Utot

5 0 0
                                    


"Ba't ambaho? Ay kaya pala andyan na kasi si Sabrina mabantot" pang asar ko sabay tawanan ng mga kaklase ko.

Lagi ko na siyang inaasar ng 'Sabrina mabantot' simula nung napautot siya sa recess nung nakaraang linggo.

Alam kong antagal na nun pero ang kyut niya kasi pag naaasar siya kaya inaasar ko pa rin siya hanggang ngayon.

"Oy Sabrina mabantot!" sigaw ko habang natatawa.

"Won't you stop calling me that? Umuutot din naman kayo ah? Nakakainis na ah!" Sabi niya.

"Oo nga pero hindi sa public places tulad mo HAHAHA" sabi ko.

"Ediwao antagal na nun ah, nung nakaraang linggo pa yun hanggang ngayon ba naman? Di maka move on? Ganun? Psh. Ewan ko sa inyo mga kulang sa pansin!" Sigaw niya sabay umupo. Pagkaupo niya ay dumating na rin si Sir at nagturo.

*kringggg* tunog ng school bell.

"Oy recess na!" Sabi ko kay Ken sabay tingin kay Sabrina papalabas.

"Alam ko!" Sabi niya.

"Tara na, dalian mo 15 mins lang recess eh!"

"Oo na, excited ka lang makita si Sabrina eh." sabi niya.

"Oy hindi ah! Gusto ko lang talaga siya asarin. Tsaka kaklase naman natin siya kaya lagi ko siyang nakikita!" Sabi ko.

"Ang sabihin mo may gusto ka lang talaga sa kanya kaya inaasar mo siya para mapansin ka niya"

"Tsk. Tumahimik ka na nga lang. Dalian mo na at baka mawalan na tayo ng oras" sabi ko at sabay naglakad papunta sa canteen.

Pagdating sa canteen ay nakita ko agad si Sabrina doon.

"Oy Sabrina, baka umutot ka na naman ah? Takaw takaw mo din kasi HAHAHA" pang asar ko at agad naman silang nagtawanan.

"Tumahimik ka nga! Wala ka na bang magawa sa buhay mo payatot ah? Bumili ka na lang dyan! Bwiset ka talaga kahit kelan eh tch." Sabi niya sabay subo ng pagkaing hawak niya.

'Antakaw talaga nitong babaeng to' sabi ko sa isip ko.

"Anong tinitingin mo dyan payatot?" Tanong niya.

"A-ah w-wala ah! Di nga kita tinitignan dyan eh, assuming ka naman masyado psh." Sabi ko tsaka tinalikuran siya at bumili ng makakain ko.

Pagkatapos kumain ay nagring na ang bell at dumeretso na kaming lahat sa classroom. Pagkatapos ng ilang oras ay uwian na namin.

"Oy bantot!" Sigaw ko.

"Ano na naman ba? Alam mo ikaw, hilig mo kong asarin!" sabi niya. "Pasalamat ka may gusto ako sayo kaya hinahayaan lang kita tsk." Pabulong niyang sabi.

'Gusto niya 'ko?' Tanong ko sa isip ko.

"Gusto mo 'ko?" Tanong ko sa kanya.

"Luh? Narinig mo yun?"

"So may gusto ka nga sakin? Yaan mo, may gusto din naman ako sayo eh hehe"

"Kaya pala hilig mo kong asarin eh, para mapansin kita tss. Hay nako HAHAHA"

"Yabang neto"

"Eh totoo naman, hindi ba?"

"Psh. Oo na, so ano? Tayo na ba?"

"Wow ha? Tayo agad? Di ba pwedeng manligaw ka muna?"

"Ligaw ligaw pa eh gusto naman natin isa't isa"

"Psh."

"So tayo na ah?"

"Pero.."

"Wala ng pero pero, tayo na!" Sabi ko sabay akbay sa kanya palabas sa school at hinatid sa bahay nila.

~by: miyuki

Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon