Chapter 2: Ikaw Lamang

1.1K 6 2
                                    

Sa mga sumunod na linggo, halatang halata na nga na sila na ni Andrew. Lagi silang magkasama, hindi na nga rin kami ga’nong nagkakausap, pero wala namang ilangan. Medyo nainis ako no’n sa kanya, pa’no ba naman, wala na siyang oras para sa’kin. Okay sige, sino ba naman ako para bigyan niya ng time ‘di ba? Pero pansin ko kahit sa mga kaibigan niya ay ganon din siya. Noong minsan nga na katext ko ang isa sa mga kaibigan niya, ganon din ang sinabi niya sa’kin, nagtatampo na nga daw sila. Nung nagkatext kami ni Tricia, sinabi ko sa kanya ang tungkol do’n, pero nagalit lang siya. Nagulat ako no’n, kaya tinanong ko kung anong problema niya. Nagpasensya siya, magkaaway pala sila ni Andrew kaya medyo high blood siya. Naging madalas na ang ganong eksena. Madalas sila mag-away ni Andrew, tapos ibubunton niya sa’kin, tapos magsosorry siya. Ganon ang mga pangyayari hanggang sa magthird year na kami.

Isang araw, nagtext siya sa’kin, tinatanong niya kung may ginagawa daw ba ko. Sabi ko wala. Nagtext ulit siya, tawag naman daw ako. Ako naman, paload kagad, register sa unlicall at tumawag sa kanya.

“Hello?”

“Jason…”

“Tricia? Umiiyak ka ba?”

“Jason break na kami.”

“Ha? Bakit? Anong nangyari?”

“Ewan ko ba? Nahihirapan na ko e. Lagi na lang kaming nagaaway. Kung minsan hindi ko maramdaman yung pagmamahal niya sa’kin. Minsan nga, kapag may pupuntahan ako, nagpapasama ako sa kanya pero madalas nagdadahilan siya na may gagawin daw siya o kaya naman di daw siya pwede, laging gano’n. Napakasimpleng bagay lang, di pa niya magawa para sa’kin.”

“Ikaw kasi e, nandito naman kasi ako.” Maniwala kayo, hindi ko ‘yon sinasadyang sabihin, ‘yon lang kasi ang nasa isip ko ng mga oras na ‘yon, pero narinig ko siyang tumawa ng konti.

“Seryoso ka ba?” Tanong ni Tricia. Hindi ko alam, pero para bang hinahamon ako ng tanong na ‘to.

“Syempre naman. Ikaw lang kasi…” Pabiro kong sagot.

Nagpatuloy kaming magkwentuhan pero hindi na tungkol sa kanila ni Andrew. Yung kausap ko noong mga oras na ‘yon ay yung Tricia na nakilala ko, yung seatmate kong si Tricia. Ang tagal namin nag-usap, hanggang sa mag-aya na siyang matulog. Alam ko dapat akong malungkot sa nangyari sa kanila, pero ewan ko, masaya ko na break na sila.

Bumalik ang pagiging  close naming ni Tricia. At good news! Hehe. Sa’kin na inaasar si Tricia.

Habang naglalakad kami ni Tricia pababa mula sa third floor, naisipan kong magtapat ulit.

“Tricia, pa’no kung ligawan kita?”

Tumawa lang siya.

“Seryoso kasi.”

“Para ‘tong sira! Kagagaling ko lang sa break-up di ba?”

Fuschiang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon