Reunited Faith
(Temporary Title)By: Annika26
Nasa registration area si Wendy nagpi-fill up ng application form para makapg enroll na dahil last day na, busy kase siya kaya ngayon lang siya nakapunta buti na lang sinabihan siya ng best friend niyang si harry na last day na today kung hindi mawawala yung scholarship na inapply niya. Nag apply kase siyang computer attendant sa UP Town Center taga bigay ng oras sa mag cocomputer na studyante.
"Miss ito na po, thank you," sabi ni wendy pagka abot niya ng application form kasabay ng mga requirements niya. Pagkatapos niyang magpasa ng form ay lumabas na siya. Kinuha niya ang cellphone sa bag niya at tinext si Harry
"Bek, san ka?," tanong ni Wendy
"dito po ako sa basketball court," sagot ni Harry
"Ano naman ginagawa mo diyan?" tanong ni Wendy
"Inaantay ko yung pinsan ko sabay daw kame magpunta sa registration para makapagenroll, ikaw?" tanong ni Harry
"Kakatapos ko lang mag enroll, kakagaling ko lang dun," sagot ni Wendy
"Ay, ang daya!? diba sabi ko sabay tayo?" nagtatampong sabi ni Harry
"ang tagal mo kasing dumating eh, kanina pa kaya kita hinihintay," sabi ni Wendy. Hindi napansin ni wendy na may taong tumatakbo patungo sa kanya dahil abala siya sa pakikipagtext
"Miss Tabi!" sigaw ng lalaking tumatakbo. Huli na dahil parehas na silang nagkabungguan
"Aw, masakit?!" napahiga si wendy nang siya'y mabunggo. Yung lalaki naman ay nadapa. Naunang tumayo ang lalaki nagpapagpag ng dumi sa kamay
"Sorry, nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ng lalaki at tinulungan siyang umupo
"Ok lang, konting galos lang," sabi ni Wendy
"sorry talaga nagmamadali kase ako eh, may hinahabol kase akong oras," sabi ng lalaki
"Ok lang talaga, medyo hindi din kase ako tumitingin sa daan ko kanina may katext kase ako, sorry din," sabi ni Wendy
"Sige mauuna na ako," nakangiting paalam ng lalaki
"Sige." tumayo na si Wendy at nagpagpag ng mga dumi sa damit at pantalon niya at kinuha ang bag at cellphone niya sa sahig
"Tsk.. tsk.. guwapo sana," sabi ni wendy at naghanap ng cr para mahugasan ang madumi niyang kamay
Nagmamadaling magpunta sa Basketball Court si Kurt
"Sorry po coach," nahihiyang sabi ni kurt
"Pang ilang late mo na ito Villanueva?" tanong ni coach Peter"Sorry po talaga coach, traffic po kase eh," sabi ni kurt at napakamot sa ulo
"Kung traffic, sana umalis ka ng maaga para hindi ka na-late," sagot ni coach Peter.
Inilagay ni kurt ang bag niya sa bench at narinig niyang may tumatawag sa kanya"Migs," tawag ni Harry kay Kurt Miguel
"Anong nagyari sayo? Kanina pa kita hinihintay, sabi mo sabay tayong magpapa-enroll?! Tapos na magpaenroll si Wendy," sabi ni Harry
"Sorry na, na-late kase ako ng gising eh," sagot ni Kurt Miguel
"na-late ng gising?" tudyo ni Harry kay Kurt "sa babae or sa computer games?" tanong ni Harry
"Pareho!" natatawang sabi ni Kurt
"Loko loko ka talaga, kahit kailan hindi mo sineseryoso sinasabi ko," nagtatampong sabi ni Kurt
"Sorry na, pagkatapos ng praktis game sasama na akong magpa-enroll," sagot ni Kurt
"Hindi, bago mag-start ang praktis niyo kailangan masulatan mo lahat pero hindi na tayo pupunta sa registration pinakuha ko na si wendy ng form para sa ating dalawa dito naten sasagutan," sagot ni Harry