Third: Jake and Bea

3 1 0
                                    

-Author's POV-

Dahil sa sobrang sama ng loob ni Bea noong nakaraang gabi ay nakatulog ito na hindi nakapaghapunan. Panay ang pagsilip ng kanyang ina kay Bea, sinisiguradong maayos ang kanyang pulso dahil nakatulog ito na masama ang loob. Kinaumagahan ay nagluto ito ng almusal para sa kanyang mag - ama lalo na kay Bea.

"Hey. Ang aga mo atang nagising." Dumating ang ama ni Bea sa kusina at naabutang abala ang asawa.

"Yes, I have to prepare breakfast."

"About kay Bea yesterday..."

"Michael, it's okay. Naiitindihan ko siya. Kailangan kong bumawi sa anak natin."

"I can talk to her if you want me to."

"You don't have to. It's between us."

"Okay." He nodded. "Okay."

"Ako na gigising kay Bea."

"Okay." He smiled. He loved the thought that his wife is preparing breakfast not for him but for their daughter.

Hanggang ngayon ay natutulog pa si Bea ngunit ilang minuto lang ay nagising ito nang tumunog at nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nakatanggap ito ng text message. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at inabot ang cellphone para basahin ang mensahe.

Jake:

Hey. Can we talk?

Binasa ni Bea ng paulit-ulit ang mensahe at ngumiti. Nagpasya itong mag-reply.

Bea:

Okay.

Pagkatapos niyang mag-reply ay napatulala ito ng ilang saglit para alalahanin ang nangyari kagabi.

"Hindi pala yun panaginip." Wika niya.

Maya-maya ay nag-vibrate ang kanyang cellphone.

Jake:

I'll fetch you later.

Ngumiti ito. Saktong pagbangon niya mula sa kanyang higaan ay kumatok ang kanyang ina.

"Come in." She saw her mom entered. She avoided having eye contact with her.

"Gising ka na pala. Come down, nagluto ako ng breakfast. Your Dad is waiting." Nagdadalawang isip ang kanyang ina kung ngingiti ba ito ng sobra o hindi.

"Okay." She answered still avoiding eye contact with her mom.

"Let's go?"

Sabay na lumabas ng kwarto si Bea at ang kanyang ina. Nakasunod lang si Bea sa likod ng kanyang ina. Naninibago sa nangyayari ngayong umaga.

"Good morning, Bea."

"Good morning, Dad."

"Upo ka na, anak." Her mother said and Bea obeyed.

Kinuha ng kanyang ina ang plato ni Bea para lagyan ng pagkain. "Mom, ako na."

"No, let me." This time they had an eye contact. Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ito ng hiya sa kanyang ina.

"Are you okay now?" Her dad suddenly asked.

Bea is aware that her dad knew what happened yesterday. "Yes, dad." She replied.

Umupo na rin ang kanyang ina para kumain. Sekretong ngumingiti ang ama ni Bea dahil sa kanyang nakikita.

"Anak.." Her mother called.

Tumingin si Bea sa ina.

"I'm so sorry." She said with her deepest sincerity.

Bea didn't reply. She was silent.

FATE NOT DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon