Hindi Kita Gusto... (one shot)

83 5 1
                                    

"Kyaaaaaaaaaaahhh!!!!" sigaw ng isang dalaga habang tatalon talon pa ito.

"Oh eem geeee!!!! *takip sa bibig si Khen....." tila hindi ito makapaniwala sa nakita.

Isang napakagandang lalaki na nag ngangalang Khen Alexander Bricks, may maiitim at expressive eyes, matangos ang ilong, may magandang jaw line, mahahaba ang pilikmata, mapula ang labi at maputi at makinis ang mukha ay nakikita ng dalaga sa isang..

Magazine.

"Khen!!!! Ang gwapo mo talaga!" tila nanggigigil na sigaw nito.

Hinalikan nya yung magazine kung saan nandoon ang picture ng binata na naka topless pa.

"Mmmmwah..mwah!!!.....

Kyaaahhh!!!! Sh*t ang hot mo talaga!!!!---"

*boink

"Hoy Alex! Tigilan mo nga yang pagnanasa mo sa Khen Alexander na yan!" sita sa kanya ng kaibigan.

"Pakialamera ka rin eh noh? Maya na nga tayo mag usap! Nagmomoment pa KAMI dito." hinalik halikan nito ulit ang picture ng binata.

"Yak! Kadiri ka talaga Alex!"

"What?? Bakit nanaman!?" inosenteng tanong nito.

"Grabeh... Pati ba naman picture???" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Waaahhh!! Bright! Ang gwapo gwapo nya kasi eh! Masisisi mo ba ako ah? Masisisi mo ba ako??" binatukan naman sya ng kasama.

"Tigilan mo na nga yan! Mamaya baka may makakita pa sayong pinagnasaan si Khen eh ,masabihan ka pang obsessed!"

"Totoo naman eh!"

*boink

"Aray..." komento nito. Ayan tuloy, nakatanggap na naman ng batok sa kaibigan nya.

"hehe ^_^v"

"Hay nako! Pambihira ka talaga! tara na nga."

---

CLASSROOM

"Kyaaaaaahhhh!!!" mahinang tili ng mga babae dahil sa pumasok.

Tsk. Hanggang dito ba naman??? Sa isip isip ni Bright. Kung hindi tili ni Alex ang naririnig ko, sa ibang babae naman. Haaay. Napailing nalang ito at nagbasa nalang ng libro.

Kyaaahhh!!! Om my gahd nandito na sya!!. tili ni Alex sa kaloob looban nya. Gusto nya mang tumili ng malakas ay pinipigilan nya ito sapagkat ayaw nyang isipin ng iba na isa sya sa mga fangirls ng binata. Hindi 'yon cool para sa kanya.

"Hi girls..." sabay ngiti ng kapapasok lang na Khen. Halos lahat ng babae ay nalusaw na sa kilig dahil sa simpleng pagbati ng binata. Well, halos lang.. hindi lahat.

Aiiisshh!!! Ayan na naman yang pinakakinikiligan nilang hi girls na linya ni Khen. (_ _ ) -Bright

Haaayy... Ano ba yan! Okay lang sana kung ako lang sinabihan nya ng hi eh... kaso hi girls sabi nya. Meaning, lahat ng babae! maktol ni Alex sa isip nya. Sumimangot ito na tila ba ay nag seselos sa sinabi ni Khen.

Hindi Kita Gusto... (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon