Trouble

41 0 0
                                    

"Wow captain, ang tinde mo.May ka live in ka na pala na di namin alam" kantyaw ng kasamahan niyang kulot.

"OMG,ibig sabihin,hindi na virgin si Alice?" what the...agad kong pinukulan ng masamang tingin si Sandy.Malalagot sakin tong babaeng to.

At itong ungas na to,mukhang natutuwa pa talaga.

"IKAW KULOT KA! PWEDENG ALAMIN MO MUNA ANG TOTOO!" bulalas ko sa kanya. TOTOONG NAKATIRA KAME SA ISANG BAHAY PERO HINDI IBIG SABIHIN NON NA MAY RELASYON KAME.! NAINTINDIHAN MO KULOT!

"ahu defensive much ka naman,nagbibiro nga lang eh" sagot naman nito

"Aba eh malamang,dignidad ko ang nakasalalay dito"

"bezy akala ko na talaga may ganun ganun na nangyaya-- ouch bez naman" reklamo ni Christine.Binatukan ko kasi

"at isa pa kayo ,kaibigan ko ba talaga kayo ha?" nakakaasar na talaga,buong araw ata masisira ang araw ko a.

"Bezy ipakilala mo naman kame sa kanila baka sakaling magkaroon ng love life." kahit kailan talaga,malandi parin itong si SAndy.

"Ahem, ahem" agaw pansin ng isa sa kasamahan ni Ungas. "Ako nga pala si Troy delos Santos" siya yung semi kalbo."Ako ang chickboy sa grupo." wow ha,pinagmalake pa talaga niya.

"Rain Vicente" Siya naman yung kulot.Hindi naman siya masyadong kulot.Sakto lang."Hindi ako baabero tulad ni Troy,habulin lang ako ng babae." pagmamayabang naman nito.Ang hangeeen typhoon Pepeng ikaw ba uli yan?

"Kapal ng make-up mo bro." basag sa kanya ni Troy.

"Ako naman si Jigs,Jigs Valdez" siya yong pinakamatangkad sa kanila. "Ako naman ang Center" Ha?anong center ang pinagsasabi nito.

"hahaha nakakatuwa naman kayo" natutuwang kumento ni Sandy

"Ahm sino naman yun?" tanong naman ni Christine habang tinuturo ang isa nilang kasama na nakasandal sa may bakod.Nakaheadset ito habang kinakalikot ang kanyang ipod.Napansin ko din na kanina pa iyon tahimik.Di ko pa ito narinig na nagsalita.

"Ah siya ba? Siya si Ryo Bautista.Siya naman ang pinakaseryoso at misteryoso sa aming barkada." mysterious eh?lumingon ako sa dereksyon nito at hmmm halata nga.Poker face lang ito at madilim ang aura nito pero sa kabila ng lahat,sumisigaw parin ang kagwapuhan nito.Agad akong nag-iwas ng tingin nang biglang tumingin sa dereksyon ko.

"Ako nga din pala si Sandy Gamboa"

"At ako naman si Christine Hererria,Tin nalang for short." Pagpapakilala naman ng dalawa.

NaO-OP na ata ako a.Kung tatanungin niyo naman si Ungas, andun sa isang tabi, nakahalukipkip,kunot ang noo.Halatang nababagot .Tama yan para may kasama ako.Hirap talaga pag may kasama kang malandi.

"Oh ano gusto niyo sumama?Para mas lalo pa natin makilala ang bawat isa?

"San ba tayo pupunta?"

"Kahit saan,kain tayo tapos mag arcade game o kahit ano"

Teka lang,nawawala ata ako sa usapan nila a.Anong kakain,anong arcade game?Lumipad lang ang isipan ko, kung saan saan na pala napupunta ang usapan nila.

"Oh sige,game kame jan" pagsang-ayon naman ni Sandy

"Hep hep.Teka ka lang,at saan naman kayo pupunta?" pigil ko sa kanila nang aakmang aalis na sila. "Mukhang nakalimutan niyo ako mga bestfriend", binigyan diin ko talaga ang salitang bestfriend.

From the beginning 'til the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon