Prologue

2 0 0
                                    

Agad akong napatalon nang mabasa ko ang sulat na ipinadala ng agency. Wth. I've been waiting for this at hindi ako makapaniwalang nasuklian lahat ng paghihirap ko para lang makapasa sa audition na iyon.

"Marga! Marga!" Agad kong tinawag ang dorm mate kong si Marga na kasalukuyang naliligo.

"What?!" Sigaw niya habang nasa loob pa ng CR.

"Bilisan mo d'yan! Halika dito. May good news ako!" Kasabay ng paghalakhak ko dahil sa umaapaw na tuwang nararamdaman.

Malakas na bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa ang isang petite na babaeng may katamtamang haba ng buhok at morenang balat. "Ano na naman ba ha?! Kung makatawag 'to kala mo nasa bingit ng kamatayan," Reklamo nito habang pinupunasan ang buhok but the letter I was holding immediately caught her attention. "Aba aba. Ano yan?"

"Guess what," Smiling ear to ear while handing her the letter.

She curiously opened it at agad na nanlaki ang mga mata, "OMG SHIA. Totoo ba to?! Am I dreaming? " Umiling ako kasabay ng nakakabinging pagtili niya. Nasanay na rin ako. Masaya man siya, malungkot, galit o kahit ano mang nararamdaman niya, sisigaw at titili pa rin yan. "Nabasa mo na ba yung Email nila? "

I sighed. "Yeah. And may another problem na naman ako," Her excited gaze turned into worry. "Sagot na nila lahat ng gastusin but kailangan ko nang pumunta dun next week without any preps."

"You already had your visa and passport right? You can just pack your luggages and then go na."

"Yeah, I do. Pero how about my studies? May pre-assessment test lahat ng prof next week at kailangan kong maghabol sa klase." No'ng nabasa ko yung Email and letter, eto agad ang pumasok sa isip ko. I should prioritize my studies since college is tough even though first year ko palang 'to sa tertiary. "My brain says I should reject the offer."

"How about the heart?"

The question stopped me for a second. "I should go. That's what it says. I guess? "

"Bakit di ka sure? Hoy! Rare opportunity 'to 'no! Di mo pa ba iga- grab?!" Kunot na kunot ang noo nito gaya ng palagi kong nakikita.

"Hoy ka rin Margamen!" I smiled as I tease her. Ah, bahala na. Gaya nga ng sabi ni Marga, it's a rare opportunity at mapupunta sa wala ang dugo't pawis na inialay ko sa audition na yun kung tatanggihan ko 'tong offer. And duh, I should follow my heart no matter what. I should go and pursue my dream.













But, is it really right to follow the heart kahit hirap na hirap ka na?






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EndureWhere stories live. Discover now