Chapter 4

64 6 2
                                    

Kyle's POV

Sa mga nakaraang araw, may mga isyu na kumakalat sa silid-aralan na ang presidente ng konseho na si Luis Zeñaflor ay may nobya na daw na tiga Miriam High, gaano ba ka-totoo ito? Kailan pa ba naging seryoso 'yong mokong 'yon? Puro kalokohan lang alam non eh. Pero, nakita ko kasi siya noong unang araw ng ensayo na may kasama't kausap siyang babae sa labas ng gym, ngunit 'di ko nakita ito o namukhaan man lang dahil madilim na sa labas, balewala lang din naman sakin 'yon pero syempre, masakit sa loob ko kapag maganda yung girlprend non, sayang kasi malay mo kung nakilala ko siya baka naging kami hahaha.

Papunta akong canteen para kumain dahil nagugutom nanaman ako, wala eh matakaw eh. Sa paglakad-lakad ko ay may nakita akong babae, namumukhaan ko siya ahh... nang bigla nalang akong napasigaw ng "HOY, DURIAN GIRL!" Sa'n kaya lumabas yung mga salitang 'yon at may lakas ng loob akong sabihin 'yon.

Jazz's POV

"HOY, DURIAN GIRL!"

Napalingon ako sa sumigaw. Ayyy! Naaalala ko 'tong lalaking 'to hahaha siya 'yong nasa canteen noong university fair dito noong nakaraang buwan. Baliw 'ata 'to eh, ikaw ba namang tawaging Durian Girl? Ano na kaya ang iniisip ng mga taong nakakarinig non? Baka akalain nilang amoy durian ako o nagtitinda ako ng durian o mukha akong durian hahaha ewan, mas mabuti nalang kung iniisip nila mahilig ako sa durian.

"Hoy, hindi Durian Girl pangalan ko." sabi ko sabay irap.

"Alam ko." bilang sagot niya.

"Alam mo naman pala eh, ano ba pangalan ko?" tanong ko.

"Sabi ko, alam kong hindi Durian Girl pangalan mo, wala akong sinabi na alam ko pangalan mo."

uugghh kakainis 'tong lalaking 'to.

"Wow naman, wala ka na bang ibang masabi? May durian girl ka pang nalalaman. Che, alis na 'ko!" sabi ko na may halong inis sa tinig ng boses ko.

"Pasensya naman oh. Ikaw kasi pasimuno eh." grabe 'tong lalaking 'to, 'di ko 'ata kakayanin, ako ba naman daw nauna?

"Hoy, Durian Girl. Tumutulo na laway mo, 'di ka na nagsasalita. Nabighani ka sa kagwapuhan ko noh? 'Wag ka na mahiya, sanay na 'ko do'n." sabi niya sabay ngiting abot tenga.

Habang ako nanginig sa inis. "Wala ka bang matinong sasabihin? kung wala aalis na'ko. Bwisit naman, nag-aaksaya lang ako ng oras dito. Pupuntahan ko pa si Luis."

"Ikaw 'yong babae na lagi niyang kasama?" sabi niya na parang may halong lungkot.

"Ahh, wala... Sige una na'ko." oh, ano nangyari do'n? Bigla lang nagbago ng kalooban. Teka, ba't siya na ang nang-iwan? Diba ako dapat ang aalis? Ugh!! Nakakaurat pero napaisip pa rin ako, ano kaya nangyari sakanya.

Kyle's POV

Grabe sa lahat ba naman ng babae, si Durian Girl pa ang napili ni Luis, siya pa ang tanging pag-aagawan namin. Oo Kyle, oo aagawin mo si Durian Girl sakanya 'wag mong hayaan na maagaw niya si Durian Girl kagaya nang pagiging MVP mo. Lalaban ka Kyle, lalaban para sa sinabi nilang paglalandi, ayy este pag-ibig pala 'yon. Ano ba naman 'yan! 'Di ko parin alam pangalan niya, ugh nakakainis ka na Kyle.

Luis' POV

Nakita ko si Jazz na kausap si Kyle sa may bandang canteen, ewan ko kung bakit ako naiilang pero ayaw ko si Jazz na mapalapit kay Kyle, para bang tinuturing ko s'yang karibal. Hindi naman sa sinasabi ko na kami na ni Jazz pero may pintig kasi sa puso ko na tumitibok na malapit na ang oras na 'yon kaya kailangan ko munang siguraduhin baka maagaw pa ni Villafuerte si Jazz ng madaliang oras...

Nagpalit ako ng dinaanan dahil nasasaktan ako sa aking nakikita parang bang naka puntos kasi 'yong Villafuerte na 'yon eh. Alam ko 'di dapat ako nagpapatalo pero, babawi din ako Jazz, babawi din ako... para sayo.

Jazz's POV

Iniwan ba naman ako ng mokong na 'yon? Nakakarindi sobra. Badtrip na nga ako, pagkadating ko sa opisina ni Luis, wala naman siya!! Ugh, eh siya na nga lang ang tanging meron ako dito sa paaralan nila wala pa siya. Nadoble 'yong pagkawala ko ng gana.

May kumatok sa pintuan tapos ay binuksan ito, nakita ko si Luis na parang matamlay, nawala agad ang pagkainis ko sakanya at nangibabaw ang pagmalasakit ko sakanya.

"Ohh, Anong nangyari sayo?"  tanong ko na halatang nagalala.

"Ayos lang ako, patawad Jazz ah? Lagi nalang kita pinapahintay." sabi niya ng buong puso.

"Eto naman oh, wala lang 'yon. Edi sana iniwan nalang kita kung ginusto ko talagang makawala sayo diba?" sabi ko sa kanya na parang sinisiguro ko na ayos lang talaga ako.

"Salamat ah." binalot niya ako sa kanyang mainit na yakap na para bang nararamdaman ko na ligtas ako sa kahigpitan nito. Ano ba nangyari sa kanya?

Dalawang lalaki ang nakakausap ko ngayon tapos biglang nagdradrama, ano meron sa kalalakihan ngayon at labis pa sa babae kung makapagemote.

Luis' POV

Nasa kwarto, nakahiga sa kama, nakatutok sa kisame, nag-iisip. Haaaayyy~ Jazzielle de Guzman, ba't ba ako nagkakaganito? Kailan pa ba ako naging seloso? May karapatan ba ako mag-selos? Ewan ko nalang, nakakausap lang naman walang masamang nangyari pero... kumikirot pa rin ang dibdib ko.. 'yong puso ko.

Kyle's POV

'Di nagtagal, pagkatapos ng klase ay umalis na'ko pauwi ng bahay. Pagdating ko naman ay dumeretso sa kwarto ko, naligo, nagbihis, humiga at huminga ng maluwag. Hindi ko hahayaang maagaw ni Luis sa'kin si Durian Girl, siya lang ang babae na nagbago sa'kin at nagkakaganito ako, alam ko ang babaw kasi wala kaming masyadong pinagsamahan pero alam ko, may gusto akong malaman tungkol sa kanya na hindi ko man magawang ilagay ang daliri ko sa sitwasyon. Hay nako, buhay.

How I Met Durian Girl ((On Process))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon