❝Okay lang ako❞

2 0 0
                                    

'Okay lang ako' mga katagang lagi kong ginagamit para lamang maitago ang totoong nararamdaman ko.

'Okay lang ako' ang lagi kong sinasabi dahil mas madaling sabihin kesa sa ipaliwanag ang totoong nararamdaman ko.

Paano ko nga ba naiitatago ang totoong nararamdaman ko?

Ngingiti lang ako at sasabihin kong 'okay lang ako'

Okay nga lang ba ako?

Lagi kong tinatanong sa sarili ko, dahil hindi ko na din maintindihan ang totoong nararamdaman ko.

Nakakalito, sobrang nakakalito.
Dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Bakit nga ba hindi ko na lang sabihin ang totoong nararamdaman ko?

Dahil pakiramdam ko ay hindi niyo din naman maiintindihan ang isang tulad ko.

Pero laking pasasalamat ko dahil may isang tulad mo.

Tulad mong lagi akong tinutulungan para lang maging maayos muli ako.

Tulad mong tinutulungang maiangat muli ang sarili ko.

Maraming salamat sa'yo, kundi dahil sayo hindi ko na muli maaayos ang sarili ko.

Mahal na mahal kita mas higit pa sa sarili 'ko.

Pangako, hinding hindi ako susuko.

Salamat sa iyong tulong, dahil ngayon ay okay na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poem Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon