'Sweetness and blossom words often catch a lady's heart' pagbasa ng dalagang ub-ob sa social media sa isang post na kanyang sinusundan.Na agad siyang nagreact at nagkomento ng 'Yeah but most of the time deceiving.Yung puro matatamis at mabulaklak na salita lamang ang lumalabas sa bibig ng isang lalake and tayo namang mga tanga paniwalang paniwala tapos sa huli,wala iniwan rin tayo.Humanap ng iba' nanggigigil na pinost nito ang komento at napabuntong hininga ng muling magbalik sa kanyang isipan ang alaala sa dating kasintahang sa tagal nyang karelasyon ay puro matatamis at mabulaklak na salita ang binibigkas sa harapan niya.
Habang nanunumbalik ang alaala sa dating kasintahan ay bigla na lamang may dumausdos na luha sa pisngi nito na agad naman nyang pinunas at muling tinuon ang atensyon sa kanyang cellphone nang mag-ingay ito at may notification siya mula sa messenger.
Awtomatikong napakunot ang noo ng dalaga ng makitang hindi pamilyar ang pangalan ng nagpadala ng mensahe bagamat kung makakumusta ito ay aakalain mong isang mabuting kakilala at mababtukan mo na lamang ang sarili sa hindi pagkakakilala rito.Bagamat sadyang di niya talaga ito kakilala kung makakumusta ito ay parang kilala siya nito at alam rin nitong naghiwalay sila ng kanyang nobyo dahil sa mensahe nitong 'Marami pang lalake dyan na mas higit sa nobyo mo,kaya wag mo na siyang iiyakan dahil ang masbagay sa magandang babaeng tulad mo ay tumatawa't ngumingiti' . At sa ganoong pagmemensahe ng estranghero ay nagtaka siya at naisipang tanuningin kung kilala niya ba ito dahil ang tanging pagkakakilanlan lang na makikita sa account nito ay ang dalawang letrang nagsilbing pangalan ng account nito at ang profile picture at cover photo nitong magkaparehas na ang imahe ay nakatalikod. Nang agad na sumagot ang lalaki ay sinabi nitong 'saka mo na alamin kung sino ako o ang pangalan ko pagnakalimutan mo na ang ex mo' Sa pagkabasa ng dalaga rito ay agad tumaas ang kilay nito at pinagpasyahang ipag sa walang bahala na lamang ito at wag ng pansinin.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw walang oras na di nagpapadala ang estranghero ng mensahe na ang laman ay pangangamusta at pagbati sa kanya ng magandang araw. May isang araw pa ngang tiniis nyang huwag mag-online dahil nang minsang buksan nito ang kanyang data connection
noong nasa loob siya ng tricycle na naipit sa traffic ay agad nag-ingay ang kanyang cellphone at puro mensahe ng estranghero ang dahilan.At dun nga sa kaingayang yaon ay tinignan siya ng kasamang pasahero kaya naman naaasar niyang inioff ang cellphone.At ngayon ay nagugulamihiman sya sa matagal tagal ng di pag-online ng estranghero ang huling mensahe nitong natanggap niya ay nun pang nkaraang buwan na ang laman ay parang problemado ang estranghero.Kaya naman nang pagpasok ng buwan ay nakabantay na ito sa messenger niya sa di niya Alam na dahilan at binabasa ang mga mensahe ng estranghero na niisa ay di niya rineplyan at di niya akaling mapapangiti siya ng mga ito at napapabulong sa hangin na sana ay mag-online na ito. Nagdilang Anghel nga sya nang kinaumagahan ay mag-online ito ngunit natapos na ang buong araw ay di siya nito man lang pinadalhan ng mensahe. At sa ganoong nangyari ay parang nagkaroon ng munting kirot sa puso niya na siyang kinagagalit niya sa sarili dahil wala siyang makitang dahilan para masaktan.
Kinaumagahan nagising siya sa pag-iingay ng cellphone niya.Nang buksan niya ito ay puro notification mula sa messenger ang laman at iisang tao lang ang nagpadala. At agad naman niyang binuksan ang mensahe.At nakitang galing ito sa estranghero at dun niya nalaman kung ano ang dahilan nito sa di pag-oonline ng matagal.Naaksidente raw ito,sumadsad raw ang motorsiklo nito sa isang poste sa lugar nila.Di naman natiis ng dalaga ang kumustahin ito na halatang ikinasaya ng estranghero at tinukso tukso pa ang dalaga na mukhang nakakascore na ito sa kanya, ikinataka naman niya kaya tinanong nito ang estranghero kung Ano ang ibig nitong sabihin. Nang sagutin ng estranghero ang tanong niya ay di niya napigilan ang pagkurba ng labi,ayon dito ay napakaganda niyang babaae sinumang lalake ay napakagago kung sasaktan lang siya, hayaan niya raw sanang maging siya ang Hindi gagong lalake na di kailanaman siya sasaktan.Pigil ang tiling nagtipa ang dalaga ng reply niya.Sa isip ng dalaga ay di naman siguro masama kung buksan niyang muli ang puso sa estrangherong ito mukhang mabait naman ito.
Mula ng manligaw ang binata sa dalaga ay napapadalas na ang pagchachat nila at nagtatawagan narin ang mga ito. Hanggang sa isang gabing kinakantahan ng binata ang dalaga ay napagpasyahan nilang magkita kinaumagahan,ito ang una nilang pagkikita kaya naman sobrang kaba ang nararamdaman ng dalaga.
Nang makarating sa pagkikitaang lugar ang dalaga ay bigla nalang may dumakma rito at hinila sa isang eskinita. Lalong dumoble ang kaba ng dalaga ng ipinasok siya nito sa isang may kalumaan ng bodega na napakadilim.Palinga-linga ang dalaga sa paligid ng maramdaman niyang binitawan siya ng humila sa kanya ngunit sadyang wala siyang makita.Nang bigla may bumulong sa tainga niya ng endearment nila ng nobyo na siyang nakapagpakilabot dito ng lubos at imbes na kiligin siya at hagilapin ang nobyo ay labis na takot ang naramdaman niya ng may marinig siyang iyak ng mga babae at nagmamakaawang pakawalan sila. Kahit takot ay tinatagan pa rin niya ang loob upang humakbang paalis sa kung sang lugar man siya naroon ngunit may bigla na lang nagtakip ng panyo sa may bandang ilong niya at unti-unti siyang nanghina hanggang sa kaiinin na siya ng kadilman.
Napamulagat ang dalaga nang marinig ang hikbi ng Ina.Sa mga araw na nagdaan mula ng magmahal siyang muli na ang dulot sa kanya ay pagkabaldado dahil sa pagtakas niya mula sa kamay ng minahal niyang nobyo at kasamahan nito kailanman ay di siya iniwan ng Ina na kanyang ipinagpapasalamat. Sa nangyaring yaon ay naging banta na sa dalaga ang pakikipag relasyon.