Prologue
SA Sitio Malabo dalawang bagay lang ang aking pagkakakilanlan—ang babaeng masarap ang bibingka, at ang babaeng hipon. Alam n’yo ba ang hipon? Ang sukat ng katawan ko ay 36-24-35, pang Bb. Pilipinas ang tangkad ko, at sinasabi ng lahat na ang legs ko ay parang walang hanggan. At ang mukha ko? Never mind. Pag-usapan na lang natin ang katawan ko nang wala tayong problema. Sampid ako sa tahanan ni Ka Botsok, ang maimpluwensiyang lider ng Sitio Malabo na hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung bakit tunog foreigner ang apelyido. May unico hijo si Ka Botsok—si Christian Green, ang nag-iisang tagapagmana ng buong yaman ng Sitio na na-corrupt ng ama niya, ang super guwapong pantasya ng buong populasyon ng babae sa Sitio, ang super machong pinagnanasaan ng lahat ng nakapalda at lalaking gustong mag-palda sa Sitio. Pero sa kung ano’ng dahilan, hindi interesado si Christian sa kahit sa pinakamagandang babae sa Sitio—ako ang pantasya niya—este, ang bibingka ko. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng sulok ng Sitio ay sinusundan niya ako habang naglalako ako ng bibingka. Stalker lang ang peg niya, ang pakay lang ay isang hiwa ng bibingka na libre at okay na siya.
Sumidhi ng sumidhi ang tila obsession ni Christian sa bibingka ko. Umabot iyon sa tagpong pinilit na niya akong tumuloy sa tahanan nila para sa araw-araw niyang supply ng bibingka. Pumayag ako para makaiwas sa mga baliw na taga-Sitio na pangarap tikman ang alindog ko. Bibingka ang inilalako ko, hindi ang virginity ko, mga tinamaan sila ng putik!
Pero isang takipsilim ay kinidnap ako ni Christian mula sa kuwarto ko sa bahay nila. Itinali niya ako sa isang mayabong na puno sa likod bahay. May gagawin daw siya sa akin at hindi ko siya puwedeng hawakan. Sorry daw na kailangan niya akong itali, hindi naman daw niya hihigpitan ng sobra.
Kinidnap pala niya ako para nakawan ng halik sa no-kiss-since-birth na lips ko. Malupit pala siya—beinte kuwatro oras niya akong balak i-torrid kiss nang wala akong kalaban-laban. Kumusta naman ‘yon?
Ngunit may hindi alam si Christian—ang lihim ng tunay kong pinanggalingan. Na nananalaytay sa dugo ko ang dugo ng isang makapangyarihang Babaylan noong 1700s. At ang paghalik sa akin ay may kaakibat na parusa. Sa ikatlong beses na torrid kiss niya sa akin, nakalag ang tali ko at bumuka ang lupa. Isang animo ay ipu-ipo ang umangat mula sa ilalim ng lupa, hinigop ako ng ipu-ipong iyon pailalim, at tinangay ng ipu-ipo maging si Christian!
Mahaba ang naging paglalakbay namin pailalim. At nang sa wakas ay pakawalan kami ng lakas ng ipu-ipo, nasa ibang mundo na kami. Sa Kaharian ng Amora Desir—ang mahiwagang mundo ng pag-ibig at pagnanasa. Sa mundong iyon daw ay ako ang prinsesa sa propesiya, ang birhen mula sa ibang mundo na nakatakdang kabiyak ng isa sa labing-dalawang prinsipe. At sa loob ng isang taon ay kailangan kong matukoy kung sino sa mga prinsipe ang totoo ang pagmamahal sa akin, kung hindi ay mamamatay ako at guguho ang buong kaharian. Bakit? Aba! Malay ko sa manghuhula sa kaharian nila. Baka tsumatsamba lang ng propesiya ang isang iyon!
At ang mas nakakawindang na hiwaga, ang isang taon nila ay katapat lang ng beinte kuwatro oras sa mundo ko. Beinte kuwatro oras na paglalakbay sa daigdig ng pag-ibig at pagnanasa? Hindi yata kaya ng powers ko. Masyadong maikli, sabi ng impaktita sa loob ko.
At nang masilayan ko ang makisig na katawan ng mga prinsipeng isa-isa kong matitikman—ibig kong sabihin, makakasama pala sa ‘kontrata ng puso’ ay gusto ko nang kalimutan na lang ang pagpabalik sa mundo ko.
Unti-unting humarap sa akin ang labing-dalawang prinsipe. Nayanig ang mundo ko sa aking nakita…taglay nila ang iisang mukha—ang mukha ni Christian Green!
Beinte kuwatro oras ng hiwagang walang katulad, ng misteryong nakakaloko, ng pagnanasang nakakatawa, at ng pag-ibig na tanging totoo sa paglalakbay na ito. Pag-ibig na siyang sasagip sa amin ni Christian sa huwad na kaligayahang nakakabaliw…
Wish ko lang, kung hindi man ako makauwi ng virgin sa mundo ko ay makauwi ako ng buhay!
Ito ang aking paglalakbay.
Ako si Chandascia, at ito ang aking nakakataas ng kilay na kuwento…
Published by: LIB Printing Corp.
GRAB A COPY NOW!
BINABASA MO ANG
24 Oras 1: Chandascia, ang Babaeng Hipon (Published)
HumorIto ang kuwento ni Chandascia Bacal o mas kilala bilang Chaka, ang babaeng may pinakamasarap na bibingka sa Sitio Malabo, ang babaeng pinagnasaan ng mga prinsipe sa Amora Desir, at ang nag-iisang babaeng pantasya ni Christian Green! Ambisyosang pala...