Chapter 4

25 2 0
                                    

Chapter 4 Note

Cassy's POV

'Sana walang bukas'

'Sana di na matapos'

'Sana lagi nalang ganto'

Mga hiling ko matapos ang araw na iyon unang larong naging masaya ako. Sabi ng nakararami THE BEST TRY IS THE FIRST ONE.

Pagkatapos naming maglaro hinatid namin ang isa't isa una si Jam pangalawa si Lady Anne nasa labas ng Subdivision nato ang bahay nila Karl kaya sabi niya mag isa nalang siya uuwi.

Nang nakarating ako sa bahay nagulat ako nakita ko si Daddy sa Terrace nakatanaw sa garden habang may hawak na coffee. Napatingin siya sa gate ng bumukas ito. Nangunot ang noo niya ng makita ako.

"Anak san ka galing?" nakakunot ang noong tanong niya.

Nag mano at humalik sa pisnge niya ako bago magsalita "Sa labas po nakipaglaro sa mga kaibigan ko"

"May mga kaibigan kana?" nakangiting tanong niya.

Tumango naman ako ng nakangiti bilang sagot .

"Kwentohan mo nga si Daddy sa buong maghapon mo"

Nagulat ako sa sinabi ni Daddy we're no longer have a time to talk about me kahit nung maliit ako walang usaping pumupunta sakin kasi nga bata pa ako para magkaraon ng karanasan sa labas.

"Halika rito umupo ka" anyaya pa no Dad

Umupo ako bago magsalita " Uhmm una po akong nakita ni Karl Jan Cailing---"

"Karl Jan Cailing na anak nila Klent Jan at Karen Cailing?" singit ni Dad.

" Kilala mo po yung parents niya?" nagtatakang tanong ko.

" Of Course they are my friend before" nakangiting sabi ni Dad na nakatingin sa kawalan na parang bang may naalala. "Si Klent Jan ang pinakamagulong member ng The Cream" nakangiting dagdag niya sabay tingin sakin " Alam mo anak sa inyong tatlong magkakapatid sa inyong magpipinsan ikaw ang pinaka paborito ng lola Cassandra mo" nagulat ako sa sinabi ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya.

" Sa twing dadalhin ka namin don nung mga isang taong gulang ka palang paborito ka na niya ang daming lumalapit sakanya pero pag andyan kana wala na siyang ibang titignan o aasikasuhin. Alam mo ba na nagulat kami ng sinabi ni lola mo noon?." nakangiting sabi ni Dad.

" Ano pong sabi niya?" tanong ko naman.

"Na darating yung araw mabubuo ang at makakatapo ka ng mga kaibigan mo pero ang magiging grupo mo ang magiging makapabagong bersyon ng kaibigan namin noon ng mommy mo" sagot niya.

Tumingin sa kawalan si Dad " Hindi ako magtataka kung ngayon iyon hindi ganun kalaki ang mundo para mabuo ang bagong bersyon ng The Cream" may namuong luha sa gilig ng mata ni Daddy. " Pasensya na anak ha sabi ko ikaw ang mag kwento hindi ako" natatawang sabi niya pero di ko man lang nagawang makisabay.

Nang matapos ang usaping iyon pumasok nako sa loob nakita ko si Mommy at si Ate sa Kitchen nung uminom ako.

"Oh bunso san ka galing?" nakangiting sabi ni Mom.

"Sa labas po" pagod na sabi ko.

"Bunso maligo kana sa taas at magpanghinga na para sabay sabay na tayong magdinner pag dating ni kuya Casszier." sabi ni Ate habang umiinom ako

Tumango lang ako bilang sagot at umakyat nako sa kwarto ko.

Pag bukas ko ng kwarto ko ramdam ko ang pagod ang lungkot dahil mag isa nanaman ako. Nagpunta ako sa Banyo ng kwarto ko para maligo. Pagkatapos maligo ay nahpunta ako sa Study Table ko napatingin ako sa makapal na Notebook na binigay ni lola Cassandra noong 3 yrs old ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopeless LoveWhere stories live. Discover now