Boyfriend

46 1 0
                                    

Alas tres na ng hapon nang makarating kame sa bahay.

Yup,iisa lang ang tinitirahan namin.

Kung iniisip niyong mag-asawa kame,jan kayo nagkakamali dahil hindi ako tipo niyang babae at mas lalo namang hindi siya ang tipo kong lalake.

Hmmm sabihin nalang natin na inampon nila ako when I was 5.Mahabang kwento but we'll talk about it later.

Papasok palang kame sa gate  nang sinalubong kame nina Tito Henry at Tita Soledad.Siyempre konting drama lalo na si Tita na walang tigil sa pag-iyak habang pinupupog ng halik si Peter. At etong Peter na to ang KJ.Pinagtatabuyan ba  naman si Tita dahil sa tinatawag pa daw siyang baby.Hindi man lang niya pinagbigyanbigyan si tita,syempre sa skype lang kasi sila nagkikita sa loob ng limang taon kaya ganyan makareact si tita.

"Kumusta ang New York iho?Mukhang hiyang ka don a.Akalain mo natalbugan mo ang kagwapuhan ko." biro ni tito.

Kasalukuyang nasa sala kame ngayon,syempre kapag may balikbayan may kwentuhan.

MInsan di mo talaga akalain na palabiro si tito dahil sa seryosong mukha nito which na namana ni Peter.Pero para kay Peter,hindi serious face daw ang sa kanya kundi yung tipong cool daw.

Ang daming alam talaga ng panget na to.

"Pa, you need to accept the reality,mas gwapo talaga ako sayo.Laos ka na kasi matanda ka na.And you have a lot of wrinkles." Bawi naman ni panget

Bastos talaga to.Bata pa si tito,nasa 35 lang siya at nasa 30 naman si tita.Kung tutuusin pwede pa silang gumawa ng kapatid ni panget eh.

"O my. Hon, I should  visit Dra. Belo." sagot ni tito at nagtawanan nalang kame

"Kayo mag-ama,walang talagang gustong sumuko sainyo." komento naman ni tita.

"Alice,sa tingin mo,sino mas gwapo sa amin ni Peter?" tanong ni tito sakin.

Teka lang bat ako nasali dito.

"Siyempre kayo po tito kasi kayo ang original,si Peter photocopy lang yan" sagot ko naman.

Malake lake ang allowance ko nito.bwahaha

"I knew it,wala ka talagang taste sa mga lalake." alam niyo na kung sinong nagsabi niyan.Epal talaga. "Ma,tell me about her boyfriend."

Eh?Waley naman akong boypren a.

"How does he look like?I'm sure he is no match to me." Dagdag pa nito.

Kunot noong napatingin ako kay tita na napatigil sa pag-inum niya sana ng juice.

"I didn't know you had a boyfriend  Alice." Pati si tito ay nagtataka na din.

Kelan ba ako nagkaboyfriend?Ni aso,pusa,langgam ipis nga ayaw akong ligawan.

Napatingin ako kay Peter. Nakakunot  ito na halatang naguguluhan at kay tita na namumutla at kapansin pansin ang numumuong pawis sa noo nito.

May hindi ba ako nalalaman dito?

Lahat kame naghihintay ng sagot mula kay tita.Sasabihin ko na sanang wala naman akong boypren pero natigilan ako dahil  sa pagtawa ni tita.

"Naku,echosera talaga kayong mag-ama.Wag niyo na nga kasing echosin si Alice.Kung ano-ano ang tinatanong niyo sa kanya.Tingnan niyo halatang kinakabahan na siya." Eh? Mukhang siya kaya ang kinakabahan."Ilabas mo na nga lang ang pasalubong mo samin Nickolai." Pag-iba nito ng usapan.

From the beginning 'til the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon