"Well, I wanna explore different kinds of work. So being a taxi driver is part of it."
Kumakain sila ngayon ng meryenda at inaantay niya ang kaniyang ama na matapos sa mga niluluto nito para sa kaarawan ng anak ni Tatay Simon, ang kanilang family driver.
Halos lahat ng trabaho ay nais nitong subukan, at hindi ito nagbibiro.
Dahil noong nakalipas na taon, sinubukan nitong maging taho-seller. Naging tindero ng street foods, naging salesman sa isang supermarket, naging barker ng jeep, nagbenta ng produkto via online at ito rin ang nagdi-deliver. Naging cashier sa isang fastfood chain, assistant director sa isang sikat na pelikula, gumawa rin ng sariling libro na ito mismo ang nagpublish ng isang daang kopya at ipinagbili ng libre, in short, ipinamigay sa kung sinong makikitang nilalang na madadaanan nito.
Sinubukan din nitong maging doktor kaso kaagad ding natanggal dahil nabalitaang hindi pa ito graduate ng college noong panahong iyon at peke ang dokumentong ipasa nito. Muntik pa ngang makapatay ng pasyente dahil sa hindi pagkakaunawaan. Naging chef na dahilan ng pagkakakulong nito ng tatlong araw dahil sa food poisoning.
Mabuti nalang at mayaman ang loko, dahil kung hindi baka nasa bilangguan pa rin ito.
'Kaya nakulo dugo ko rito eh, akala niya biro lang ang buhay.'
Nasubukan na din nitong maging gwardiya ngunit 'di nakayanan dahil imbes na ito ang magbabantay, ito mismo ang binabantayan ng mga kababaihan na nahuhumaling sa itsura nito.
Naging guro sa isang philosophy class na kaagad ding nadismissed dahil sa bugnutin nitong ugali. Minura kasi ng loko ang isang estudyante na tanong nang tanong ukol sa kanilang subject, at kung anu-ano pang mga trabaho.
He started doing these works at the age of nineteen and the show still goes on 'cause he's insane until now.
This year, ito ang trabaho ng loko. Taxi driver.
"Do you know it's been a week since I arrived here? Nasa condo ko lang ako. You konw, muni-muni lang ng ilang araw." uminom ito ng tubig.
"Alam mong wala akong pake." sagot ni Rei.
Muni-muni ampota.
Nagpunas ng bibig ang lalaki, "Saan nga pala sa Laguna ang bahay mo? Lilipat na rin ako ng matitirhan. Malapit sana sa kompaya para mas less hassle sa byahe." tanong nito na tila sanay na sa ugali niya.
"Bakit ko sasabihin sa'yo? Hindi pa naman ako siraulo." tumayo siya sa upuan.
"Wow, Rei. Ako lang ba ang siraulo rito? Tandaan mo business woman ka pero ayaw mong mag-invest sa'min. Tsk, what a waste. Isa pa , hindi ka pa nga bayad sa utang mo sa'kin eh." patol ng lalaki.
"Never gonna happen, com-psy. At wala akong utang sa'yo."
"Really, cold-hearted sleep destroyer?" napa-kunot ng noo siya nang marinig ang palayaw ng lalaki sa kaniya. Simula college ay ito na ang tawag ng loko tuwing nang-aasar. "Naalala mo 'nong pumunta tayong Japan? Wala kang pambili ng comic book, ako 'yon." turo nito sa sarili.
"That's like three thousand yen, get over it. Baka gusto mong mag kwentahan tayo ng utang dito?" pangha-hamon niya sa lalaki na ngumuso naman.
YOU ARE READING
PETRICHOR
RomanceRei has endured such cruelty for time. After an accident she can't even recall, she lived a hazy 3 years. She recalls some of her memories with her family, friends, and everyone else around except Dark, the man who represented himself as her partner...