Chapter 26: "One Last Time"

29.7K 512 76
                                    

A/N: One more Chapter, then Epilogue na po readers! hihihi .. Thanks sa patuloy na pagbabasa! God Bless! ;))


 ______________________________________________________________________

Louie’s POV

 

Bigla kong napa bangon sa pagkakahiga ng maalala ko si Venice, hindi ko na ininda yung sakit ng ulo ko at inilibot ko agad yung paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

“Sh*t! Nasan na sya!!!” nagtatakbo ko palabas ng kwarto, halos liparin ko rin na yung hagdanan pababa.

 

“LIFEEEE!!!!! VENICEEE!!!!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kitchen.

Fvck! Wala! Nasan na ba kasi sya?!!

“VENICCCEEEE!!!!!!” paulit-ulit lang na sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo sa bawat sulok nitong rest house.

“LIFEEEE!!! NASAN KA NA BA???!!! LIFFFEEEEEE!!!!” hingal na hingal na ko pero ni isang bakas nya wala kong nakita. Ilang beses ko na ring nalibot yung rest house, pero talagang wala sya.

Hindi ako pwedeng magkamali, nandito sya kagabi! Yinakap nya pa nga ko eeh .. Tsaka imposibleng maka-akyat ako mag isa sa kwarto kung walang tumulong sakin?!!

“Psssh. Hindi man lang nya ko hinintay magising?” disappointed akong nagpunta sa kitchen para kumuha ng mineral water, naubos ko yun ng isang inuman lang .. Kaw ba naman magtatakbo habang sumisigaw? -_____-

“Life, umiiyak ka? Bakit? May masakit ba sayo? Tsaka bakit ka nagpaka lasing, ano bang nangyari huh?” napa-pikit na lang ako habang naka upo sa sofa na nandito sa sala at naka-tingala sa kisame, naalala ko pa yung worried nyang mukha habang pinupunasan yung tubig na tumutulo galing sa mata ko.

Tangna naman oooh. Ba’t kasi kung kelang nakita ko na sya ulit, tsaka pa ko nawalan ng malay? Kung kelan gustong gusto ko ng sabihin sa kanya lahat, tsaka pa ko naka tulog? Kung kelan gustong gusto ko syang yakapin … Kung kelan – FVCK!!!!

**BLAAAAAG**

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon