Okay lang 'yon

40 3 1
                                    

Caroline's Point of view

"Uy ano ba kayo! Gosh, Sharmane!" pagpupumiglas ko sa mga kaibigan ko. Aba naman! Bigla akong hinila at piniringan. 

"Oh ayan. Wag kang aalis dyan ah!" sabi nila sakin at pinaupo ako sa upuan. 

"Oh ano ba 'to? Baka frat 'to ah! Babatukan ko kayo." sabi ko na naiiyak na. 

"Gaga! Kaibigan mo kami ba't namin gagawin yun. HAHAHAHA bye!" sabi nila at nawala na sa pandinig ko ang boses nila. 

"Urrrgh! Sharmane naman kasi!!!" sigaw ko. Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil nakatali din ito. 

May nag bukas ng piring sa mata ko. Malabo pa ito masyado nung dumilat ako. 

"Hi!" bati sa akin ni Spencer. 

"S-spencer?!" nginitian niya ako. Shet, crush ko pa naman 'to. "Iniwan nila ako dito patu--" 

"Ako ang nag-utos sakanila. " ngiti nanaman nito. 

"Ha? Ano?" I'm so kilig much ah! HAHAHAHAHA.

"Manliligaw ako sayo. Hindi pwedeng hindi, okay?" sabi niya habang kinakalas ang nasa kamay ko. 

"H-hoy! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" sabi ko sabay hawak sa pulso ko. 

"Hindi ako nagbibiro Caroline! Seryoso ako." nag-iwas ako ng tingin. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko. Sasabog na ako! Baka mapautot ako :((( HAHAHAHA joke. 

"Hoy wala nang ayawan 'to!" sabi niya sabay tawa. 

"Oo na sige na." sabi ko. 

"Tingin ka muna sakin." umiwas ako ng tingin. Duh, pakipot muna. 

"Ayyy. Isa, tingin na." hindi pa din ako tumingin. Kinuha niya ang baba ko at ibinaling sakanya. 

"Ayieee namumula! Hart hart mo din ako diba?!" sabi niya sabay kunwaring kinikilig. 

"Feeling naman nento, heh! Diyan ka na nga." sabi ko at tumayo at umalis sa harap niya. Pagkatalikod ko ay agad akong ngumiti. Spencer yun oy! Nainlove sa akin. Shet, kilig much. 

Sinagot ko din siya after 3 months. Oo, umabot sa ganun ang pag-hihintay niya. Gusto kong makita kung seryoso ba siya talaga. Hindi yung trip trip lang kagaya ng nababasa ko sa mga stories sa wattpad. 

"Hi Caroline!" napatigil ako sa pagsusulat ng marinig ko ang boses ni Spencer na nasa stage. "Wag ka munang kiligin diyan, 'di porket nandito ako ay isu-surprise kita, malay mo makipag-break." nanlaki ang mata ko at sinarado ang notebook ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Okay lang 'yonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon