagsasawalang imik ni Matias habang nag uusap ang mag-asawa. Hindi rin pala kibo ang pamangkin nitong si Ezerhim.

Hinintay lamang nila ang waiter para makapag-order pa ng makakain. Hindi sinasadyang matapunan ng tingin ni Dia ang singsing sa kaliwang kamay ni Matias. Naroon parin ang wedding ring nito sa nasirang asawa na si Olive.

Ilang taon na ang nakalipas ng ito'y mamatay sa isang trahedya. Maagang nangulila si Matias na hindi na muli pang nag-asawa.

"Matias baka pwede namang makisagay si Dia sa sasakyan mo?" Tanong ni Alena dahil may iba pang dadaanan ang mag asawa. Si Ezerhim naman ay tahimik na nakasakay sa kotse ng ama nitong si Fabio.

"Ate hindi ba nakakahiya? Hindi naman kasi kami close at hindi kami nag uusap. Mag- taxi na lang kaya ako." Bulong naman ng nakababatang kapatid ni Alena na si Dia.

"Malapit lang naman ang Art Gallery." Dagdag pa nito sa kanyang nakatatandang kapatid.

"It's okay no problem, ihahatid na kita." Walang pag aalinlangang sagot ni Matias.

"Salamat Matias, tawagan mo ako Dia pag nakarating ka na sa trabaho mo." Sabi ni Alena bago sumakay. Nagpaalam na ito at naiwan ang dalawa na walang imik.

Hindi kasi matukoy ni Dia kung bakit siya nahihiya at naiilang na makasama si Matias. Hindi rin kasi masisisi ang dalaga dahil ang lalaking ito'y miminsan na lamang mag-salita at sadyang mailap sa tao.
Binuksan na ni Matias ang pinto ng kanyang kotse.

"Get in." Pormal na sabi nito kay Dia. Wala namang imik itong pumasok. Binalak na lamang ng dalagang pumasok sa Art Gallery kahit na napag paalam na siya ng kapatid sa boss nitong si Hennesy. Sa isip-isip nito'y wala rin naman siyang gagawin ngayong araw kaya't mas mainam na mag trabaho na lamang kahit na half day ang pinasok niya.
Napaka-awkward para sa dalaga. Hindi naman kasi nagsasalita si Matias na seryoso lamang na nakatuon ang atensiyon sa daan habang nagmamaneho.
Mapagbiro pa ang kalangitan dahil bigla bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Sabayan pa ng trapiko sa kahabaan ng highway.

"F*ck..." Napamura na lamang si Matias ng mga oras na iyon. Hindi pa rin umiimik si Dia dahil hindi naman siya kumportable dito. Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang telepono nito na siyang bumasag sa katahimikan.


"Hello boss?" Pormal na tugon ni Dia habang tumagilid sa gawing bintana.
"What time is it now?" Striktong tanong nito. Ang boss ni Dia na walang iba kundi si Hennesy Devonscott.
"Sorry boss na-trapik kasi ako."
"Is that my problem?" Supladong sagot ng batang boss nito.

Huminga si Dia nang malalim, nagusap pa ang dalawa bago pinatay ng boss nito ang tawag.
"Tsk, ang sungit talaga." Bulong ng dalaga na nakarating naman kay Matias. Lihim na napangiti ito sa hindi malamang kadahilanan.
"Pinahihirapan ka ba n'ya?" Nagulat si Dia nang sawakas ay mag tanong ito sa kanya. Sa tagal niyang nakilala si Matias ay hindi pa sila masyadong nakakapag-usap na dalawa.
Naisip na lamang mag-biro ng dalaga at nag salita.

"Menopause na ata yung tito mo e, palaging mainit ang mga mata sa 'kin."  Parang batang nagsusumbong. Doon na hindi napigilang mapatawa ni Matias. Hindi niya akalaing tatawa muli siya sa napakahabang panahon simula ng mawala ang asawang si Olive.


ITUTULOY...

Vote and comment for the next update. Salamat ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Montague Series 2: The Fatal Damage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon