Chapter 14

206 4 0
                                    

So nandito lang ako sa bahay ng team and wala lang nakatunganga lang kami.

Bigla namang may nagtext sakin. Sino kaya yun?

Fr: Coachhh
Phia free ka ba ngayon?

'Why po coach?'

Fr: Coachhh
Kasi gusto ko sanang magbigay ka ng message dun sa mga junior high school na handle ko dito. Pwede ka ba ngayon? May liga kasi sila bukas. Baka sakaling mainspire sila sayo.

'Uhm... Sige po coach magbibihis lang po ako.:

Fr: Coachhh
Okay sige magiingat ka ah!

Hindi naman na ako nagreply sa kanya dahil nagready na ako.

After ko namang magbihis I'm ready to go naman na and nakabook na ako ng sasakyan ko.

"Oh san ka pupunta?" Mira asked.

"May pupuntahan lang ako! Niyaya kasi ako ni coach." Sabi ko.

"For what?" Sabi naman ni Nicole.

"Pinagsasalita nya ako sa mga handle nyang junior high. Bukas na daw kasi yung liga nila. Saka tutulungan ko daw sya na itrain sila foe today." Sabi ko naman.

"Nako iba na talaga kapag MVP saka Kapitana noh?" Roshan teased.

"Loko kayo! Sige na aalis na ako! Nanjan na yung binook ko eh." Sabi ko naman.

"Wala si Ricci?" Mikha asked.

"Wala eh. Busy ata. Sige na bye na! See you later na lang!" Sabi ko naman then went out na sa bahay.

Nagtext naman ako kay Cci kasi baka hanapin nya ako. Para alam nya din kung saan ako pupuntahan pag di ba namimiss nya ko. Charing!😂

'Love ko. I'm on my way dun sa school na pinagcocoachan ni Coach ah! Pinapunta nya kasi ako dun para kausapin yung mga athletes nya. Saka para turuan na din sila. Busy ka ba ngayon?'

Fr: My Love💗
Hindi naman love! Magiingat ka ah! Send mo sakin yung location ng school para susunod ako sayo mamaya.

'Sige sige! I'll text it na lang when I got there!'

Fr: My Love💗
Okay! Take care! Love you!😍😘

'Love you too!😘'

Napakasweet naman talaga ng aking boyfriend. Hihihihi!

So we arrived na sa school and binayadan ko na yung driver syempre.

"Goodmorning po." Sabi nung guard.

"Uhm.. Ininvite po ako ni Coach Karl for their training nila." Sabi ko naman.

"Ahhhh! Sophia po tama? Sophia Cayabyab?" Sabi naman nya.

"Opo." I said as I smiled.

"Sige po pasok po kayo. Diretso lang po kayo tapos nandun na po yung gym." Sabi nung guard.

"Okay po! Thank you po." I said as I smiled again and left him naman.

Napakalaki ng school na toh grabe! Maganda din sya and I guess disiplinado ang mga bata dito kasi ang linis ng paligid.

I got to the gym naman and saw yung mga player siguro ni coach na nakaupo sa gitna ng court.

Nakita naman ako ni coach. I wave at him naman and nilapitan nya ako.

"Thank you sa pagpunta Phia ah!" Sabi naman ni coach.

"Wala po yun coach! Hindi naman kita mahihindian dahil ang laki ng utang na loob ko sayo." Sabi ko naman sa kanya.

Basketball Or LoveWhere stories live. Discover now