Chapter 4: Kundiman

850 2 1
                                    

Naging madalas yung paguusap nila ni Andrew, hindi ko alam kung ngayon lang ba sila ulit naging ganito o matagal na pero hindi ko lang napapansin. Unti-unti, parang napagiwanan na ko, parang may naglalaho. Napansin ko na lang bigla na an gaga ko na natutulog, na may mga gabing nakatulala na lang ulit ako sa kisame ng kwarto ko kasi hindi ako makatulog. Nasasayang na lang din ang unlicall ko kasi hindi na kami madalas magtawagan. Parang nanlalamig na siya. Ano na bang nangyayari sa relasyon na ‘to?

Gumawa ako ng sulat para kay Tricia, sa kanya ko palang gagawin ‘to.

Tricia,

Napasulat lang. Hehe. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal mahal na mahal mahal na mahal kita!

Tricia, alam ko marami tayong naging pagaaway, pero nalalampasan naman natin ‘yon ‘di ba? Sana sa lahat ng pagsubok na dadating sa’tin, ‘wag kang bibitaw ha, wag tayong bibitaw.

Kundiman

Para kang asukal

Sintamis mong magmahal

Para kang pintura

Buhay ko ikaw ang nagpinta

Para kang unan

Pinapainit mo ang aking tiyan

Para kang kumot na yumayakap

Sa tuwing ako’y nalulungkot

Kaya’t wag magtataka

Kung bakit ayaw kitang maawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo

Wag mong kalimutan

Nandito lang ako

Laging umaalalay

Di ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Di baleng maghapon umulan

Basta’t ikaw ang sasandalan

Liwanag ng lumulubog na araw

Kay sarap pagmasdan

Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha

Hinding-hindi magsaawa

Ayoko ng magsawa

Bahala na, ayoko muna magsalita

Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Kanta ko sayo ‘yan. Hehe. Hindi ko na kinanta sayo sa phone, ‘di na kasi tayo madalas magtawagan e. Text ka pagkatapos mo ‘tong basahin ha. I love you Tricia!

Fuschiang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon