GAHOL NA KAMI SA ORAS. THESIS, RADIO DRAMA, THEATRE ... NAKISABAY PA ANG FILMFEST NG MGA ESTUDYANTE KAYA MAS LALONG NAGING HECTIC KAMING MGA GRADUATING MASS COMM. MEDYO NAWIWINDANG NA TALAGA KAMI LALO PA AT SASAMPU LANG KAMING NATIRANG ESTUDYANTE NG 4TH YEAR. ANG TANONG LANG KASI AY KUNG PAANO NAMIN HAHATIIN ANG BLOCK NAMIN PARA SA TEAM PROJECTS NA ITO. MABUTI SANA KUNG TULAD NOONG FIRST YEAR KAMI AT ABOT KAMI NG KWARENTA Y TRES NA ESTUDYANTE MALAMANG MAS MAPAPADALI ANG TRABAHO. HIRAP TALAGA PAG GRADUATING, PERO MAS MAHIRAP KUNG HINDI KA GA-GRADUATE.
ISANG LINGGO ANG GINUGOL NAMIN PARA MATAPOS ANG RADIO DRAMA NAMING PINAMAGATANG ASWANG. THE OTHER WEEK, THEATRE ACTING NAMIN NA HANGO SA THREE-CHARACTER SHORT STORY NA CADAVER. HABANG ONGOING PA RIN ANG AMING THESIS NA MAY PAMAGAT NA "EFFECTS OF HORROR FILMS ON COLEGIO DE DAGUPAN STUDENTS". SO OBVIOUSLY, MAHILIG KAMI SA GANITONG TEMA. DUMATING ANG ISA PANG PUYATAN SESSION NAMIN AT MYSTERY-THRILLER ANG NAPILI NAMIN PARA SA PLOT NG IE-ENTRY NAMING SHORT FILM PARA SA CDD FILMFEST. TAUNANG GAWI NA IYON PARA SA LAHAT NG DEPARTMENTS NG KOLEHIYO - PARANG MMFF - PAPANOORIN NG MARAMING ESTUDYANTE, MAY BENTAHAN NG TICKETS AT SAKA MAY AWARDING. PINURSIGE NAMING GALINGAN UPANG MAY MAGANDA RECALL ANG BATCH NAMIN.
NAKIUSAP KAMI SA ILAN NAMING PROFESSORS KUNG PUPWEDENG MAG-EXCUSE KAMI SA KANILANG KLASE UPANG MAKAPAG-SHOOTING KAMI NG KAHIT DALAWA O TATLONG ARAW. MAGILIW NAMAN SILANG TUMUGON SA AMING FORMAL LETTER KAYA GANUN NA LANG KAMI NA-EXCITE SA AMING SHORT FILM.
TEMA NG AMING ENTRY ANG MISTERYO NA KARANIWANG NAE-ENCOUNTER NG ISANG URBAN EXPLORER NA MAY MALA-FOUND FOOTAGE THRILLER ANG ATAKE. WALA PA KASING GUMAWA NITO SA TANA NG CDD FILMFEST. NAPAGDESISYUNAN RIN NA GAWIN NAMIN ITONG SILENT FILM O WALANG SCRIPT GAWA NG KULANG NA SA PANAHON. PANATAG KAMI SAPAGKAT TIYAK NA MAGALING ANG KAKLASE KONG GAGANAP NA BIHASA NA SA MGA THEATRE ACTING. SA MADALI'T SABI, LITERAL NA SHORT FILM ANG AMING ENTRY NA TATAKBO LANG NG 5 MINUTO. NAIPLANO LAMANG SA PROYEKTONG ITO ANG MADADALING ANGGULO NG CAMERA SINCE IISA LANG ANG GAGAMITIN NAMIN UPANG HINDI RIN KAKAIN NG ORAS SA VIDEO EDITING. SAMANTALANG PROP LANG ANG ISA PANG SONY HANDYCAM NG BARKADA KO - PROP DAHIL SIRA NAMAN ITO. ANG NAPAGKAYARIANG PLOT AY SIMPLE. PAPASOK SA EKSENA ANG BIDA, AARTE KUNWARI SIYANG MAY KINUKUNAN SA CAMERA NA MAY FACIAL EXPRESSION SAKA SA BANDANG HULI AY MAY MAKIKITA SIYANG ELEMENTO AT MABIBITIWAN ANG CAMERANG HAWAK. MAPAPATAKBO SIYA PALAYO AT MAY PUPULOT NG NABITAWANG CAMERA SA SAHIG. TITINGIN SA CAMERA ANG ELEMENTONG DUGUAN AT BAHALA NA SA EDITING - GANUN ANG MAGIGING TAKBO. HABANG NASA UV EXPRESS AY WALANG HUMPAY ANG AMING DISKUSYON UKOL SA PROYEKTO MAGING ANG PAGPA-PLANO AT PAGTO-TOKA NG TRABAHO UPANG MATAPOS ITO NANG MAS MAAGA PA SA INAASAHAN.
PAGDATING NAMIN MISMO SA DIPLOMAT HOTEL SA BAGUIO NG ALAS-DOS NG HAPON NA IYON AY AGAD NA KAMING NAG-SHOOT NG ILANG EKSENA. HABANG ABALA KAMI SA LOOB NG ABANDONADONG DIPLOMAT HOTEL AY SIGE NAMAN ANG PICTORIAL NG IBA KONG KAKLASE SA LABAS. NASA IKALIMANG SEQUENCE PA LANG KAMI SA IKALAWANG PALAPAG AY NADINIG NAMIN ANG SIGAWAN NG AMING MGA KAKLASE. DUMUNGAW AKO SA BUKAS NA BINTANA AT SINITA KO SILA SAPAGKAT NASAGAP NG KAMERA ANG KANILANG INGAY. SUMAGOT SI JOBELLE NG "OMG RICO HALIKAYO RITO MAY NAKUNAN SI ANGEL SA PHONE NIYA! KINIKILABUTAN AKO!". ITINIGIL NAMIN ANG SHOOTING PANSAMANTALA AT BUMABA KAMING LAHAT.
INUSISA KO ANG LITRATO AT PATI AKO AY NANGHILAKBOT SA IMAHENG NAKAPUTI AT TILA MAY MGA MALALAKING BEADS NA KWINTAS, NAKATAYO SA IKAAPAT NA BASAG NA BINTANANG SALAMIN. ZINOOM IN KO PA AT MAS NANGHILAKBOT ANG GRUPO SAPAGKAT NAREALIZE NAMING PARANG WALANG ULO ANG IMAHENG PUTI NA PINAGPALAGAY NAMING ISANG PARI. KINUNAN KO RIN ANG NATURANG BINTANA SA PAGBABAKA-SAKALING MAY MAHAGIP RIN AKO SA VIDEO AT TIYAK MAKAKADAGDAG PA SA PAG-ESTABLISH NG AMING TEMA NGUNIT HABANG PAPALAPIT AKO SA BINTANA AY NAGSISITAYUAN RIN ANG AKING BALAHIBO KAYA BINILISAN KO NANG GAWIN IYON.
GAMIT ANG WIFI AT LAPTOP NG ISA KO PANG KAKLASE AY SINEARCH NAMIN ANG HISTORY NG LUGAR. NAPANGANGA KAMI NANG AMING MALAMAN NA UNANG NAGING SANCTUARY IYON NG MGA PARING DOMINIKANO. PANAHON NG HAPON NANG PASLANGIN LAHAT NG NASA SANCTUARY; KABILANG ANG PAGGAHASA SA MGA MADRE AT PAGPUGOT SA ULO NG MGA PARING ANDUN. MAKALIPAS ANG PANAHON NG GYERA AY GINAWANG HOTEL ANG LUGAR NGUNIT NAABANDONA MATAPOS MAGING LUGAR NG KAHIHILAKBUTAN GAWA NG TILA NAGING PUGAD NG MGA PARANORMAL ENTITIES.
BUMALIK KAMI SA ABANDONADONG DIPLOMAT HOTEL NANG BANDANG ALAS-SYETE NG GABI AT DOO'Y NAKAUSAP NAMIN ANG GUARD. KWINENTUHAN NIYA KAMI UKOL SA MGA APARISYON NG ITIM NA MADRE, MGA TINIG NG UMIIYAK NA BABAE NA PARANG HUMIHINGI NG TULONG AT PARING PUGOT. NAPA-HALA SI KUYANG GUARD NANG AMING IPAKITA ANG KUHANG LARAWAN NG AMING KAKLASE AT SINABI NA LANG NIYANG "NAKU INGAT KAYO LALO AT GABI, MALAKAS SILANG MAGPARAMDAM SA DILIM, NG GANITONG ORAS."DAGDAG PA NIYA, "BURAHIN NINYO AGAD IYONG MGA NAKUKUNAN NIYO RITO LALO YUNG MGA ELEMENTONG SUMASAMA SA PICTURE O NAHAGIP NG VIDEO NYO PARA HINDI KAYO SUNDAN."
DAHIL SA MGA NALAMAN NAMIN NAPAGDESISYUNA NAMING MAG-ALAY NG DASAL KASABAY NG PAGHINGI NG PERMISO SA MGA HINDI NAMIN NAKIKITANG. NAGTIRIK PA KAMI NG KANDILA UPANG DI KAMI GAMBALAIN NG MGA NANINIRAHAN SA LUGAR AT NANG MATAPOS NAMIN ANG SHOOT.
ITUTULOY ...
TRUE HORROR STORY WRITTEN BY RICO PANTALEON (True Creepy Experience)
STORY EDITED BY NELDA ENRIQUE of PLAKADO Prodaxons (for HILAKBOT TV)
NARRATED BY RED
BINABASA MO ANG
HAUNTINGS IN OLD DIPLOMAT HOTEL (A True Creepy Experience)
Mystery / ThrillerANO ANG MISTERYONG NANGYARI SA ISANG GRUPO NG MASS COMMUNICATION STUDENTS NA PUMASOK SA LUMANG DIPLOMAT HOTEL SA BAGUIO CITY? ALAMIN SA ISTORYANG MAY PATOTOO MULA SA ISANG SENDER.