ᴘᴀɢ ʟᴜᴍɪɴɢᴏɴ ᴋᴀ, ᴀᴋɪɴ ᴋᴀ.

5 0 0
                                    

"Rylee!!!" Sigaw ng kaibigan ko.

"Oh?" Sabi ko.

"Tutal nandito tayo sa cagsawa hihi, gawin mo yung 'pag lumingon ka akin ka'"

"Anong kalokohan na naman ba 'to?"

"Anong kalokohan ka dyan!? Katuwaan lang ryry, ano ka ba?"

"Tao ako." Sagot ko.

"Hay nako naman. Uy oh yung crush mo!" Sigaw niya sabay lingon ko, kung san siya nakatingin.

"Oh, ano na?" Tanong niya pa.

"Anong, ano na?" maang-maangan ko.

"Gawin mo naaaa, goooo!" Nae-excite na sagot niya.

'Ano? Kaya ko ba 'to? Potek waaa kinakabahan ako' sabi ko sa aking isip sabay naglakad ng dahan dahan papunta sa crush ko.

*inhale, exhale*

"Pag lumingon ka.. akin ka" pabulong na sabi ko.

"Ayoko nga, kilala kita." Sabi niya.

"Rinig mo yun? Pabulong na nga yun eh."

"Yep, of course. Anlapit mo sakin eh, panong hindi ko maririnig yon?"

"Psh." Singhal ko.

"Oh? Ano? Di mo ba ko pipiliting lumingon para maging sayo na 'ko?" Pang-aasar na tanong niya.

"Tss. Eh ayaw mo nga eh, kaya wag na lang."

"Gusto ko, pilitin mo lang ako."

'Ay letse, gusto niyang pinipilit siya.'

"Pasalamat ka crush kita, kaya gagawin ko." Biglaang sabi ko.

"Crush mo pala ko ah."

"Luh"

"Dali na, pilitin mo na ko"

"Tsk. Oy, lumingon ka na para akin ka na. Letse."

"Sige, sige lilingon na ko"

"Dalian mo!"

"Oo, eto na." Sabi niya sabay lingon sakin.

"Tayo na?" tanong ko.

"Ta—" putol niyang sabi ng may biglang dumating na babae.

"Babe! Tara na!" Sigaw nung babae.

"Babe?" Tanong ko.

"Ahh, babe? Sino 'to?" Tanong nung babae sabay turo sakin.

"Wala babe." Sabi ni Lance.

'May jowa na pala 'to, ba't di ko alam yon?' Tanong ko sa aking isip.

"Babe tara na?" Tanong niya sabay tango ni Lance at hinila na siya nung babae palayo sa kinatatayuan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon