Chapter 27: "Sweet Revenge"

42.5K 679 86
                                    

- Akin tong pinag puyatan .. Sana'y inyong magustuhan, BOW! ^_______^


_____________________________________________________________________

Louie’s POV

 
 

Naging napaka walang kwenta ng buong November ko.

Simply because ..

Hindi ko na ulit nakita pa si Venice after nung conversation namin sa rest house.

Halos araw-araw akong nag aabang sa labas ng boarding house, nag ba-baka sakaling mapapadaan sya .. Psssh. Mukha ngang wala na syang balak bumalik eeh .. Tapos dadaan pa? Katangahan nga naman ..

Ilang beses na rin pala kong tumatawag sa lolo nya pero wala daw talaga silang balita. Hinanap ko na nga rin pati address ng bahay nung kaibigan nyang si Melissa, pero bigo pa rin.

Walang nakakaalam kung nasan na ba sya ..

Kaya ako, heto …

Sinusubukan paring maging masaya gaya nga ng sinabi ko sa previous chapter, sa sobrang saya ko nga .. Gabi-gabi ako nag pa-party, umiinom mag isa, sa loob nga lang ng kwarto ko .. Binabantayan kasi ako nung tatlo, si Harry, Zeth at Dave .. Wala pa si Nathan, nandun pa sa Switzerland.

Curious ba kayo kung ano ng balita kay Ellaine?

Ayun .. Dead on arrival!

Pinatay ko …

Sa imagination ko nga lang!

Pero seryoso, muntik ko na syang mapatay nung last visit nya dito sa boarding house .. Kundi ba naman !@#$%^&*!!! Ang kapal ng mukhang magdala ng mga stylist dito para daw sukatan ako ng damit na susuotin ko sa letcheng kasal namin!!

Kung di siguro ko na awat nung tatlo baka naka libing na yun .. At panigurado, naka kulong na rin sana ko ngayon.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon