Chapter 5

64 4 3
                                    

Jazz's POV

Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin kami nakapag-usap ni Luis, kahit hindi tungkol sa proyekto na hinanda niya kahit bilang kaibigan niya, hindi talaga. Hindi man lang nagparamdam 'yong mokong 'yon, hoy delikado na 'to. Luis, nakakainlove ka na.

Luis' POV

'Di ko magawang kausapin si Jazz, ewan ko ba kahit namimiss ko na siya, ang hirap pa rin. Sa tuwing nakikita ko si Villafuente ay naiinis ako at parang nararamdaman ko din na binabalik niya ang emosyon na iyon. Ito na ba 'yon? Ang pagiging magkaribal namin ay hindi na lang sa laro ng basketball, umabot pa sa punto na hanggang buhay pag-ibig na. 'Di mo talaga ako pipigilan Kyle ah? Kailan mo pa ba ako pipigilan?

 Kyle's POV

Nakahiga ako sa bakuran habang ang mga paa ko ay nakalugay sa palanguyan, iniisip ko ang mga nagyari sa'kin noong mga nakaraang linggo. Para kasing hindi si Kyle Matthew 'yong mga kilos ko, oo inaamin ko parang nagbago ako bigla, sinong kaluluwa ba ang sumapi sa'kin?

'Di ako makatulog kaya nasa labas ako nagpapahangin, naglakad-lakad kung saan ako dinadala ng mga paa ko, paikot-ikot sa bakuran, 'di mapakali, uupo tapos biglang tatayo ulit. Naisipan kong bumalik sa kwarto ko at do'n na'ko magpapahinga. Pagdating ko naman sa kwarto ay dumadaan ako sa balkonahe at tila nagdradrama. Kinuha ko ang gitara sa tabi ng kama tapos nagpapatugtog nalang ako habang nagpapalipas oras.

Look at the stars,
Look how they shine for you,
And everything you do,
Yeah, they were all yellow.

I came along,
I wrote a song for you,
And all the things you do,
And it was called "Yellow".

So then I took my turn,
Oh what a thing to have done,
And it was all yellow.

Lumapit ako sa bintana at lumabas do'n, pero syempre 'di ako magpapakamatay, aakyat lang ako sa bubong ng bahay at do'n ako hihiga habang tumitingin sa mga bituin sa kalangitan. Kinanta ko ulit 'yong kanta ng Coldplay na Yellow. Bigla kong naalala, ang mga bituin kong tutuusin parang may tinik din sila at kung tinitingan mo ito sa malayo, ang kulay nito ay dilaw, katulad ng Durian. Hay nako, hanggang ngayon siya pa rin ang nasa isip ko. Habang nakahiga sa bubong ay kung makikita mo ang mga bituin ay parang ang lapit lang nila noh? Parang makukuha mo lang sila gamit ang dalawang kamay mo pero sa totoo sila'y malayo kagaya ni Durian Girl sa nabasang kong quote, "You seem so near, yet so far." Para bang pangarap na 'di mo makuha kuha.

Nang nakaramdam na ako ng antok ay bumaba na ako at pumasok ulit sa bintana kung saan ako lumabas, dumiretso sa kama nang patalon at humiga na rin. Sa wakas makakatulog na rin na siya ang nasa isipan ko.

"Hoy! Durian Guy!!"

"Binaliktad mo ah. Hahaha. Kyle nga pala pangalan ko."

"Ahh haha Kyle, ang cute naman ng pangalan mo, bagay sa'yo. Ako nga pala si.."

At nagising ako, pambihira naman oh malalaman ko na sana pangalan niya. Nakakaurat! Pa'no ko masasabi sakanya na maganda din pangalan niya sa lagay na'to? Hayyy. Hanggang sa pag-gising ko siya parin ang iniisip 'di lang sa pagtulog ko. Alas tres y medya palang nagising na'ko, ang aga naman. Sabi nga ng isa pang quote na nabasa ko, "If you're awake at 3am, you're either in love or lonely". Eh, bakit parang nararamdaman ko na in love at malungkot din na magkasabay? In love ba talaga ako o baka nadala lang kasi wala akong buhay pag-ibig, dahil ba malungkot ako at walang nangyayari sa buhay ko? Sabi nga nila, "Fall in love when you're ready not when you're lonely."  Dapat pag nagmahal na ako ay handa ako hindi 'yong napilitan lang dahil mag-isa lang ako.

Naghintay ako ng higit dalawang oras para maumpisahan ang paghanda para pumasok, naisipan kong pumasok ng maaga sa paaralan, dahil wala naman akong gagawin pa, do'n nalang muna ako.

Pagkarating ko sa paaralan noong hinatid na'ko ng driver, sakto at kaonti palang ang nasa paaralan. Pumunta ako agad sa soccer field at do'n ako nagmunimuni, nagpapahangin, tapos sumandal ako sa isa sa mga puno. Nakakikita ko ang sarili kong nagiisip nanaman. Ano bang nakain ko kanina? Bacon at Itlog lang naman ah. Hayyy, ewan ko nalang. Umakyat ako sa puno, sumandal sa kahoy, napabuntong hininga at pinikit ang aking mga mata. Okay lang bang mainlove sa taong hindi mo naman kilala at hindi ka rin niya kilala? Bigla ko nalang naramdaman na may luha na tumakas sa aking mata. In love ba talaga ako? Ba't ako naiiyak? Sawi na agad ako?

Luis' POV

Nakita ko si Villafuente sa mini-forest katapat ng soccer field, parang ang tamlay niya ngayon at nawala 'yong maangas na Kyle na kilala ko. Hindi kaya'y pareho kami ng dinadamdam na sitwasyon? Magkaribal nga kami at kitang kita na naaapektuhan siya, halata kasi ang panghihina nito. Natuto na bang magmahal ang gagong 'yon? 'Di ako papayag na maagaw niya si Jazz. Nga pala, 'di ko pa s'ya nakakausap, kailangan ko nang humingi ng paumanhin, sana mapatawad niya ako sa ugaling pinakita ko noong nakaraang linggo.

"Hello? Napatawag ka."

"Jazz, Sorry sa mga nagawa ko ah?" sabi ko ng masinsinan.

"Ayos lang. Ano bang nangyari?"

"'Di ko maipaliwanag."

"Sige, susubukan kitang intindihin. Pero, sana kahit bilang kaibigan mo, pwede mo 'kong kausapin kung may problema kang pinagdadaanan, pwede kitang bigyan ng mga payo."

"Salamat Jazz ah at ikaw pa ang naabala, pasensya na talaga. Sa susunod, hihingi na'ko ng payo sa'yo kung ano man ang aking gagawin."

"Walang anuman Luis, sige una nako."

At binaba na niya ang tawag.

Hindi man lang ako nakapagpaalam.

How I Met Durian Girl ((On Process))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon