I Hate You Cancer

5 2 0
                                    

I Hate You Cancer
By: Annika26

Nakakailang lapse na si myra pero feeling niya mabagal pa din siya, huminto muna siya saglit at huminga ng malalim at bumalik sa dating puwesto niya. Huminto siya sa tapat ng hawakang bakal ng swimming pool at umakyat.

"Myra," tawag sa kanya ng coach niya at lumingon siya

"Lalo kang bumabagal sa paglangoy? 1:55.34 lang yan ginawa mo. Ano bang nangyayari sayo? Kung ganyan palagi ang training mo, hindi ka makakapasok sa competition, diba pangarap mong lumaban sa Olympics," dismayadong sabi ng coach niya si cynthia.

"Sorry coach, bawi na lang ako next time." sagot ni myra. Kinuha ni myra ang tuwaya sa loob ng bag na nakapatong sa upuan at nagpunas, hinubad niya ang suot suot niyang goggles.

"Magpahinga ka na, next time na lang ulit, aalis na ko." sabi ni coach cynthia

"Sige po coach," sagot ni myra. Umupo si myra para makapag pahinga, dahil hingal na hingal siya kinuha niya ang tubig sa loob ng bag niya at uminom para mawala ang hingal niya siguro kulang lang siya sa tubig sa katawan para kasing mauubusan siya ng oxygen. Nang medyo ok na ang paghinga niya tumayo siya at nag-strecthing ginalaw galaw niya ang ulo niya counter clockwise at pabalik, sunod ang dalawang balikat kaliwa, kanan counter clockwise at pabalik, sunod ang balakang counter clockwise at pabalik, ang wrist niya kaliwa at kanan counter clockwise at pabalik, sunod ang dalawang paa niya kaliwa, kanan counter clockwise at pabalik. Although nag-strecthing naman siya kanina bago lumusong sa tubig, ang aga ko kase dito after ko mag almusal

"Myra tapos ka na gumamit ng pool?" tanong ni daisy isa sa mga kaibigan niya sa loob ng subdivision.

"Oo, kakatapos ko lang," sagot ni myra. Habang sinashampoo ang buhok

"Sige kame naman, kumusta naman training mo kay coach?" tanong ni daisy.

"Hindi okay, lalo daw akong bumagal," sagot ni myra

"Huh? Bakit naman?" sabi ni daisy

"Hindi ko alam, pero hinihinggal ako" sabi ni myra

"Magpahinga ka kase, pinapagod mo sarili mo niyan eh" sabi ni daisy

"Yes, mother." natatawang sabi ni myra

"hehehe, baliw ka talaga nakukuha mo pa talagang magbiro, seryoso ako pag palagi kang ganyan magkakasakit ka," nag-aalalang sabi ni daisy.

"ok, sabi mo eh." sagot ni myra habang nagsasabon ng katawan.

"Sige alis na ko punta ka na lang pool pag tapos ka na ah." sabi ni daisy at umalis na.

Ang best friend niyang si daisy, bestfriend niya mula pagkabata isa sa mga pumilit sa kanya na sumali sa competition kaya pinilit din siyang mag try outs, nung mga bata pa kase sila sa swimming pool na sila naglalaro, karerahan sila kung sino ang mauuna, lagi silang natatalo pag ako ang kasali. Kasali din siya sa competition, ako lang may special lesson kay coach cynthia dahil malapit na ang competition ilang buwan nalang.

"Girl, ang putla na ng itsura mo mag ayos ka na baka mamaya makita mo si tophe ma-dissappoint pa sayo." kumuha siya ng lipstick at pinahid sa mga labi niya naglagay siya ng blush on sa pisngi para hindi halatang maputla siya. ikaw ba naman na mag swimming ng 3 hours pagkatapos mag almusal, mas nauna ka pa sa coach mong dumating sa clubhouse hindi ka ba matataranta.

Kumaway siya sa mga kaibigan niya ng makita siyang paparating umupo siya sa upuan kung saan ang pwesto niya kanina.

"Hi, babygirl," sabi ni tophe. kumunot ang dalawang kilay niya at tumingin kay tophe pero sa totoo lang kinikilig siya pag sinasabihan siya ni tophe nang 'babygirl' kase since childhood crush ko na siya, i was 9 years old.

Penmasters League ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon