HAUNTINGS IN OLD DIPLOMAT HOTEL (PART TWO)

67 2 0
                                    


PUMASOK MULI KAMI. MADILIM. BINUKSAN NG MGA KASAMA KO ANG MGA FLASHLIGHT. RAMDAM NAMIN ANG LAMIG SA LUGAR DAHIL FOGGY. DAHAN-DAHAN, UNTI-UNTI KAMING LUMALAKAD PATUNGO SA AMING KINAROROONAN KANINA SA IKALAWANG PALAPAG. SOBRANG TAHIMIK NG LUGAR AT TOTOONG CREEPY. INILAWAN KO GAMIT ANG FLASHLIGHT NG AKING CELLPHONE ANG LIKURANG BAHAGI NAMIN. NADIDINIG KO KASI ANG ANIMO'Y TUYONG MGA DAHON NA NAIIHIPAN NG HANGIN NA PARANG SUMUSUNOD SA KUNG SAAN KAMI ANDUN. ISA PA, WALA NAMANG HANGIN NG ORAS NA IYON.

NAGLALABAN YUNG PAKIRAMDAM KO NA PARANG KABADO AT PARANOID DAHIL SA KWENTONG KABABALAGHAN KANINA NA AYAW KONG PANIWALAAN HANGGA'T HINDI AKO ANG MISMONG NAKAKARANAS.

WALANG IMIKAN ANG GRUPO HANGGA'T MARATING NAMIN ANG BUKANA NG HAGDANAN PATUNGONG IKALAWANG PALAPAG. WARI'Y BIGLA AKONG HININGAL BAGO PA MAN MAKATAPAK SA UNANG BAITANG ANG AKING PAA. IBINULONG KO ITO SA AKING KATABI NA SI NATO. TUGON NIYA, "AKALA KO AKO LANG, PATI PALA IKAW? PARA RIN AKONG NAGHAHABOL NG HININGA". SABI KO NA LANG, "DI BALE, TAPUSIN NA LANG NATIN ITO AT NANG MAKAUWI TAYO AGAD SA TRANSIENT HOUSE. SAYANG KUNG HINDI NATIN MASULIT ANG RENTA". 

ILANG SEGUNDO PA AY NARATING NAMIN ANG DATING SPOT SA SECOND FLOOR NG ABANDONADONG HOTEL. IPINAGPATULOY NAMIN ANG SHOOTING NANG BIGLANG NAGSALITA SI JOAN – ANG GAGANAP NA ELEMENTO. MANGIYAK-NGIYAK NA SINABI NIYA NANG MAY KONTING PANG-ALINGAWNGAW ANG BOSES SA HALLWAY NA NATATAKOT SIYA AT GUSTONG MAG-BACKOUT SA GAGAMPANANG CHARACTER. NAPATIGIL AKO AT ANG BUONG GRUPO PARA I-CHEER UP SI JOAN. NASA GITNA KAMI NG HALLWAY NG SANDALING IYON. KALMADO KONG SINABI NA WALA AKONG NAKIKITANG DAHILAN PARA URUNGAN NIYA ANG ISANG NAPAKAGAAN NA ROLE. AYON NAMAN SA KANYA, NATATAKOT SIYA AT BAKA SAPIAN SIYA O SUNDAN SIYA NG MASAMANG ELEMENTO PAGBABA NG BAGUIO. NAPANGISI AKO SA DAHILANG IYON NI JOAN. HINAWAKAN KO ANG KANYANG KANANG BALIKAT SABAY SABING, "DI BA GUSTO NATING LAHAT GRUMADUATE? TATLONG ARAW LANG ANG BUBUNUIN NATIN DITO KASAMA NG EDITING NG ENTRY NATIN. SAKA NAKAPLANO NA ITO, ANG GAGAWIN MO LANG AY KUKUNIN ANG KAMERANG NASA SAHIG, TITINGIN KA KUNWARI DOON AT NGINGITI, O ANONG MAHIRAP? KAYA ANG HINIHINGI KO LANG AY KOOPERASYON." TUMANGO AT SUMANG-AYON ANG KARAMIHAN. SASAGOT PA SANA SI JOAN NGUNIT NAPATIGIL KAMING LAHAT DAHIL MAY BIGLANG ... SUMUTSOT SA AMIN. MAY KALAKASAN IYON KAYA UMALINGAWNGAW SA BUONG KULOB NA SECOND FLOOR. 

NANGHILAKBOT ANG MGA BABAE KONG KAKLASE AT HALOS MAGKUMPOLAN KAMI SA GITNA DAHIL DOON. HINIKAYAT KO SILANG MANAHIMIK AT DEDMAHIN NA LANG ITO. SINIMULAN KONG I-FILM ANG NANGYAYARI SA AMIN. INISIP KONG MAS MABUTI ITO BAKA MA-CAPTURE KO NAMAN SA HANDYCAM ANG KABABALAGHAN NA IYON. WALA PANG ISANG MINUTO AY MULI KAMING NAKADINIG NG ANIMO'Y SIGAW MULA SA ITAAS. YUNG SIGAW NA WARI'Y NAHULOG MULA SA ISANG MATAAS NA PALAPAG. DITO'Y NAGPULASAN AT NAGKANYA-KANYANG TAKBO PABABA ANG BUONG GRUPO HABANG NAGSISISIGAW SA HILAKBOT.

PATULOY NA NAGRO-ROLL ANG CAMERA KO HABANG NAGBABABAAN KAMI AT HALOS MAGKANDA-DAPAAN SA PAG-UUNAHAN PALABAS. MISTULANG NAKUNAN KO NA RIN ANG GUSTO KONG ILABAS SA HULING SEQUENCE NG AMING SHORT FILM. GANUN NA GANUN ANG EKSENA. NASA LABAS NA ANG LAHAT NANG NILAPITAN KAMI NG GUARD. TINANONG NIYA KUNG ANONG NANGYARI SAPAGKAT KITANG-KITA NIYA ANG TAKOT SA AMING MGA BABAENG KAKLASE HABANG ANG ILAN SA AMIN AY PAWIS NA PAWIS KAHIT NAPAKALAMIG. HABANG HINIHINGAL AY ISINALAYSAY NAMIN ANG NAGANAP. PINAYUHAN KAMI NI MANONG GUARD NA MAS MAINAM KUNG BUMALIK NA LANG KAMI BUKAS AT BAKA KUNG ANO PA DAW ANG MANGYARI SA AMIN DOON, SAGUTIN PA NIYA KAMING LAHAT.

DALA PA RIN NG LAHAT ANG TAKOT AT IYON ANG TOPIC NG BUONG GRUPO SA HALOS PA-MORNINGAN NAMING KWENTUHAN. NAALALA KONG SILIPIN ANG FOOTAGE NAMIN SA HANDYCAM AT PINANOOD NAMIN SA LAPTOP. LAKING HILAKBOT NAMIN NANG AMING MATUKLASAN NA TILA MAY NAKUNAN AKONG IMAHE SA ISANG SILID DOON. ILANG BESES NAMING INULIT ANG EKSENANG IYON. NAGHIYAWAN SABAY-SABAY ANG MGA KAKLASE KONG BABAE HABANG ANG IBA NAMA'Y NAPATAKIP NG UNAN DAHIL SOBRANG NAKAKAPANG-HILAKBOT ANG IMAHENG NAHAGIP NG HANDYCAM. INI-SLOW MOTION PA NAMIN GAMIT ANG PREMIERE AT IN-ADJUST KO PA ANG COLOR CORRECTOR AT EXPOSURE SA SOFTWARE UPANG MAANINAG ANG IMAHE. KAHIT PIXELATED AT MEDYO BLURRED AY NAKITA NAMING PARA ITONG MADRE NA NAKATAYO SA PINTO NA MALAPIT SA HAGDAN. MAHAHALATA MO KASI AGAD ANG BELO NITO NGUNIT PARANG NALUSAW ANG MUKHA KAYA HINDI MALINAW. KINILABUTAN AKO, MASKI ANG BUO KONG GRUPO DAHIL KAPANSIN-PANSIN NA PARANG UMILAW ANG MATA NITO SA GITNA NG PAGIGING BLURRED NG MUKHA NITO. INIHALINTULAD KO PA NGA IYON SA PAG-REFLECT NG ILAW SA MGA MATA NG PUSA AT ASO SA TUWING NATATAMAAN ITO NG ANUMANG LIWANAG. IN-STILL IMAGE KO ANG BAHAGING IYON SAKA IN-SCREENSHOT. NAISIP KONG IUPLOAD ITO SA FACEBOOK PERO SA KASAMAANG PALAD, ANG HINA NG SAGAP NG WIFI KAYA MINABUTI KO NG IHIGA ANG PAGOD KO. 

KAHIT NAKAHIGA AY NASA ISIP KO PA RIN ANG MGA NAKUNAN NAMIN SA DIPLOMAT. HABANG NAKAHIGA AY TULOY PA RIN ANG PAHINA NANG PAHINANG KWENTUHAN HANGGANG SA MAPANSIN KONG MAG-A-ALAS TRES NA IYON NG MADALING ARAW. SA PAKIWARI KO NGA AY AKO ANG PINAKAHULING NAKATULOG SA GRUPO. 



ITUTULOY ... 



TRUE HORROR STORY WRITTEN BY RICO PANTALEON (True Creepy Experience)

STORY EDITED BY NELDA ENRIQUE of PLAKADO Prodaxons (for HILAKBOT TV)

NARRATED BY RED


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HAUNTINGS IN OLD DIPLOMAT HOTEL (A True Creepy Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon