Malapit na ang christmas party pero parang napakanormal nalang sa pakitamdam. Dati, september palang ramdam ba ramdam ko na ang diwa ng pasko but now? Not really.
"Hi,Genley." Napatingin ako sa lalakeng umupo sa tabi ko. Si Aidan. Anong ginagawa n'ya dito? Hindi ko naman s'ya kaklase dahil ahead s'ya ng one year saakim at malayo ang classroom nila mula dito.
"Hey. What are you doing here?" Tanong ko. Lagi ko s'yang natititigan pero hindi ganito kalapit. Ang bango ng hininga n'ya saka 'yong amoy n'ya, ang manly. Ang bango.
"Ahh. I just want to visit you here." Medyo lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. "I mean, gusto lang kitang maka-usap. Tungkol don sa destiny. Magkaka-iba naman talaga tayo ng opinyo." May binulong s'yang hindi ko masyadong naintindihan.
"Kung akala mo na-offend ako dahil kinontra mo 'ko." Kinagat n'ya ang pangibabang labi n'ya saka napahawak sa batok.
"No." Tumawa ako. "Okay lang. Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan. Hindi ko hawak ang buhay mo." Ngumiti ako.
Awkward s'yang ngumiti habang tumatango.
"A-And. A-Ahm. . ." Parang may gusto s'yang sabihing nahihiya s'yang ibigkas. "May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong n'ya. Bakit n'ya tinatanong?
"Wala. Why?" Tanong ko. Bakit tinatanong ng mga lalake ang mga babae kung may gagawin sila sa gabi o sa tanghali o sa kahit anong oras? Niyayayang mag-date? Pero ayokong umasa because sa libro mo lang mababasa ang mga yon at sa movie lang nagkakatotoo yon.
"W-Wala naman. Natanong ko lang. Sige. Alis na ko. Bye." I told yah. Hindi naman talaga totoo 'yong mga 'yon,e. Tumango ako sakan'ya at pinagmasdang umalis. Nang makalabas na s'ya sa classroom ay tinanggal ko naang tingin ko sakan'ya at bumaling sa harap.
Yayayain sana kitang mag-dinner date mamaya. Nahihiya kasi akong sabihin sa'yo. Susunduin kita.
-Aidan.Binasa ko ulit ang text ni Aidan. Sinabi ko sakan'yang game ako. Hindi na s'ya nagreply, not that I'm hoping. I wore simple black halter dress and black pumps. Hinayaan ko lang ang nakalugay kong buhok at nagmake-up ako nang mas mabigat kasi gabi na, hindi na mapapansin ang make-up mo kapag light lang.
"Ang lagi kong bilin sa'yo, Genley." Sabi ni kuya na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.
"Yeah yeah. Hindi na ako bata, Kuya." Sabi ko sakan'ya saka pina-ikot ang mga mata ko.
"You're still a baby for me. Grade ten student ka palang,Gen. Sixteen years old." Pagpapa-alala n'ya saakin. Whatever,my OA brother.
Noong sa America palang nakatira si Kuya dahil ayaw n'yang mag-stay dito sa pilipinas gustong-gusto ko s'yang pauwiin kasi nakaka-inggit 'yong mga babaenb katulad ko tapos may kuya pero minsan nakakabanas kasi ang higpit n'ya. Nakakasakal, minsan pero naiintindihan ko naman si Kuya. Mahal n'ya ako,e.
"Magtiwala ka sa'kin,Kuya. Kaya ko 'to! Tinuruan mo na nga ako ng self defense,e." Kumindat ako sakan'ya saka tumatawang lumapit sakan'ya at yumakap.
"I love you,Kuya." Malawak ang ngiting sabi ko.
"Por que crush mo 'yon gaganyan-ganyan ka na. Di mo 'ko madadaan sa pa-I love you mo,Gen. Sige na. Bumaba ka na kasi kanina ka pa hinihintay ni Aidan." Umakbay s'ya saakin. Ang bigat talaga ng kamay nito.
"Kapag may masamang ginawa o sinabi 'yang Aidan na 'yan sabihin mo lang kahit na kaibigan yan ng tropa ko, bubugbogin ko 'yan." Natawa at napa-iling nalang ako sa sinabi n'ya.
"Seryoso ako,Genley Anghela Madrid." Ayan na naman 'yong buong pangalan ko. Ngumuso ako.
"Opo." Sabi ko sakan'ya. Tinanggal n'ya ang pagkaka-akbay saakin nang makatapak kami sa baba.
YOU ARE READING
The stranger who caught my attention
Teen FictionIs it posible to fall for a stranger? Date started: January 4, 2019