SML - 2

28 1 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!

Summer Love Chapter- 2

ELLA POV

LUNES NG UMAGA maaga akong nagising at nag mamadaling mag ayos ng sarili at ng aking mga dadalhin mamaya pag alis ko. kahapon lang kami nakarating dito sa beach house namin sa laguna, sabagay tama si Mama na dapat mag enjoy ako ngayon summer. kada summer break kasi lagi kami nag pupunta dito ay nag s-stay ng tatlong buwan at uuwi bago mag pasukan. ng matapos na ako mag ayos ay dali naman ako bumaba ng hagdan dala ang bag pack ko. nakita ako nila Mama at Eula na parehong nag tataka kung bakit ganito ang ayos ko na sa may sala sila at nag aayos ng gamit na pa tigil lang silang pareho ng makita ako.

"Ma! aalis muna ako." pag papaalam ko. mag lalakad na sana ako papunta sa pintuan para lumabas ng biglang humarang si Mama at tinaas yung dalawang brasio nya, parang pahiwatig na bawal lumabas.

"Ma."

"Aber? Saan ka naman pupunta, Ella? sa pag kakaalam ko ay ayaw mo lumalabas ng bahay?" sabi ni mama saakin. "Ano na kain mo at lalabas ka? o baka naman naisipan mong umuwi ng Manila dahil ayaw mo rito?"

"Oo nga ate saan ang lakad mo ngayon at may dala ka pang bag pack?" singit naman ni Eula at nag lakad sa tabi ni Mama. ngayon parehas na silang naka harang sa pintuan.

na pa tingin ako sa wrist watch ko.

8:30 am na!

naku baka andun na sya!

"dyan lang sa may tabing dagat! mag gagala lang ako, wag kayong mag alala di ako uuwi ng Manila, takot ko lang sainyo. kaya tumabi na kayo dyan!" sabi ko at hinawakan si Mama sa wrist nya at pinipilit na umalis doon."Ma naman! sige na alis na!"

"A.YO.KO.!" sabay ngisi ni Mama.

"MAMA NAMAN EH!" na iinis na talaga ako!

"sabihin mo muna ate saan ka talaga pupunta? ang ayos-ayos mo kasi, may pinopormahan ka ba dito sa lugar?"

"WALA! kaya umalis na kayo dyan, please Mama." nag mamakaawa na ako.

na pa buntong hininga naman si Mama.

"oh ayan." sabay umurong sya."wag kang mag papa gabi Ella kung saan mo gusto gumala."

"Opo Mama! byebye na!" at binuksan ko na ang pintuan at lumabas.

Pag ka labas ko ay lakad takbo ang ginawa ko para pumunta doon sa beach kung saan kami unang nag kita. may ngiti saaking labi na hindi ko maintindihan kung bakit excited ako na makita ulit sya, siguro kasi ngayon lang ako naka kilala ng isang lalake na malapit lang dito sa beach house namin. mabilis naman ako nakarating sa beach aba! andoon na sya agad at na sa tabi nya si Axie yung alaga nyang aso na dumamba saakin kahapon na akala nya na pinsan ako nung amo nya. tumakbo na ako papalapit sakanya at ng maka lapit na ako ay tumingala sya at ngumiti saakin.

"Akala ko hindi ka darating." sabi nya at sumenyas saakin na maupo sa tabi nya kaya naman sumunod ako at tumabi sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon