Mhae's POVAteeeeeee! Gising na male-late ka na naman. Mamaya andyan na yung kasabay mo nakahilata ka pa, iintayin ka na naman. Grade 11 ka na ang ambagal mo pa din. sigaw ni gelay
Oh diba? Ang galing ng alarm clock ko? Hays! Bunganga talaga ng Kapatid ko
Bumangon na kagad ako naligo. Whooaah! Lamig ng tubig. After 1 hour nakabihis nako. Kumain lang ako sandali at lumabas na. Sakto namang dumating si Shyra.
Oh Mhae! Himala ah hindi nako naghintay ng matagal. Infairness! Nag-iimprove ka. Bongga!! Hahahaha. Bungad nito sakenTss! Pano ba naman ako di mapapaaga neto! Kaaga-aga nagpapaka alarm clock yung magaling kong kapatid.
Ang aga aga naka kunot na naman yang noo mo. Tsk! Tara na nga. Mas malayo na ngayon ang school naten baka ma traffic pa tayo.
Osige tara na bago pa ako mabadtrip.
Tara! Ahmmp. Ninang alis na po kami. Paalam nito kay mama sabay hila saken.
Sige. Ingat kayo. Uwi agad pagkaawas. Wala munang gala. mama
Oo na po.
.
Naglalakad kami ngayon palabas ng village dahil malapit lang naman bago kami sumakay para mag commute papunta sa school ng mapadaan kami sa dating naming school. Transferee kasi kami at karamihan sa mga kaibigan ko dun pa rin sila pumapasok this school year.
Tama ng silay mo dyan! Uso magmove on neng! Haist.
Eh wala naman akong sinisilayan dyan e. Napatingin lang ako.